CHAPTER 4: Machine gun

1784 Words
Mahirap umasa na magbabago pa rin ang isang tao sa'yo. Dahil kahit iparamdam mo sa kanya at ibigay mo sa kanya ang mundo. Wala pa ring magbabago. If a person would hate you, they will hate you for the rest of your life. "Tama na. Huwag niyong putulin ang buhok ko!" Tinulak ko ang mga babaeng humahawak sa akin dahil gusto nilang guntingin ang buhok ko. Pilit akong nanlaban. Tatlong babae ang kaharap ko ngayon. Sila ang mga kaklase ko na mahilig mambully sa akin simula noong tumungtong ako ng 4th year college. "Iyak ka na lang. Hindi ka uuwi ngayon na hindi namin mapuputol ang buhok mo. Sobrang hambog mo rin sa klase kanina, masiyado kang pabida sa mga guro!" Hindi ko magawang lumaban nang tuluyan na nilang magupit ang buhok ko. Pinutol nila hanggang sa leeg ko. Pinigilan ko ang luha dahil ayaw kong ipakita sa kanila ang kahinaan ko. Sa kalagitnaan nang pagputol nila sa aking buhok dumating ang faculty. "Bitawan niyo na iyan, girls!" utos niya sa mga babae. "Tara na nga, Ruby! Hinahanap na ako ng sundo ko!" sabi nila. Tinulak nila ako kaya natamaan ang siko ko sa isang matulis na kahoy. Naramdaman ko ang panghahapdi sa aking siko. Impit naman akong dumaing. Hindi pa sila na kuntento binuhusan nila ng paint ang uniform ko, pati ang buhok ko nagkaroon iyon ng paint. Umalis na silang tatlo. Tinitigan ko naman ang buhok ko sa semento. Hinawakan ko ang buhok ko na umiksi. Huminga ako nang malalim saka tumayo. Pinulot ko ang bag saka lumabas ako ng campus na parang walang nangyari. Gusto ng faculty na magsumbong ako sa principal's office. Hindi ko na ginawa dahil alam ko ang mangyayari, ipapatawag nila si Daddy. Or any relative ko. May iilang studyante ang nakasabayan ko sa paglabas ng gate. Pinagtatawanan nila ako. Para bang alam nilang ganito na talaga ang buhay ko bilang 4th year college student sa campus. Hindi ko na lang sila pinansin. Sanay na ako sa pangungutya nila sa akin. Natigilan ako nang may humintong kotse sa harapan ko. Lumabas ang driver nu'n saka pinagbuksan ako ng pintuan. "Magandang hapon, Ma'am Ella. Pumasok na kayo sa loob. Ihahatid ko na kayo pauwi." Hindi ako nagsalita. Agad na akong pumasok sa loob ng kotse. Sumunod naman siya sa akin. Agad niya akong binigyan ng towel. "Linisin niyo po ang sarili niyo...Baka biglang uuwi si sir Calvin at maabutan kayo na ganyan ang istura niyo." Sinubukan kong pahirin ang mga paints sa uniform pero mas lalo lang kumalat ang kulay nu'n. Hindi rin natatanggal. "Hindi mo na ako kailangan sunduin palagi, Benjamin. Kaya ko naman umuwi nang mag-isa." Sumulyap siya sa akin sa front mirror. Iniling niya ang kanyang ulo. "Utos po ni sir Calvin na araw-araw kitang susunduin, Ma'am. Trabaho ko po ito." "Bakit niya ba ginagawa ito? I know he's not concerned to me." Bumuntong hininga ako ng malakas. "Siguro utos po ng kanyang ama na alagaan kayo...lalo na't ang pamilya niyo ang may hawak sa career ni sir ngayon. Simula nga noong magulang muna ang bagong CEO ng Entertainment Company nila sir Calvin. Mas lalo yatang sumikat ang asawa niyo, Ma'am. Mas dumami ang project at concert niya. Sobrang proud niyo siguro sa narating ng asawa niyo ngayon." Malaki ang ngiti ni Benjamin. Habang hindi ko naman kayang ilabas ang ngiti ko. Sa totoo lang, hindi ko ramdam na may kasama ako sa bahay namin ni Calvin. Hindi ko ramdam na kasal na pala ako dahil kahit isang taon na kaming kasal. Walang pinagbago ang lahat. Calvin is so cold to me. Kahit