Pagkatapos ng pag-uusap na 'yon kay Neil ay nakahinga ako ng maluwag nang hindi niya nahalata na sarili ko talaga ang tinutukoy. I think I did a pretty great job!
On the other hand, halos hindi naman ako makatulog magdamag dahil sa mga sinabi niya. I thought seeking for advice will lessen my thoughts but it just made me more confused. Pero sa ngayon nama'y hindi ko muna siya iniintindi dahil start na ng finals namin bukas. Last week pa ako nag-re-review at parang sasabog na ang utak ko sa mga binabasa ko. Walong subject sila, isa lang ako!
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at pangalawang kape ko na ito. It's just 10:00 pm pero sa sobrang antukin ko ay ilang kape yata ang kailangan kong laklakin para lang hindi makatulog.
"Eubacteria and archaebacteria are two divisions of prokaryotes tapos eukaryotes naman possess organized chromosomes which store genetic material..." bulong ko sa sarili ko habang nag-rereview.
"Nucleus is the most conspicuous organelle----" napahinto ako sa pag-re-review ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa pagkaka-charge at nakitang tumatawag si Joaquin. Nanlaki ang mata ko at biglang na-concious sa sarili kahit hindi naman niya ako nakikita. I cleared my throat before answering the call.
"H-hello? "
"Hi! Andiyan ka ba sa inyo ngayon? "
My forehead creased. "Uhm... yes? Bakit? "
"Labas ka, " sabi niya na mas nakapagpalito sa akin.
"Ha? Bakit?
"Silip ka sa bintana mo. "
Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtungo sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at napaawang ang labi ko nang makita kong nandoon siya sa labas ng bahay namin at may dalang paper bag.
"Wait... what are you doing here? " gulat kong tanong.
I saw him smirked. "Basta, labas ka na rito. "
Ilang segundo pa akong nakatingin sa kaniya mula sa bintana hanggang sa bumaba na ako at nilabas siya. Pagkalabas ko ng gate ay binaba ko na ang tawag.
"A-anong ginagawa mo rito? Anong oras na ah, hindi ka ba nag-re-review? " nag-aalala kong tanong.
He smiled. "I do. But I just suddenly thought of bringing you this, " he handed the paper bag he's holding.
I reached for it and accepted it. "What's this? "
He shrugged. "Tingnan mo. "
I pouted. I opened the paper bag and look what's inside it. My face suddenly lit up. It was a paper bag full of chocolates! Puro favorite ko pa! Twix, snickers, kitkat, and reeses ang laman ni'to. "Woah! This is a lot! Thank you! "
"Naisip ko kasi na it would help you sa pag-rereview. "
"Thank you, " I smiled sincerely.
Binalot kami ng katahimikan at nag-alangan na magsalita. I did not expect him to do this. This means a lot to me.
"Uhm... sige na pasok ka na, mag-review ka na ulit. Mag-re-review na rin ako. "
"Sige... Salamat ulit ha! " masigla kong sabi.
Iminuwestra niya ang bahay namin. "Sige na pasok ka na. "
"Hintayin na kita makaalis, " sagot ko naman.
"Hindi na, sige na pumasok ka na ro'n, " he insisted.
"Ehh?? " pag-aalangan ko.
"Pleaseeee? " pamimilit niya.
Ngumuso ako. "Okay. Ingat ka ha? "
"I will, " he smiled.
Dahan dahan akong lumapit sa gate at lumingon pa ulit sa kaniya ng isang beses. Kumaway siya sa akin kaya kumaway rin ako pabalik.
Pagka-akyat ko sa kwarto ko ay agad akong nagtungo sa bintana para silipin kung nandoon pa siya. Hindi naman ako nagkamali at nakita kong nakatingin pa siya sa bintana ko kaya naman nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Biglang nag-ring ang cellphone ko at sinagot ko naman agad ito nang makitang siya ang tumatawag.
"Oh bakit? " I said as soon as I answered the call.
He shrugged. "Wala. "
I pouted. "Uwi ka na. Mag-re-review ka pa. "
Hindi siya sumagot. There was a long pause between us.
"Nica? " he suddenly said.
"Hmm? "
"The moon is beautiful, isn't it? "
"Ha? " nalilito kong tanong.
Natawa siya at napailing. "Wala. Good night. "
I smiled at him from the window. "Good night. "
Lumipas ang mga araw at natapos din ang tatlong araw na pahirap ng final exams. Pirmahan ng clearance at practice na lang para sa moving up ang iintindihin namin at tapos na kami sa junior high school! It's actually a bittersweet feeling. It's great that we are finally entering a new journey in our life. We are gonna meet new people, learn more things, create new memories, and we are now just few years away from finally reaching our dreams. On the other hand, it's sad because we are now gonna part ways and we don't have a choice because that's really part of growing up. That we have to accept the reality of outgrowing people and leaving our comfort zone. Adulting sucks.
"Hayyyy, mahirap kaya mag-ABM? " ani Liz habang nakasubsob ang mukha sa unan ni Neil.
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Neil dahil kakatapos lang namin ma-kumpleto ang pirma sa clearance namin. Nandito kasi ang aircon sa kwarto niya kaya dito namin ginustong tumambay dahil sobrang alinsangan ngayong araw. Nag-ku-kwentuhan lamang kami ngayon habang si Bryan at Paul ay magkatabing natutulog sa sahig.
"Gaga, wala namang madaling strand o course. Lahat naman mahirap. Nasa sa'yo na lang 'yan kung paano mo ima-manage 'yon. " sagot ni Neil na busyng-busy maglinis ng kuko..
"Daya kasi! Ba't si Bry pa naisipang mag-ABM sa inyo! " she pouted.
Nagtawanan kami. "Ayaw mo no'n, everyday away kayo ni Bry? " pang-aasar naman ni Joaquin na nasa gilid ko.
Inirapan siya ni Liz. "Whatever! Hindi naman ako kasing malas ni Nica na kayong dalawa ang kasama ni Paul! "
I chuckled. "Tama! "
"Ay basta ako, tahimik ang buhay ko sa HUMSS, " proud na sabi ni Neil.
Bigla namang sumandal sa balikat ko si Joaquin kaya napabaling ang atensyon ko sa kaniya. "Inaantok ka? "
He glanced at me. "Hmmm. Hindi, ayos lang. "
"You could sleep on my shoulder, " I gave him a small smile.
He looked at me once again and pursed his lips. "Talaga? " pigil ngiti niyang tanong.
Tumango ako. He bit his lower lip, trying to hide his smile. Umayos siya ng pagkakasandal sa balikat ko at ipinikit na ang kaniyang mga mata.
Sa pangalawang araw namin sa practice ng moving up, badtrip na badtrip si Neil dahil sa field kami pinag-practice. Tirik na tirik ang araw kaya naman hulas na hulas na kaming lahat.
"Hayup na 'yan! Effort pa ako magpaganda huhulas lang din naman pala ako rito! " pagmamaktol ni Neil.
"Ghurl wala ka namang ganda, " pambabara ko sa kaniya.
"Ghurl manahimik ka diyan kung ayaw mong gawin kitang barbecue, " pabalang niyang sagot atsaka umirap.
Tinawanan ko siya at mahinang hinampas ang likod niya.
Wala pa naman kaming 30 minutes dito pero sobrang init kasi talaga. Kanina pa nga kami nagtatago sa likod ng mga boys para naman masilungan kami. Sa likod ni Joaquin ako sumisilong at pinapaypayan niya ako paminsan-minsan.
"Pawis ka na, " he said and wiped the little beads of sweat in my forehead.
Umiwas ako at kinuha ang panyo sa kaniya. "Ako na, " sabi ko at pinunansan ang sarili pawis.
Tinatakpan niya ang araw gamit ang pamaypay habang nakatingin sa akin kaya naman lumingon ako sa kaniya. Nakita kong pawis na rin siya kaya naman pinunasan ko ang pawis sa noo niya. Napangiti siya sa ginawa ko kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin.
"Yuck, share ng pawis, " umirap si Neil at tinalikuran na lang kami.
Nang dumating ang araw ng moving up, alas-otyo pa lang ng umaga ay gising na ako kahit mamayang alas-kwatro ang start ng program. Sabay sabay kasi kaming magpapa-make-up nila Neil at Liz sa iisang make up artist kaya kailangan ay 10:00 pa lang nandoon na kami.
Above all the things na mangyayari ngayon, ang pinaka kinatutuwa ko ay parehas kong kasama si Mama at Papa na aakyat sa stage. Nag-file sila ng leave ngayon kaya hindi ako mag-isa ngayon sa bahay. Kaso nga lang hindi nakauwi ang mga kapatid ko dahil Wednesday ngayon. Weekday kaya hindi sila maka-absent.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong may isang notification sa messenger galing kay Joaquin.
Joaquin Javier Montecillo
Good morning! See you later!
I smiled as I type a reply for him.
Veronica Amethyst Fontanilla
Good morning to you, too! See you, Waks! :)
Pagkatapos kong ma-isend ang reply ko ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. Naabutan kong nandoon si Mama at Papa na kumakain na rin.
"Good morning, Ma, Pa, " bati ko sa kanila pagpasok ko ng kusina.
"Good morning, Anak, " bati ni Mama pabalik. "Anong oras nga ulit start ng program? " tanong niya.
"4:00 pm, Ma, " sagot ko naman.
"Saan mo gusto mag-dinner mamaya, Nica? " pagsingit naman ni Papa.
"Kahit saan po, Pa. "
"Sige. Sa Rustica, do'n na lang. Gusto mo? "
Tumango ako. "Sige po, Pa. "
Pagkatapos naming mag-breakfast ay hinugasan ko ang mga pinagkainan namin. Pagkatapos no'n ay bumalik ako sa kwarto ko para makaligo na. Malapit na kasing mag-10:00 o'clock at dadaanan kami ni Liz para sabay sabay na kaming magpunta roon.
Pagkaligo ko ay nagbihis ako ng button down polo at maong short. Ito ang sinuot ko para kapag magpapalit na ako ng uniform mamaya ay hindi masira ang make-up ko.
Napagdesisyunan ko ring mag-tsinelas na lang dahil magpapa-make-up lang naman kami. Hassle kung magsasapatos pa ako.
Makalipas ang ilang sandali ay tumawag na si Liz at nasa baba na raw siya. Agad ko namang kinuha ang sling bag ko na may lamang wallet at cellphone at dumaan muna sa kwarto nila Mama at Papara para magpaalam.
Dali dali akong bumaba at nagtungo sa kotseng naka-park sa harap ng bahay namin. Binuksan ko ang pinto ni'to at umupo sa passenger's seat. Bumeso naman ako kay Liz pagkaupo ko na siyang nasa driver's seat. Matagal na talagang marunong mag-drive si Liz at mayroon na rin siyang student license.
"Naka-ready na raw ba si bakla? " tanong ko kay Liz na inikot ang manibela.
"Ewan ko sa bwiset na 'yon, hindi nga sumasagot sa tawag ko e. Tawagan mo nga, teh, " sagot niya naman na diretso lamang ang tingin sa daan.
Agad kong kinuha ang cellphone sa bag ko at tinawagan ang number ni Neil. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot na rin siya sa wakas.
"Hoy! Lagot ka kay Liz! Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya kanina! " bungad ko sa kaniya pagkasagot niya ng tawag.
"Hello rin sa'yo, teh, oo. E naliligo kasi ako! Pero ngayon, ayos naman na ako. Nakagayak na ako. "
"Super kiskis naman 'to sa singit niya! Siguraduhin mo lang na nakagayak ka na, iiwanan ka namin, " singit naman ni Liz kaya itinapat ko sa kaniya ang telepono.
"Oo na! Dami niyong hanash! Bilisan niyo na lang, " mataray na sagot naman ni Neil sa kabilang linya.
"Whatever! Bye! " I said and ended the call.
Nang dinaanan namin si Neil ay totoo namang nakagayak na siya kaya hindi na nagkaroon pa ng delay. Pagkarating namin sa place nung make-up artist ay agad na siyang nagsimula dahil tatlo raw kami at baka matagalan kapag hindi pa siya nagsimula. May iba pa kasi siyang client na batchmate rin namin.
Naunang make-up-an si Liz kaya nakaupo muna kami sa sofa at chumichika sa hair stylist at sa make-up artist. Ka-close rin kasi sila ni Neil dahil parang bunso na raw siya ng mga ito.
"Wiz, teh! Krokot sa mga ganon! " sabi nung make-up artist habang busy na mine-make-up-an si Liz.
"Tru, mamah! Nung minsan nga nakita ko mga posts, tawa na lang akiz! Sino ka naman diyarn sa isip isip ko! " sagot naman ni Neil.
Umilaw ang cellphone ko at nakitang nag-chat si Joaquin.
Joaquin Javier Montecillo:
Diyan na kayo?
Agad ko siyang nireplyan.
Veronica Amethyst Fontanilla:
Yupppp.
Pagkatapos kong i-reply 'yon ay nag-send ako ng selfie ng kalahati ng mukha ko.
Agad niyang sineen 'yon at nag-react ng heart. Wala pang isang minuto ay nag-reply na agad siya.
Joaquin Javier Montecillo:
Cute.
Napangiti ako pagkabasa ng reply niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili ngumiti dahil baka akalain nila ay nababaliw na ako. Huminga ako ng malalim at nag-type ng ire-reply.
Veronica Amethyst Fontanilla:
Tsss. I know.
Lumipas ang mga oras at natapos na kaming make-up-an tatlo. Si Neil ang huling minake-up-an dahil gusto niya raw ay bongga ang dating niya dahil rare daw sa isang school na payagan ang ganito sa mga gay.
Pagkatapos namin magbayad ay hinatid na kami ni Liz sa kani-kaniyang bahay namin dahil 3:00 o'clock na. Baka mamaya ay ma-late pa kami sa ceremony, paniguradong lagot kami kay Ma'am niyan.
Umakyat agad ako sa kwarto ko at binuksan ang aircon. Baka humulas pa ang make-up ko sa sobrang init.
Tumunog ang cellphone ko at may chat ulit galing kay Joaquin.
Joaquin Javier Montecillo:
Tingin na kasiiii
Napairap ako. Kanina niya pa kasi ako kinukulit na mag-send ng picture na naka-make-up. Sabi ko nama'y mamaya na lang sa personal para ma-suprise siya.
Veronica Amethyst Fontanilla:
Bleh. Dito na ako sa bahay. Gayak lang po. See you later.
Pagka-send ko no'n ay tumayo na ako at nagtungo sa banyo para mag-mouth wash. Ingat na ingat ako dahil baka mabasa ang make-up ko pero buti na lang ay successful ko naman siyang naitawid.
Kinuha ko mula sa cabinet ang uniform at ang sablay na susuotin namin. Tinitigan ko itong mabuti at napabuntong hininga. Wow, ito na talaga 'yon. My junior high school years are over.
Biglang kumatok si Mama sa pinto ko kaya nabalik ako sa ulirat. "Nica, magbihis ka na. Nakabihis na kami ng Papa mo. "
"Opo, Ma! " sigaw ko bilang pagtugon at narinig kong naglakad na paalis si Mama.
Pagkarating namin sa school ay nagkalat na ang mga batchmate ko sa field. Ang iba'y nag-pi-picture taking at ang iba nama'y nag-chi-chikahan.
"Papicture tayo, " sabi ni Mama at luminga linga para humanap ng mag-pi-picture sa amin. "Oh ito pala si Joaquin! " biglang sabi ni Mama kaya napalingon ako sa kaniya.
Nagtama ang mga mata namin at naabutan kong nakaawang ang bibig niya. Kumunot ang noo ko. Bakit? Panget ba 'yung make up ko?
"Anak pwede bang paki-picture-an kami? " pakikisuyo ni Mama.
Para siyang napabalik sa ulirat. "P-po? Sige po, tita akin na po! "
Ibinigay ni Mama ang cellphone sa kaniya at agad naman kaming pumwesto ng maayos.
"1...2...3... isa pa po.... 1...2...3..."
Ibinilik ni Joaquin ang cellphone kay Mama at agad namang nagpasalamat ito. "Salamat, anak, " ngumiti sa kaniya si Mama.
"Uy, Pare, dito rin pala nag-aaral ang anak mo! " bati ni Papa sa isang lalaki na mukhang parent ng ka-batch ko.
"Anak dito lang kami, 'wag kang lalayo. Tawagin mo na lang kami 'pag procession na, " sabi ni Mama at agad nang umalis dahil chumichika na sa mga kakilala niya.
Biglang may umubo sa gilid ko kaya ibinaling ko sa kaniya ang atensyon ko.
"Hi, " he said.
"H-hello, " I shyly said avoiding his eyes.
"You look beautiful, " he said that made me look at him.
He smiled when our eyes met. My heart began fluttering and I can feel my cheeks burning.
"B-baliw. "
"Sayo? " he chuckled.
Inirapan ko siya at hindi na lang pinansin ang sinabi niya. "Para kang----" biglang naputol ang sasabihin ko nang biglang may umakbay sa akin.
"Ang ganda mo, Nica! " sabi ni Paul.
Tumawa ako. "Ako lang 'to, " proud kong sabi.
Sunod sunod na silang nagsidatingan dahil kanina pa pala sila magkakasama. Ako pa talaga ang pinaka-nalate samantalang binilisan ko na nga ang paggayak ko.
"Students, please settle down as we begin our moving up ceremony. Teachers, advisers, please guide your students. "
Napahinto kami sa pag-ku-kwentuhan at pumunta na sa kani-kaniyang pila. Tinawag ko na si Mama at Papa na busy makipag-kwentuhan sa mga kakilala nila.
"Let us all welcome, the processional of the grade 10 completers! To be followed by the staff, teachers, and guests. "
Nang matapos ang processional ay sinimulan na ang moving up ceremony sa pamamagitan ng opening prayer, pagkanta ng Lupang Hinirang, pagbibigay ng mensahe ng Principal hanggang sa dumako na kami sa pagtanggap ng diploma. Sampu lang ang section sa buong grade 10 at kami ang Section 1. Pumila na kaming mga girls kasama ang parents namin sa red carpet habang ang mga boys naman ay nasa gilid na ng stage dahil sila ang unang tatawagin.
"To call on the completers of Grade 10- Albert Einstein, to be presented by their adviser Ms. Anna Bulaon! "
Nagpalakpakan ang lahat at agad naman nagtungo si Ma'am sa mic. "Ladies and gentlemen, I have the honors to present to you, the completers of Grade 10- Albert Einstein! "
"Paul Adrian Bangit, Athletic Awardee, Bronze. "
"Neil Joshua Gutierrez, With Honors. "
"Joaquin Javier Montecillo, With Honors. "
"Bryan Villanueva, With Honors, Athletic Awardee, Silver. "
"Veronica Amethyst Fontanilla, With High Honors, Outstanding in Investigatory Project, Gold, Deportment Awardee. "
"Elize Cassandra Uy, With High Honors, Outstanding in Investigatory Project, Gold, Deportment Awardee. "
Nang matapos ang pagtanggap ng diploma ng lahat ng completers ay dumako na kami sa Valedictory speech na gagampanan ni Bea dahil siya ang highest GPA sa batch bamin.
"And now, ladies and gentlemen, let us all welcome Beatriz Ysabel Magtalas from grade 10- Albert Einstein for her message of gratitude. Let us give her a round of applause, " pag-presenta sa kaniya at nagpalakpakan kami.
Sinimulan niya ang message niya sa pagbati sa mga teachers, staff, principal, sa mga guests, at sa aming kapwa niyang completer. Taimtim lang kaming nakikinig sa mensahe niya at iniintindi ang bawat salita na ipinapahayag niya.
"Sometimes you may feel like giving up. It'll seem like the world is against you, that everything's not going according to your plan, that you have taken more steps back than you have forward. But I just want you to know, that it's okay. That it's okay if you haven't figured out everything yet at this moment. I want you to know that your feelings are valid and that it doesn't make you less of a person---instead, makes you more beautiful. I want you to know that everything you've been through is part of the process of our growth and that you matter. Always. "
Pagkatapos ng speech ni Bea ay nagpalakpakan kami. Some even cried because it's what we feel right now as we enter the teenage crisis. It was a heartfelt message that everyone needed right now.
"The moving up ceremony is now hereby closed. Once again, congratulations, completers! Soar high and may you always remember that you matter. Always. Thank you and God bless us all! "
Nagpalakpakan kami at agd na nakipagyakapan sa mga kaklase. Agad ko namang hinanap ang mga kaibigan ko at dahil si Liz ang pinakamalapit sa akin ay siya ang una kong niyakap.
"Congrats sa'tin bes! " I said while hugging her.
"Congrats bes! " sagot niya naman. Kumalas siya sa yakap pagkatapos para yakapin ang iba naming kaklase. Nang makita ko si Bea ay agad kong nilapitan ito at niyakap.
"Congrats! You were so great! Ang ganda ng speech mo! " I hugged her tightly.
"Thank you, Nics! Congrats din! "
May kumalabit sa akin kaya napakalas ako ng yakap kay Bea. Pagkalingon ko ay agad akong niyakap ni Bryan. "Congrats, Nica! "
"Congrats, Bry! "
Sunond ko namang niyakap si Neil na yumayakap sa mga kaklase naming babae.
"Bessss!!! Congrats! " I hugged him tightly.
"Naiiyak ako shuta ka! Congrats, bes! "
"Oh tama na 'yan!! Congrats, Nica! " singit ni Paul kaya kumalas ako ng yakap kay Neil at niyakap siya pabalik.
"Congrats, Paul! "
Habang yakap ko si Paul ay nagtama ang mata namin ni Joaquin. Ngumiti siya sa akin at unti-unting lumapit sa amin. Sakto namang kumalas na ng yakap si Paul para yakapin si Liz na nasa likod ko.
"Congrats, " bungad niya pagkalapit.
"Congrats, Waks, " I smiled sincerely.
"Hug? " he said and opened his arms.
I smiled as I go near him and wrapped my arms around him.
"Oh group hug naman! " biglang sigaw ni Paul sa likod namin habang magkayakap kami ni Joaquin. Wala na kaming nagawa dahil bigla na lang silang bumilog sa amin at yumakap. Hindi na tuloy nakalas ang yakap namin ni Joaquin.
"Thank you, Lord! Off to the next one! " Liz said while looking up at the sky.
My junior high school years are now officially over.