Nasa hapag kainan pa lang kaming lahat. Hindi na ako mapakali habang hinihintay naming lahat ang pagdating ni Calvin. Pakiramdam ko, para akong lalagnatin sa bawat minuto na naghihintay kami sa anak ng mag-asawang Klein.
"I'm sorry for the inconvenience. Masiyado lang talagang busy ang anak namin, kaliwa't kanan ang indorsement niya kaya medyo natagalan siya. But don't worry, I know my son very well. Alam kong pupunta talaga siya rito." Tumawa si Marjorie Klein, ina ni Calvin. Bawat ngiti nito sobrang ganda niya, lumilitaw ang kanyang malalim na dimple. Kuhang-kuha ni Calvin ang mata ng kanyang ina, singkit na mapupungay.
"No worries...Alam namin kung gaano ka sikat ang anak niyo... Isa nga itong anak ko ang nababaliw sa kanya mula pa noong highschool. Ang dami nga niyang collection."
Tumingin sa akin si Marjorie Klein. Ngumiti siya sa akin nang malawak. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil ayaw ko talagang ibulgar ng magulang ko ang pagiging avid fan ko kay Calvin, tapos sa magulang pa nito sinabi.
"Huwag ka nang mahiya, iha. That's fine... Hindi na bago sa amin na may humahanga sa anak namin. What would I expect right? He's a famous celebrity and soon he will gonna be a Governor."
Lahat kami nagulat sa biglaang anunsiyo ni Mrs.Marjorie.
"Magiging Governor po si Calvin?" hindi ko mapigilang itanong.
"Yes, iha... Siya ang susunod sa yapak ng kanyang Auntie na si Pam Clemente. He's also interested to start a new journey, so we supported him. Kung masaya siya sa pagtungtong bilang Governor ng Manila. That's fine with us. As long as he can handle his career very well and as a public servant."
Marami pang pinag-uusapan si Mommy at Daddy saka magulang ni Calvin. Patungkol naman ito sa negosyo ng isang entertainment Company.
"Masaya ako na binili niyo ang buong Entertainment Company namin... Actually, we couldn't handle the Entertainment industry anymore. Sobrang dami na naming business ni Johan. We need to give up our other businesses. In fact, malaki na ang utang na taxes namin doon. The President has declared that he will turn down our Entertainment Company dahil hindi kami nakabayad ng buwis. Hindi ko na kaya na bayaran iyon. Malaki ang mawawala sa amin. Sana lang makaya niyong isalba ang negosyo namin."
"Your Entertainment Company is in a good hand, Marjorie. Ngayong nasa amin na ito. Isasalba namin ang Company niyo, hindi namin hahayaan ang mga artista na umalis na lang sa Station, pero dapat tumupad kayo sa usapan." Makahulugan ang titig ni Mommy sa mag-asawang Klein.
"Marunong akong tumupad sa usapan natin. Actually, my son doesn't know about it yet, pero ngayon niya malalaman oras na dumating na siya."
Nakikinig lang ako sa kanilang apat na nag-uusap. Kahit wala akong alam sa negosyo ngunit isa lang ang napagtanto ko. Ang Entertainment Company na pagmamay-ari ng pamilya ni Calvin ay isasarado ng Presidente ng Pilipinas dahil hindi ito nagbabayad ng buwis. At si Mommy at Daddy ang sumalo sa lahat ng responsibilidad upang hindi ito tuluyang magsara. Pero may kondisyon sila Mommy bago nila isalba ang Entertainment Company. Iyon ang dapat kong malaman.
"Ma'am, sir...Nandito na po ang anak ng bisita niyo."
Natigil ang usapan sa hapag nang pumasok sa dinning area ang isang katulong namin na para bang kinikilig pa ito dahil namumula ang kanyang pisnge. Hindi rin mapakali.
"Si Calvin...n-nandiyan na?" hindi makapaniwala kong tanong. Nanlaki ang mata ko.
Tumango lang ang katulong. Napatayo naman ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Agad akong nakataranta. Sobrang bilis ng tibók ng puso ko. Panay ayos ako sa aking buhok.
Ilang sandali pa, pumasok ang lalaking kanina ko pa hinihintay. Nakasuot siya ng itim na cap, he's wearing a hoodie white jacket and a black pants. Kahit simple lang ang kanyang suot pero sobrang bagay sa kanya. My jaw dropped. While seeing him face to face. Iba pala ang karisma ni Calvin sa malapitan.
Humahataw ang dibdib ko habang nakatitig sa kanya ngayon.
"Iho, finally you came here. Bakit ang tagal mo?" tanong ng Mommy niya.
"I'm sorry. I came late. Tinapos ko lang ang last shooting namin ni Clara," he said to us.
Sa akin agad bumaling ang kanyang atensyon subalit ako lang naman ang nakatayo rito sa hapag kainan. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay pagkatapos tumitig siya sa katawan ko. Walang reaksyon ang kanyang mukha pero agad siyang nag-iwas ng tingin saka dumiretso patungo sa kanyang Daddy at Mommy. Nagbeso siya sa magulang niya at nakipagkamayan naman siya kay Mommy at Daddy.
"Hello, iho... Ito ang unang beses na nagkita tayo. Sobrang gwapo mo pala talaga sa personal. Tama nga sila," sabi ni Mommy. Pansin ko na natutuwa rin ang ina ko na makita niya si Calvin.
"Thanks... I know you a bit. But not everything," Calvin said using his deep voice.
Napansin ako ni Daddy na nakatayo pa rin habang ang titig nasa kay Calvin. Halos hindi ko na mahiwalay ang atensyon ko sa gwapo niyang mukha. Maski konting galaw ng kanyang ekspresyon, napapahanga ako ng sobra. Ganito pala ang pakiramdam nu'n...Iyong tipong isang dangkal na lang agwat naming dalawa.
Sa totoo lang...Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko ngayon. Malaya kong narinig ang kanyang boses, malaya ko siyang matitigan kahit kailan ko gusto at pwede ko pa siyang mahawakan ngayon. Pero nanginginig ang buong katawan ko. I was really nervous. Kundi lang ako hinawakan ni Daddy sa braso hindi mawawala ang atensyon ko kay Calvin.
"Ella, sit on your chair. Your mouth is drolling."
Doon lang ako natauhan. Mabilis naman akong umupo sa upuan ko. Pinahid ko ang labi, baka nga naglalaway na ako, pero wala naman.
Uminom ako ng tubig dahil pakiramdam ko, bigla akong na dehydrate pagkakita ko kay Calvin.
It was so unreal to see him in front of me. Talking with us. Looking on me, kahit saglit lang ang titig niya sa akin kanina gusto kong mangisay sa kilig. Sa ilang taon na pinangarap ko na mapansin niya ako. Nangyari na rin ang lahat. Hindi tuloy ako mapakali sa upuan ko.
"So, now that my son are here. Pwede na siguro nating pag usapan kung ano'ng sadya namin rito. At kung bakit nandito kami sa bahay ng may nagmamay-ari ng isang Entertainment Company na dapat sana'y kakompetensiya namin sa negosyo, but it turns out. We need your help," panimula ng ina ni Calvin.
Nakatitig lang ako kay Calvin. Hindi na talaga siya mawala sa paningin ko lalo na't nasa harapan ko lang siya nakaupo. Nasa Mommy niya ang kanyang atensyon kaya hindi niya na pansin na halos matunaw ko na siya sa mga titig ko.
"What is the meaning of this, Mom? Akala ko ba...ipakilala mo lang ako sa bagong may ari ng Company natin? Bakit iba yata ang gusto niyong pag-usapan ngayon?" tanong ni Calvin.
Sa tuwing nagsasalita siya para akong dinuduyan ng alapaap. Sa bawat ekspresyon niya, tumitibók ang puso ko. Parang na kompirma ko sa sarili na mahal ko si Calvin. I'm crazily head over heels with him. Mas lalo siyang nagiging attractive sa paningin ko sa konting kibot ng kanyang labi, sa bawat rinig ko sa kanyang boses. Everything is so magical.
I wanna stop myself but I couldn't help it. Parang tumigil ang mundo ko. Si Calvin na lang ang nakikita ko na kasama ko rito sa hapag kainan. It feels so right knowing that he's in front of me, kasabay ko sa pagkainan. Parang nanaginip pa rin ako sa lahat ng ito.
"Ella, are you listening to us?"