isang beses hindi ko pa naranasan na sabay kaming kumain. Maski kausapin ako nang matagal, kahit titigan ako nang harap-harapan. Hindi niya magawa. Nandidiri siya sa presensiya ko. Masasabi ko na maganda pa siguro noong panahon na fan girl lang ako, nagawa ko pang magsaya, nagawa ko pang pumunta sa concert. Ngumungiti pa si Calvin sa aking tuwing magpa-authograph ako. Ngayon, hindi ko na magawa dahil ayaw ni Calvin. He always told me that he's marrying me because of his mother's last request. Nothing else. Ganoon ang mga nangyayari sa mga sumusunod na araw, palagi akong sinusundan ni Benjamin na sobrang kalat ko. And he always prepares me for a towel in the car. Sa tuwing umuuwi ako, minsan nasa bahay si Calvin, minsan wala. At minsan kusa akong pinapatawag ni Calvin para papuntahin sa library niya na ginawa na rin niyang opisina. "You're my wife...I'm your husband. That's why, I can't announce to everyone that you are my wife. Bukod sa hindi ka na nga kagandahan, sobrang taba mo pa. Tatanga-tanga ka rin talaga. Dapat sa'yo ang manatili na lang rito sa bahay." Napaatras ako ng paa sa pagkat ramdam ko ang panghahapdi sa puso ko. I can really feel the knife who's stabbing in my chest. Masakit mainsulto sa mga taong nasa paligid ko pero wala nang mas sasakit na marinig mismo sa bibig ng lalaking nasa harapan ko kung paano niya ako laitin. "Pasensiya na, Calvin," mababang tinig kong sabi. Pinipigilan ko ang mga luha. "Shut up! It won't help. Puro ka paawa. Learn to be strong. Will you please, don't expect me to help you. Asawa lang kita dahil wala akong choice. Kung pwede lang mamili...Baka matagal ko nang ginawa." Napayuko na lang ako para itago ang nangingilid kong luha. Mahabang katahimikan ang namamagitan sa amin. Narinig ko na lang ang tunog ng kanyang cellphone sa lamesa. I heard him answering the call. "Ano'ng oras ang shoot? Yeah... I'll be there in an hour...Bakit hindi mo sinabi sa akin na may taping ako? I don't remember you said that to me. Alright, I'll be there. See you." Natapos ang usapan niya doon sa kabilang linya kaya muli niya akong kinausap. "Bukas ng gabi...Magkakaroon ng social gatherings sa malaking Hotel. My dad told me that I should bring you, para ipakilala kita sa lahat." Nanlaki ang mata ko saka inangat ang tingin sa kanya. Lumunok ako nang makasalubong ang seryoso niyang mukha. "Isasama mo ako, Calvin?" Tinaasan niya ako ng kilay. Lumabas ang ngisi niya na para bang pinagtatawanan niya ang pagtatanong ko. "Sa isang taon natin na mag-asawa. May naalala ka ba na sinama kita sa mga ganyan?" Pakiramdam ko napahiya ako. Iniling ko ang ulo saka nag-iwas ng tingin. "H-Hindi pa...Hindi mo pa ako sinama maski isang beses," mababang tinig kong sabi. "Tsk! This time... You should prepare. Sa unang beses. Isasama kita. My dad wants proof that I will bring you into a special gathering...So, you must get ready tomorrow evening. I want to see you being dress sophisticated." Iyon ang huling usapan namin ni Calvin na isasama niya raw ako sa social gatherings. kinakabahan ako kaya hindi ko talaga alam ang gagawin. Sa mga sumunod na araw. Tahimik akong nakauwi. Iyon na nga ang nangyari sa akin. Pinutol ng mga masasamang studyante ang buhok ko. Sa sobrang iksi, hindi ko na gustuhan ang resulta. Pagdating sa bahay namin ni Calvin. Sobrang tahimik ng mansyon. As usual, the maids are greeted on me. Dumiretso na ako sa kwarto ko para magbihis at linisin ang sarili. I also looked at myself in the mirror when I saw my hair length na sobrang ikli. Mas lalong tumaba ang mukha ko dahil sa buhok ko. Sa loob ng kwarto ko, binuhos ko ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sa sobrang taba ko, inaabuso na ako ng mga tao. Sa sobrang panget ko, na kahit ano'ng paganda ko. Wala namang pinagbago. I'm still ugly on their eyes. Bakit sa society ngayon, itsura na ang labanan para piliin ka palagi? Para ipagmalaki ka? Why life is so unfair? Sa kalagitnaan nang pag-iyak ko. Narinig ko ang pagkatok sa aking pintuan. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos sa sarili dahil alam kong mga katulong lang naman ang gumagawi rito sa kuwarto ko para pakainin ako o di kaya'y hinahatiran nila ako ng pagkain sa tuwing hindi ako lumalabas ng aking kwarto. Kagaya ngayon, buong gabi lang akong nagmukmok. Binuksan ko ang pintuan. Walang gana ang mga tingin ko pero noong makita ko kung sino itong nasa harapan ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat ko. Parang nanlambot ako at nahiya sa itsura ko ngayon. "C-Calvin..." "You're like a piggy witch, Ella. Can you at least...Clean your face before you face me?" malamig niyang sabi. Ngumiwi pa ito saka tiningnan ang kabuuan ko. I'm wearing a loose T-shirt. Simple dark pajamas saka tsinelas. May suot rin akong black mask sa aking mukha. "A-ano'ng ginagawa mo rito sa kwarto ko?" gulat kong tanong sa pagkat. Hindi naman siya gumagawi rito sa kwarto ko. This is the first time for one years of being married with him. Kumunot ang kanyang noo. "Bukas na ang gathering events. Naghanda ka na ba?" Napaatras ako nang maalala na isasama nga pala ako ni Calvin sa isang event. Nawala na sa isipan ko iyong huling usapan namin noong nakaraang araw dahil sa daming nangyari sa University na pinasukan ko. "Maghahanda pa lang ako ngayon...Siguro aalis ako para maghanap ng masusuot." "Why you're not prepared yet? There's an important gathering tomorrow... Maraming mga camera man ang kukuha ng litrato sa'yo. Dapat presentable kang pupunta." "Aalis na ako ngayon-—" "Tsk! No need...Masiyado ng gabi. Ako na ang maghahanda bukas. All you need to do is to clean yourself. I will hire someone to do your make ups and hair. Also, you need to dress up nicely." Tumango na lang ako. I don't want to argue anymore. Alam ko namang hindi pa rin ako mananalo sa kanya. Akala ko aalis na ito pero napaatras ako nang titigan niya ako nang maigi hanggang sa unti-unting dumilim ang kanyang mukha. "What happened to your hair? Kung kailan may importanting event bukas saka mo pa na isipang putulin ang buhok mo. Mas lalo kang pumanget, mas tumaba rin ang mukha mo. Nag-isip ka pa ba ng mabuti?" Tumitig siya sa buhok ko. He looked at me confused. Humugot ako ng malalim na hininga dahil parang machine gun ang bibig nito sa sunod-sunod niyang panglalait sa akin. "Hindi naman ako ang may gawa nito. Ang mga kaklase ko...pinutulan nila ako ng buhok noong uwian." Yumuko ako saka nagbuntong hininga. Akala ko maawa siya sa akin pero mas sumiklab lang ang inis niya. "Then do something. Dapat bukas, hindi ganyan ka iksi ang buhok mo. Hindi bagay sa'yo. Kaya dapat mong ayusin iyan, Ella. Huwag mo akong ipahiya!" Iniling nito ang ulo. He looked disappointed on me. "O-okay...aayusin ko ito bukas." "Tsk! Make sure of that." Tumalikod na siya saka tuluyan na akong iniwanan. Naiwan naman akong nagdurugo ang damdamin dahil sa paulit-ulit na pang-iinsulto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD