"CALVIN KLEIN! WE LOVE YOU!"
"AKIN KA NA LANG, CALVIN. PAKASALAN MO AKO!"
Puno ng sigawan ang buong Araneta nang lumabas si Calvin. Ang famous actor sa buong Pilipinas. Bukod sa magaling na siyang sumayaw, nakakaakit pa ang ngiti nito. His smile can capture everyone. Walang pili ang nagkagusto sa kanya, mula sa bata, matanda, kahit may asawa na. Pinagkakaguluhan pa rin si Calvin. Maraming nagkandarapa sa kanya.
Isa na ako roon. Isa ako sa taga-hanga niya. Kahit saan ang concert niya, ginastusan ko ito. Sa Manila, sa Cebu, sa Mindanao. Kapag may concert siya nandoon lang ako. Nakasunod sa kanya. Kahit alam kong hindi niya ako mapapansin, masaya na ako na isa lang akong taga-supporta kay Calvin.
Tama kayo ng nabasa...Isa akong avid fan ng isang Calvin Klein. Marami akong albums niya, marami akong pictures. Maski sa notebook ko meroon din ang mukha niya, dumating rin sa punto na pati damit ko, nagpa-print na rin ako na may mukha niya, hanggang sa panty at bra ko. Ganyan ako ka baliw sa kanya. Sa sobrang sikat niya, parang ang hirap na niyang abutin. Kaya palihim na lang akong humahanga sa katulad niya.
Mula high school pa lang ako. Sikat na sikat na siya, hanggang sa mag-college ako. At napansin iyon ng magulang ko na naging obsessed fan na ako kay Calvin.
"Puro ka na lang, Calvin, iha. Ano ba'ng meroon sa lalaking iyan at nababaliw ka?" tanong ni Mommy sa akin nang makita niya ang kuwarto ko na puno ng pagmumukha ni Calvin. Maraming posters, marami din akong collection na iba't-ibang gamit ni Calvin.
Sa tuwing concert niya, may tinatapon siyang gamit sa mga tao galing mismo sa kanya, kagaya na lang ng jacket, damit, sapatos. Maski iniinom nitong bottled water. Binibili ko sa mga nakakuha nu'n, hindi ko inalintana kung gaano ka mahal ang pagbili ko nu'n basta makuha ko lang ang bagay na galing mismo kay Calvin.
Many would says that I'm very obsses with him. And so what? Alam kong mahirap na mapansin niya ako pero gusto ko lang iparamdam kay Calvin kung gaano ako humanga sa kanya. Gusto kong ipakita ang pagiging fan ko sa lalaking marami ang nagkagusto.
"Mommy, hayaan niyo na ako. Ito lang naman ang kasiyahan ko." Ngumuso ako.
Hinimas ni Mommy ang ulo ko saka nagbuntong hininga
"Okay lang naman na humanga ka sa isang tao pero huwag maging sobra. Remember the song? Too much love will kill you, baka saan ka dalhin ng paghanga mo sa kanya."
"Don't worry, Mommy. I know how to control myself." Ngumiti ako sa aking ina.
Sa kabila nang pag-alala nila sa akin. Sinuportahan pa rin nila ako sa pagiging fan girl ko, sa pag hanga ko sa isang lalaki na alam kong kahit kailan hindi ako mapapansin. For me, that's fine though. Halos lahat naman ng taong sumusuporta sa kanya hindi talaga napapansin. Swertehan na lang kung makuha niya ang atensyon mo. Kahit sa fansign nito, palagi akong nandoon. Sa tuwing nginitian niya ako at kinausap tuwing fan meeting niya. Para akong sinasayaw ng langit at lupa sa kaligayahan.
"Wow! Avid fan siya ni Calvin. Akala naman niya mapapansin siya? Eww!"
Habang nagsusulat ako ng diary sa notebook. Bigla na lang hinablot ng kaklase ko ang isang notebook ko pagkatapos pinakita niya sa mga kaklase ko kung paano niya pinunit ang notebook.
"Ano ba! Bakit mo pinunit ang notebook ko!" sigaw ko sabay tayo.
Tiningnan ko ang papel na nagkalat sa sahig. Ang dami ko pa namang sinulat doon na magandang karanasan kay Calvin.
"Aba! Aba, lumalaban na ang matabang si Ella... Ilusyanada ka naman. Sa tingin mo? Sa pagiging fan girl mo kay Calvin. Makukuha mo siya?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Sa taba mong 'yan? At sa panget mong pagmumukha. Walang papatol na lalaki sa'yo!"
Nagtawanan silang lahat. Hindi na bago sa akin na palagi nila akong binu-bully. Kahit noong tumungtong ako ng first year college. Akala ko, magbabago na ang lahat pero mas lumalala ang mga tao sa bawat pinapasukan kong University.
"Ikaw ba? Tingin mo papatol din si Calvin sa'yo!?" sigaw ko pabalik saka ko siya sinabunutan nang malala.
I was in highschool that time. Bawat bully lumalaban naman ako pero sa bandang huli, ako pa rin ang kawawa.
"I'm sorry to say this. Galit na galit ang parents ni Veronica dahil nagkaroon siya ng maraming sugat sa mukha. We want peace and order sa skwelahan na ito. Mas mabuting maghanap na kayo ng malilipatan na skwelahan ni Briella Aurelia Lizares." Tumingin sa akin ang principal sabay iling ng kanyang ulo.
"Pinunit niya ang notebook ko. Siya ang naunang mang-bully sa akin."
"Pero hindi ka niya sinasaktan, Ms.Lizares. I'm really sorry but this is against the law in our School."
Ilang Universities na ang nagpatalsik sa akin dahil sa tuwing lumalaban ako ng patas sa mga taong nanlait sa akin. Ako iyong natatanggal sa skwelahan, palaging pinapatawag ang parents ko para kausapin ng mga faculty. Hanggang sa mapagod na lang sila kakapunta sa office.
"Briella, please avoid some problems. This is the 10th time na pabalik-balik kami sa University para asikasuhin iyang problema mo sa school," sabi ni Mommy sa akin.
Napayuko ako at naiiyak dahil may nagreklamo na naman na studyante na isa na namang bully. Sinuntok ko kasi ito sa pagmumukha noong tinapunan niya ako ng palaka, nabali ang ilong, nagkaroon siya ng ilang pasa sa mukha kaya na Hospital ito, kaya na expelled na naman ako sa University.
"I'm sorry, Mommy. Hindi na po mauulit."
Pati magulang ko, nagsasawa na sa paulit-ulit na scenario.Kaya noong mag college ako, hindi na ako lumalaban. Hinahayaan ko ang mga taong humusga sa pagkatao ko sa pagkat natatakot na akong ma-expelled. Natatakot na akong magkamali. I only keep my mouth shut and not fighting back. Gusto ko na lang gawin ang mag-graduate as a college student bilang isang Engineer.
Iba't-ibang pang-bully na ang naranasan ko, I experience giving money to those bully para hindi nila ako gagalawin pero paulit-ulit na scenario lang ang nangyayari. Kinukuhanan din nila ako ng gamit, nilalagyan ng kung ano-anong bagay ang bag ko. Minsan ni-lo-lock ako sa isang classroom. Naranasan ko ring mabuhusan ng paint, tubig, itlog, harina.
Sa tuwing na-bu-bully ako. Hindi ako umiiyak, inipon ko ang lahat ng hinanakit, sa tuwing ako na lang ang mag-isa. Doon ko binuhos ang luha ko.
Palagi akong may dalang extra na uniform para pag uwi ko sa bahay namin malinis pa rin akong tingnan at hindi makita ni Mommy at Daddy kung gaano ka dumi ang suot ko. I don't want to make them worried about me, lalo na't naririnig ko na nag-aaway na sila palagi dahil sa kanilang negosyo.
My mom owns the biggest Entertainment Company. Hindi ako pumupunta roon at walang nakakaalam maski isang beses na may parents ako na mayaman. I choose to be low-key. Ayaw kong magkaroon ng mga kaibigan dahil lang alam nilang may koneksyon ako sa negosyo nila Mommy. Maski mga empleyado nila Mommy hindi nila alam na anak nila ako. Ayaw kong makilala na anak ako ng isang mayamang pamilya dahil aabusuhin lalo ako ng mga tao. I choose to act poor. I act to be silent. I acted na wala akong alam.
Hanggang sa isang araw, nakita ni Mommy ang mapula kong pisnge. Marami din akong mga sugat sa braso at leeg noong umuwi ako galing University. Saktong nasa bahay sila Mommy. Nakita nila ako. They even asked me what happened pero hindi na ako nakasagot dahil nawalan na ako ng malay.
Dinala nila ako sa hospital. Pagkagising ko nag-alala pa rin sila sa akin. Tinanong nila ako kung ano'ng nangyari.
"Sinaktan po ako ng mga fan girls ni Calvin, Mom. Doon sa school...pinabugbog nila ako dahil ayaw raw nila sa akin. Ayaw nilang maging fan ako sa kanilang iniidolo." Humagulhol ako.
Awang-awa si mommy at Daddy sa akin. Nagkatinginan silang dalawa hanggang sa nagtanong sila sa akin.
"Gusto mo ba talaga na mapansin ka ni Calvin anak? Gusto mo bang maghiganti sa mga studyanteng nambully sa'yo?"
Kumunot ang noo ko.
"Ayaw ko na po, Mommy. Tama naman po sila, wala talaga akong pag-asa na mapansin ni Calvin."
"That's not true, iha...We will make a way. Kilala ko ang entertainment Company's na pagmamay-ari rin ng pamilya ni Calvin. Kami na ang gagawa ng paraan ng Dad mo para mapansin ka ni Calvin. Oras na magkita kayo, sulitin mo ang araw na iyon."
Hindi ko alam kung ano'ng binabalak na gawin ni Mommy at Daddy. Pero naniniwala ako na magagawan nila ng paraan ang lahat. Kahit alam kong impossible lalo na't magkalaban ang Entertainment Company ni Mommy at sa pamilya ni Calvin.
Si Calvin Klein ay nasa kabilang entertainment Company. Ang kanyang daddy mismo ang may nagmamay-ari ng Company na iyon, no wonder doon rin siya sumikat. Kakompetensiya man nila Mommy ang Company nila Calvin pero sa totoong buhay, they were alliance. Iisa lang sila ng negosyo. My dad and Mom is the main investors in that Company. Kapag wala si Mommy at Daddy, hindi rin sisikat ang Company nila Calvin. But no one knows about it.
"Iha, may bisita tayo. Pupunta si Calvin at ang magulang niya sa bahay. Kailangan mong maghanda ngayong gabi."
Nabilaukan ako sa ininom kong juice nang biglaan iyong in-announced ni Mommy sa hapag kainan.
"W-What? Pupunta si Calvin at ang daddy niya rito sa bahay?" gulat na gulat kong tanong.
Nagtawanan si Mommy at Daddy sabay tango ng kanilang ulo.
"Yes, iha... You will gonna meet your prince charming."
"Really, Mommy? But why? Bakit sila pupunta sa bahay natin? Nagbayad ka ba para kusang pumunta ang pamilya ni Calvin rito sa bahay natin?"
"Hindi na namin kailangan gawin iyon, iha. Actually, nabili namin ang Entertainment Company nila Calvin. As you can see... Calvin Klein is under my Entertainment now. Pwede mo na siyang makita kahit kailan mo gusto. Pwede kang dumalaw sa Company namin ng Dad mo para makita mo siya palagi."
Halos magtatalon ako sa tuwa sa mga oras na iyon. Hindi ko na nga inalintana kung ano'ng rason, bakit benenta ng pamilya ni Calvin ang kanilang Entertainment Company sa magulang ko. Ang tanging nasa isip ko sa mga oras na iyon...Finally, my dreams will come true.
Anim na taon akong naging fan girl niya. Since high school pa lang ako hanggang sa maging second year college. I'm still his fan girl. Kahit ilang concert pa ang pinuntahan ko. Hindi niya ako napapansin. Pero ngayon, harap-harapan ko na siyang makikita sa malapitan. Makakausap ko pa siya.
Buong araw, naghahanap ako ng magandang masuot. Nag-shopping ako, namili ng magandang masusuot dahil ayaw kong walang ayos sa unang kita ni Calvin sa akin. Nagpa-salon pa ako, inayos ko ang buhok ko. Nagpa-make-up na rin ako.
Wala namang nagbago sa mukha at katawan ko. Mataba pa rin naman at panget pa rin ang mukha ko pero maaliwalas naman akong tingnan.
"Wow! You're so pretty, iha!" puri ni Mommy sa akin.
Well, she's my Mom. Of course she will gonna praised me.
"Of course, Mom. Ayaw kong sayangin ang araw na ito. Thank you for making me happy." Niyakap ko sila ni Daddy. "Both of you are the best!"
Nakasuot lang ako ng fitted dress, kahit bakat ang bilbil ko hindi ko na iyon pinansin. Kahit ano'ng tago ko sa aking katawan. Malaki pa rin naman akong tingnan, but at least. I wear elegant dress.
Ilang sandali pa. Dumating na ang parents ni Calvin. Binati nila kami nang nakangiti.
Sobrang gwapo at ang ganda ng parents ni Calvin. Nakipagbeso sila kay Mommy at Daddy. Nang huminto sila sa harapan ko, they head to foot on me. I was just smiling widely to them and greeted them with a big smile on my face.
"H-Hello po," nahihiya pa ako sa mga oras na iyon.
"Hello, iha." Binati ako ng ginang. "I heard, your an avid fan of my son? Is that correct?"
Namula ako sa tanong ng Mommy ni Calvin.
"O-Opo..." Yumuko ako.
"I see...Mukhang kilala mo na ang anak ko. Hindi na kami mahihirapan na ipagkatiwala siya sa'yo."
Napatanga ako subalit hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin.
"P-Po? A-ano'ng ibig niyong sabihin?"
"Nothing...nevermind, iha." Hinimas niya ang braso ko sabay ngiti sa akin nang makahulugan.
Wala akong nakitang panghuhusga sa mga tingin nila sa akin. They were just smiling at me. Ang gaan para sa akin dahil tanggap ako ng parents ni Calvin. Though, hindi ko pa rin makuha ang ibig niyang sabihin. Bakit nila ipagkatiwala si Calvin sa akin?
"O siya...Pumasok na tayo sa loob, Mrs.Klein. Sa loob na tayo mag-usap. Naghanda kami ng maraming pagkain," giniya sila ni Mommy papasok sa loob ng bahay. Habang naiwan naman akong nakatunganga sa main entrance ng bahay namin.
Nakatanaw ako sa unahan, hinihintay ang pagdating ng isang sasakyan. Wala na kasi akong makita na may kasama sila. Saan si Calvin? Akala ko ba sasama siya ngayon?
"Iha, I'm sorry to tell you this...Mamaya pa ang dating ng anak ko, may last shooting siya ngayon. Tatapusin niya muna bago siya didiretso rito," sabi ni Mrs.Klein.
"Ah...okay po." Sumunod na rin ako sa kanila.
Kahit paano...natuwa na rin. Kahit late ang dating ni Calvin. As long as he will gonna come in our house. That's fine with me. Hindi na ako makapaghintay na makita siya. Ang lalaking matagal ko nang hinangaan.