Nabalik ako sa aking diwa nang marinig ko ang boses ni Daddy na kanina pa pala tumatawag sa akin.
Nakuha ko tuloy ang atensyon ni Calvin kaya na pa sulyap siya sa akin. His two eyebrows touch. Nakaramdam ako ng hiya, kahit hirap kong basahin ang iniisip niya. Nakakahiya rin dahil ilang beses na pala akong tinawag ni Daddy.
"D-Dad, what is it?" Baling ko kay Daddy. Tumikim ako para ayusin ang sarili.
Napa-iling nang ulo ang dad ko. Sumenyas siya kay Mommy, hudyat na gusto niyang siya ang magsabi sa akin.
"Iha, please pay attention to us. This is so very important," ani Mommy.
"Okay po, Mom. Ano po pala ang pag usapan natin?"
This time natuon na ang atensyon ko sa kanila. Nagkatinginan ang Mommy at Daddy ni Calvin sa parents ko pagkatapos naglakas loob rin silang magsalita.
"Kayong dalawa ni Calvin...Ikakasal kayo next year."
Parang nabingi ang isipan ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Kinurap ko ang mga mata. Nag-e-echo ang kataga na iyon sa isip ko.
Ikakasal kami ni Calvin? Ikakasal kami?
Bumaling ako kay Calvin. Malamig ang tingin niya sa magulang ko. Kumunot rin ang kanyang noo...He's a little bit grumpy. Mukhang ayaw niya yata na makasal sa akin, base on his angry expression. I didn't expect this.
"M-Mom...D-Dad... I don't get it? Bakit ako ikakasal kay Calvin?" naguguluhan kong tanong.
"This is for your own good, iha." Si Mommy habang nakangiti sa akin. "Alam kong matagal mo na itong pinangarap...Ang makasama ang taong iniidolo mo sa mahabang panahon."
"W-What? For my own good? How about, Calvin? I don't know if he would like this idea." Iniling ko ang ulo.
Tumingin silang lahat kay Calvin. Including me. I saw him gripping his teeth tightly. Tumitig siya sa magulang ko, pagkatapos sa kanyang parents at ang panghuli sa akin. Tinaas niya ang kanyang kilay.
"She's right... I'm against this idea. Hindi ako magpapakasal sa matabang babae na iyan!" Tinuro niya ako. The way he stared on me. Para itong nandiri sa itsura ko.
Bigla akong nanlumo. Parang na blangko ang isipan ko. Hindi ko in-expect na harap-harapan niya akong laitin. Nawala na parang bula ang magandang scenario sa isipan ko.
"Calvin, she's your biggest fan. Watch your mouth and respect her!" sita ng kanyang ina.
"I know her, I know that she's my fan. Why would I care? Hindi lang siya ang fans ko. Marami sila...Hindi siya kawalan kung mawawala siya. I'm just being true to my words. Hindi ako magpapakasal sa anak nila, bukod sa mataba na. Sobrang panget pa. She's out of my type, for god sake!"
Parang gumuho lalo ang mundo ko. Sobra akong nasaktan kaya hindi ko mapigilan ang paglandas ng luha ko. Hindi na ako makapagsalita. Nagalit na rin ang magulang ko sa sinabi ng kanilang anak.
"How dare you insulting our daughter! Baka gusto mong mawalan ng career, Calvin? Hindi mo ba na isip na hawak na namin ngayon ang entertainment Company na pagmamay-ari ng magulang mo? Pwede naming sirain ang career mo. Therefore, your plan to run as a Governor will be ruined too!"
Doon natigilan si Calvin. Unti-unti siyang nawalan ng gana. Ang mga magulang naman niya halatang natakot sa pagbabanta ni Daddy sa kanila.
"Sa ating lahat...Kami ang mas may makapangyarihan ngayon. Isang labas lang namin ng Statement, pwedeng masira at mag-iba ang tingin mga tao sa anak niyo." Si Mommy sa mababang boses. "Watch your mouth, iho. I'm very disappointed on you. Wala kang modo!"
"Mom,huwag niyo nang pilitin iyong tao na pakasalan ako! Ayaw ko rin namang magpakasal sa kanya!" Tumayo na ako saka nagtatakbo na ako palabas ng dinning area. Hindi ko na kaya ang sakit nang pang-insulto ni Calvin sa buong pagkatao ko.