CHAPTER 5: XXL Dress

2088 Words
Kabang-kaba ako habang inaayusan ako ng make up artist, hair dresser, pati magsusuot ng dress ko. Sobrang laki pa ng ngiti nila habang kausap nila si Calvin sa labas ng kwarto ko. Halatang kinikilig, lahat sila nanghingi ng autograph pero noong makapasok sila sa silid ko at nakita nila ako. Nawala ang tuwa sa kanilang mga labi. Naalala ko pa ang disappointed nilang itsura nang makita ako. "Kayo na ang bahala sa kanya. Make sure, bumagay sa kanya ang ipasuot niyong damit," sabi ni Calvin. Namulsa pa ito. "E, sir...Ka ano-ano niyo po si ma'am?" tanong noong isang babae sabay titig sa akin mula ulo hanggang paa. Gusto na lang umatras. Takot yata na maayusan ako. Nagkatinginan kami ni Calvin. Walang gana ang tingin niya sa akin bago sinagot ang babaeng mag-aayus sa akin. "She's my cousin..." pakilala nito. Tumingin siya sa kanyang relo. "Bibigyan ko kayo ng dalawang oras. Maghihintay ako sa living area." Ngumiti ang limang babaeng noong makaalis na si Calvin. Noong hinarap nila ako, akala ko mandidiri ulit sila sa akin kagaya noong unang kita nila pero nagulat na lang ako nang magtatalon sila sa harapan ko at halos kuyugin ako sa sobrang kilig nila. "Pinsan pala kayo ni Mr.Calvin. Ang swerte niyo naman, Ma'am. May kasama kayong gwapo na lalaki. Dito ba kayo nakatira?Siguro kung naging katulong ako sa malaking mansyon ng pinsan niyo baka araw-araw maganda ang gising ko." Hindi ako makangiti sa kanila. Nakatitig lang ako sa limang babae na hinahanda na ang mga gagamitin nila sa pag-aayos sa akin. "Naku! Pasensiya kana kanina. Akala kasi namin kung sino ang aayusin... E, sobrang taba niyo kasi, Ma'am. Hindi halatang magpinsan kayo ni sir Calvin. Ang gwapo-gwapo saka sobrang matcho pa. Ang layo niyo sa isa't-isa. Pero sa bagay, magpinsan lang naman kayo hindi kayo magkapatid." Humagikik sila. Marami pa silang sinasabi tungkol sa amin ni Calvin. Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko silang magsalita sa pantasya nila sa asawa ko. Mabuti na lang napaniwala sila ng lalaking iyon na magpinsan lang talaga kami. Kung sa bagay, ano ba'ng aasahan ko? Syempre sekreto lang ang kasal namin. Kailangan lang talaga naming lumusot sa mga taong magtatanong kung ka ano-ano ko si Calvin. Para sa akin, okay lang naman iyon na ipakilala niya ako bilang pinsan. "Ma'am, ito na pala ang susuotin niyong gown." Nasa harapan ko na ang red gown, isa itong silver lining sa may dibdib. Isang backless, at may slit sa hita. Sinuot ito ng isang mannequin kaya nakikita ko ang susuotin ko ngayong gabi. Sa bandang dibdib ay makikita ang cleavege ko. The dress is too revealing but it's beautiful. Kumikislap ang mga maliliit na diamonds na nakadikit sa dress na iyon. Hindi pa ako nakasuot nang ganito kaganda dahil pakiramdam ko hindi bagay sa akin. I only wear jeans, t-shirts, dress pero abot hanggang tuhod pero simpleng mga dress lang. Walang revealing, hindi rin kita ang braso at hita ko, maski shorts hindi ko kayang suotin. Pero itong napili nilang susuotin ko ngayong gabi. Pakiramdam ko, masiyado lang talagang revealing. I'm not comfortable wearing it. It's not my taste too. Kaya naninibago ako sa dress na nasa harapan ko. Mukhang stretchable naman itong tingnan at matibay. Hindi ko lang alam kong malakas ba ang confidence ko kapag sinuot ko na sa pagkat masiyado talagang revealing. Makikita ang dibdib at hita ko. "Wala bang iba?" Ngumiwi ako. "Hindi ako nagsusuot ng ganyang style." "Marami ka sanang pagpilian, Ma'am. Pero ito na lang ang dinala namin. Nagustuhan kasi ito ng pinsan niyo." "Sino'ng pumili ng susuotin ko ulit?" hindi makapaniwala kong tanong. "Actually, pinapili namin si Mr.Calvin sa gusto niyang dress. Ang sabi niya ito raw ang pinakamaganda kaya ito na lang ang dinala namin rito. Sa totoo lang, meroon pa nga kaming extra dress rito pero hindi yata babagay sa pupuntahan niyo Ma'am dahil masiyadong dark ang kulay at sobrang simple lang talaga." "S-Si Calvin ang namili? Alam niya ba ang sizes ng katawan ko?" Singhap ko pa. Binalewala ang iba pa nilang sinabi. "Ang sabi niya sa amin XXL daw...Kaya nagdala kami ng XXL sizes na dress na alam naming babagay sa inyo. Akala nga namin Mommy niya ang magsusuot dahil sobrang laki ng damit." Nagtawanan silang lima. Pinigilan ko ang ngiti. Nakaramdam ako ng saya ngayon dahil hindi ko akalain na si Calvin mismo ang namili sa susuotin ko. I know maliit na bagay lang iyon pero ang laki na ng tuwa ko. There's a bigger impact in my whole esteem. Imagine, ang lalaking hinangaan ko ang pumili. Siguro, gagawin ko na rin itong collection bilang paalala na si Calvin mismo ang gustong magsuot ako nang ganyang dress. "Sige, susuotin ko iyan." Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi. Wala na akong reklamo doon sa dress dahil si Calvin naman ang namili. I admit, hindi ko gusto ang pinili niya pero maganda ang taste niya sa pamimili ng magandang suotin. Ang kaso lang, I'm not confident enough to wear such a classy dress. But because of him, mapipilitan akong suotin ito. "Are you sure, Ma'am? Okay na ba sa inyo ang dress?" "Yeah, sure...I'm gonna wear it, kung siya mismo ang pumili para sa akin... Kung para kay Calvin babagay ito sa katawan ko, wala akong problema." Ngumiti ako sa kanila. Nagkatinginan ang mag-ayos sa akin. Mukhang nag-uusap sila sa kanilang mga tingin. Siguro iniisip nila na baka magmukhang akong suman kung ipipilit ko talagang suotin ang dress. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Gusto ko lang matuwa si Calvin sa akin. Gusto kong mapatitig siya sa mukha ko, sa katawan ko. Sa buong sistema ko. Siguro mapansin na niya ako kapag sinuot ko na iyan. I'm so excited right now, kahit hindi pa ako tapos ayusan. Pagkatapos nilang ayusin ang buhok ko at lagyan ng make up ang aking mukha. Napaawang ang labi ko nang makita ang resulta. Nilagyan nila ako ng wig na kulot ang buhok. Hanggang braso ko ang haba ng wig, nilagyan din nila ng mga hair pins upang ayusin ito at hindi sagabal sa mukha ko. Bumagay naman sa pagmumukha ko ang wig lalo na sa make up. Marami silang contour na nilagay upang hindi malaki tingnan ang pagmumukha ko. Makapal ang eyeshadows, pinkish ang pisnge ko. Mapula naman ang labi ko. They also put chandelier earrings in my ears. May suot rin akong pearl na kwentas. I can say...they did a lot of transformations in my face. Lumitaw ang ganda ko, pero noong sinuot nila sa akin ang dress. Mas lalo akong nagandahan sa sarili ko. Para sa akin bagay sa akin ang lahat. "Sayang...kung wala sana itong fats mo sa tiyan. Okay na sana e," sabi noong isang babae sabay sundot sa tiyan ko na halos puputok na ang dress kong suot sa sobrang hapit sa akin, hindi naman siya masikip, pero hindi ako comfortable. "In fairness...overall look, maganda... bumagay sa XXL na katulad mo," komento pa noong isang babae. Ngumiti ako. Pakiramdam ko noong gabing iyon nagiging tao na ako. Kahit mataba pero bumagay pa rin sa akin ang pag-aayos nila. "O siya...aalis na kami. May next client pa kami e." Tumango lang ako saka pinanood ang mga babaeng nagliligpit. Iniwanan lang nila ako sa kwarto ko. Paulit-ulit naman ang titig ko sa malaking full length mirror. Tinitigan ko ang sarili sa salamin, hinawakan ang pagmumukha at pulang dress. Kahit bakat ang bilbil ay sexy pa rin naman akong tingnan. Ang problema ko naman ngayon, kung paano suotin ang mataas na sandal. Sinubukan kong mag-practice magsuot ng heels dahil required din ito para mas bumagay sa suot ko. Hindi naman ako mahilig sa heels. Mostly, I wear sneakers, flat shoes, sandals na one inch heels lang. Hindi katulad sa suot ko ngayon isang 6 inches heels daw ito. Paulit-ulit ang lakad ko sa harapan ng salamin suot ang pulang heels. Sinubukan ko ring ngumiti sa salamin. I practiced my smile. Ngunit natigil ako sa ginagawa nang marinig ko ang malakas na katok sa pintuan. "Ella, it's been almost three fúcking hours. Kanina pa umaalis ang mga nag-aayos sa'yo. Bakit hindi ka pa lumabas?" Himig sa boses ni Calvin ang inis. Tumalbog naman sa kaba ang dibdib ko. Naalala na dalawang oras lang ang palugit niya sa akin. "Ah...Oo...lalabas na ako." Ilang paghinga ang ginawa ko saka ko pinulot ang maliit kong hand purse na kulay red din. Nakangiti kong binuksan ang pintuan. Bumungad si Calvin sa harapan ko na sobrang gwapo sa suot nitong itim na suit. Maayos ang kanyang buhok na medyo ginulo ka unti sa bandang harapan. He' s smells good. Nakaka-addict amuyin ang pabango niya. "Tapos na ako..." Ngumiti ako ng malawak. Pinakita ko sa kanya ang kabuuan ko ngayon. "Ang ganda ng pinili mong dress sa akin. Nagustuhan ko," wika ko pa. Buong akala ko matutulala si Calvin dahil feeling ko ang ganda ko ngayon pero tumitig lang siya diretso sa mukha ko. Blangko ang mga tingin niya. Tinaasan niya ako ng kilay. Wala rin siyang pakialam sa pagbabago sa itsura ko. "What took you so long? Mali-late na tayo!" Nangunot ang kanyang noo. Bigla akong nabalisa. Nakaramdam ng kahihiyan sa inasta nito. Tinago ko ang ngiti saka pormal na humarap sa kanya. "Nag-practice pa ako magsuot ng heels. Hindi kasi ako marunong." Inayus ko ang suot kong dress sa bandang dibdib upang mapansin naman niya ang dress na pinili niya para sa akin. Ngunit tumalikod na lang siya bigla. "Ang ayaw ko sa lahat ang pinaghihintay ako...Make it faster...aalis na tayo. The event will start in a minute," his voice is still annoyed. Unti-unti namang nawala ang maganda kong mood. Pinanood ko na lang ang likuran niya na naunang maglakad sa hallway. Biglang nawala ang confident ko sa katawan. Wala naman siyang sinabi sa akin o maski tingnan ang buong itsura ko ngayon. Hindi ko rin nakitaan na natutulala siya sa itsura ko kagaya ng mga napanood kong movie sa tuwing inaayusan na ang babaeng bida. Well, what am I doing to myself? Hindi naman ako bida sa mga movie para mag-expect na ganoon rin ang reaksyon niya. Maybe I'm just expecting too much dahil pakiramdam ko ngayon lang ako gumanda. Baka naman sa paningin ko lang talaga ako maganda? Hindi sa mata ng ibang tao? Hindi sa mata ni Calvin? Kahit ayusan pa ako ng napakaganda...Hinding-hindi niya talaga ako mapapansin. And it's hurts. Dahil sa mga na isip ko, mas bumababa na naman ang confidence ko sa katawan. Hindi na tuloy ako mapakali sa suot ko ngayon. Sinundan ko si Calvin palabas ng bahay. Napansin kong may dalawang kotse ang nandoon. Nakita ko sa labas si Benjamin ang private bodyguards na palaging nasusunodo sa akin sa school. Sumulyap lang siya sa akin saglit. As in wala siyang reaksyon. Bago niya hinarap si Calvin. "Benjamin, ikaw na ang bahala sa kanya, ihatid mo si Ella sa event. Sa loob na ako ng hall maghihintay sa inyo. Samahan mo siya sa buong gabi. Don't take your eyes away from her," utos nito sa private bodyguard ko. "Copy that boss." Pinagbuksan niya ng kotse si Calvin. Pumasok naman ang lalaki sa loob na hindi ako kinausap ulit o maski balingan ng isang beses. Naiwan akong nakatunganga. Umaasa na sana makasama ko siya sa pagsakay sa loob ng kotse pero hindi nga pala ganoon ang mangyayari. Papuntahin niya lang ako sa social gatherings pero hindi ako pwedeng dumikit sa kanya. Hindi ako pwedeng lumapit sa kanya. "Ma'am, Ella... Pumasok na tayo sa kotse. Doon na raw kayo magkikita ni bossing sa event," tawag ni Benjamin sa akin. Kinurap ko ang mga mata habang tinatanaw ang kotse ni Calvin na umaalis palabas ng gate. "O-Okay... Tara na." I acted normally. There's a part of me, in pain. Pero wala akong magawa. Umaasa lang pala ako na magustuhan niya ako kahit paano. Hanggang ngayon pala, hindi niya pa rin ako tanggap. Bakit pa ba ako aasa na magiging magaan ang turing ni Kelvis sa akin? Sa isang taon na magkasama kami. Isang beses lang talaga may magandang nangyari sa buhay naming dalawa. Those days he put umbrella on me. Iyong araw ng libing ni Mommy. Pinayungan niya ako. For me, it was very romantic. Hindi na iyon na sundan, hanggang sa kasalukuyan. Masakit isipin pero kailangan kong tiisin ang malamig na pakikitungo ni Calvin sa akin dahil ginusto ko rin naman ito. Ginusto kong pahirapan ang sarili at tiisin na magustuhan ko ang lalaking, impossibleng magkagusto sa kagaya ko na hindi kagandahan at wala sa standard niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD