"Three hours... three months away. Going back but not the same..." pagsabay ko sa kanta habang naglilinis sa sala.
Isang linggo na mula nang nagbakasyon at bagot na bagot na ako sa bahay. Bukod sa wala akong magawa, wala pa akong kasama dahil nagta-trabaho lahat ng pamilya ko. Hindi ko naman maaya lumabas ang mga kaibigan ko dahil busy rin sila sa mga kani-kaniyang buhay. Si Bryan ay umuwi na ng Cagayan kahapon kasama ang pamilya niya at doon siya magbabakasyon. Sila Liz naman ay pupunta ng LA next week at doon rin magbabakasyon dahil nandoon ang iba nilang kamag-anak. Si Neil, Paul, ay dito lang din naman magbabakasyon pero hindi ko kasila madalas nakakachat. Palagay ko ay busy rin sila. Si Joaquin ang pinaka-madalas kong nakakausap ngayon at dito lang din siya magbabakasyon pero siyempre nahihiya naman akong ayain siyang lumabas! Atsaka ayos na rin dahil nakakausap ko naman siya kaya nawawala ang pagka-inip ko. Kagabi nga'y nag-video call pa kami at inabot na kami ng madaling araw. First time namin mag-video call kagabi kaya medyo na-awkward-an pa ako pero kalaunan naman ay naging komportable na rin ako.
"Nica, " pagtawag sa akin ni Mama na ngayo'y bumababa ng hagdan kaya napalingon ako rito.
"Bakit, ma? " sagot ko naman habang nag-mo-mop ng sahig.
Tuluyannna siyang nakababa at dumiretso siya sa cabinet malapit sa tv. "Uuwi sila Tita Annette mo rito bukas. "
Sumulyap ako sa kaniya. "Ay weh? Bakit daw? "
Umalis na siya sa cabinet nang mukha ang kinuha rito at nagtungo naman sa kusina. "E may aasikasuhin kami sa lupa bukas. Kasama ang papa mo, " sagot niya mula sa kusina.
"Kasama ba si Ira? "
"Oo. Walang magbabantay sa kaniya do'n kaya sinama na lang ni Annette. Maiiwan sayo rito bukas 'yon kaya 'wag kang aalis. "
Bigla akong na-excite. Si Ira ay pamangkin ko na gustong gusto ko lagi kasama kapag umuuwi rito. Sa palagay ko ay nasa 10 or 11 years-old pa lang siya kaya feel na feel ko ang pagiging Ate ko sa kaniya. Since bunso ako, natutuwa ako kapag ako ang umaastang Ate at nag-c-care sa mga mas bata sa'kin.
Pagkatapos kong maglinis ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. Hindi ko pa alam ang gagawin ko mamaya pero panigurado'y matutulog lang ako or kaya naman manonood ng movie. Kanina pa nakaalis ng bahay si Mama kaya ako na lang ang mag-isa rito.
Dumiretso agad ako sa cellphone ko pagkatapos kong maligo para tingnan kung may message si Joaquin. Hindi na kasi ako nakapag-reply kanina dahil dumiretso na agad ako sa banyo.
May dalawang message siya. Ang isa ay picture na pinapakita niyang nag-aalaga siya ng aso, at ang isa nama'y sinasabing kumain na ako. Agad akong nagtipa ng reply.
Veronica Amethyst Fontanilla:
Tinatamad pa akuuu magluto
Ibinaba ko muna ang cellphone ko para makapagbihis. Ilang segundo lang ang makalipas ay tumunog ito kaya naman agad ko itong nilapitan pagkatapos kong makapagbihis.
Joaquin Javier Montecillo
Tsk malilipasan ka ng gutom niyan
Veronica Amethyst Fontanilla
Hindiiii. Kain din ako maya maya. Ikaw ba kumain ka na?
Ilang minuto pa ang lumipas at hindi siya nag-reply. Siguro ay may ginawa or kumain na. Humiga na lang ako sa kama nang matuyo na ang buhok ko. Matutulog na lang ako dahil wala naman akong ibang gagawin. Atsaka para na rin makapagpuyat ako mamaya... late night landi, joke.
Nagising ako sa tunog nang cellphone ko at nakitang may tumatawag. Sa sobrang antok ko ay hindi ko na naintindihan 'yung pangalan nung tumatawag.
"Hello? " napapaos kong pagsagot sa tawag.
"Hi! Shopee delivery po, Ma'am! " sabi ng nasa kabilang linya.
"Po? Anong delivery po? Wala po akong in-order kuya, " inaantok kong sabi.
"Joke lang. Si Joaquin 'to, huy. 'Di ba naka-save number ko? "
Bigla akong napabangon at napatingin sa cellphone ko. s**t! Malay ko ba!
"Hala sorry! Natutulog kasi ako kaya hindi ko na nabasa kung sino 'yung tumatawag. Pero naka-save number mo, baliw. "
"Ay natutulog ka ba? Sorry nagising pa kita! Sige iiwanan ko na lang dito sa gate niyo 'yung pagkain. "
"Ha? Bakit? " nalilito kong tanong.
"Uh... nandito kasi ako sa baba niyo, may dala akong pagkain para sa'yo, " sabi niya na biglang nagpabangon sa akin. Agad akong nagtungo sa bintana at doon, nakita ko siyang nakatayo sa labas ng bahay namin.
Nakita niya na sumilip ako sa bintana kaya kumaway siya. Agad kong hinawi ang kurtina at nagtago. Parang na-blanko ang utak ko at hindi alam ang gagawin.
"Hala... uhm... wait, 5 minutes, bababa ako. "
"Sure. "
Pagkasabi niya no'n ay binaba ko agad ang tawag at nagtungo sa banyo para maghilamos ay mag-toothbrush. Bakitnkasi ngayon pa! Mukhabakong sabog kapag kakagising ko lang!
Pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush ay nag-apply ako ng konting lip tint para hindi ako maputlang tingnan at nagpabango ng sobrang dami na kulang na lang ay ipaligo ko na ito sa akin.
Dali-dali akong bumaba sa hagdan pagkatapos mag-ayos at nagkandapa-dapa pa ako dahil sa pagmamadali ko.
Pagkalabas ko ay agad akong nagtungo sa gate at lumapit sa kaniya. "Sorry ha! Ang tagal ko ba? " medyo hingal kong sabi.
"Hindi, ayos lang. Eto nga pala food mo, " sagot niya at inabot sa akin ang isang paper bag.
I bit my lower lip and slowly reached for it. "Baliw ka, nag-abala ka pa, ayos lang naman ako, " nahihiya kong sabi.
"Ikaw kasi ayaw mong kumain e, " ngumuso siya.
The side of my lips rose up. "Ewan ko sa'yo. Ikaw ba kumain na? "
Umiling siya. "Hindi pa nga e. Pero kakain na ako pagka-uwi ko. "
"Oh, tamang tama. Tara sa loob, sabay na tayo! "
Nanlaki ang mata niya. "Hala, hindi na! Dinaan ko lang talaga sa'yo 'yan. "
"Ahayyy. Sige na para may kasabay akong kumain, " I pouted.
Nag-iwas siya ng tingin at napakamot sa ulo niya, mukhang hindi alam ang gagawin.
Bigla kong hinila ang kamay niya at wala na siyang nagawa.
Pagkapasok namin ng bahay ay hinila ko siya sa kusina. "Upo ka, " pagmuwestra ko sa dining table.
Dinasog niya ang upuan at tahimik lang na naghihintay sa akin habang hinahanda ko ang pagkain. Sumulyap ako sa kaniya ng isang beses ngunit nakatingin lamang siya sa akin ko kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Ayan okay na! " sabi ko pagkalapag ng ulam na binili niya. Sisig ang binili niya at mayroon pang kanin. May sinaing naman dito pero nag-abala pa siyang bumili ng kanin.
Naglagay ako ng pagkain sa plato ko habang siya nama'y mukhang tensionado pa ring naka-upo sa upuan niya. "Huy, ayos ka lang? "
"H-ha? Ahh, oo ayos lang, " utal niyang sagot at nagsimula nang kumuha ng pagkain.
Kumunot ang noo ko. Nagsimula na kaming kumain ngunit tahimik lang kami. Kapag tinitingnan ko siya ay agad siyang iiwas ng tingin o kaya nama'y ibabaling ang atensyon sa ibang bagay.
"Huy, ayos ka lang ba? " tanong ko sa gitna ng pag-kain.
Bumuntong hininga siya at ibinaba ang kubyertos. "Uhhh... medyo nahihiya kasi ako, " kamot ulo niyang sabi.
"Bakit naman? " nagtataka kong tanong habang patuloy sa pag-kain.
"Eh... kasi dalawa lang tayong nandito. Hindi ako sanay nang tayong dalawa lang, " nahihiya niyang sagot.
Napangisi ako. I bit my lower lip to stop myself from smiling because he looks so cute right now.
"Ayaw mo bang kasama ko? " I pouted, pretending to be upset.
Agad siyang umiling. "No! No! That's not what I mean. Uhm, ano lang, nahihiya ako sa'yo. "
Pinagkrus ko ang kamay ko at sumandal sa upuan. "Bakit ka naman mahihiya? " tanong ko habang diretsong nakatingin sa mata niya.
"Kasi..."
"Kasi? "
"Wala! Kumain na lang ulit tayo! " he gave me a small smile and continued eating.
My brows furrowed. I still want to ask him what he means by that but I don't wanna force him because it might create more awkwardness between us.
Pagkatapos naming kumain ay pinilit ni Joaquin na siya na lang maghugas ng plato kaya hinayaan ko na siya. Nakaupo lang ako sa dining table habang pinagmamasdan siyang maghugas. Nang mayari na siya ay inaya ko siya sa sala.
Umupo kami sa sofa ngunit malayo ang pagitan namin sa isa't-isa. Tahimik lang si Joaquin habang diretsong nakatingin sa harap. Dumasog ako para paglapitin ang distansya namin. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya dumasog siya ngunit wala na siyang nagawa dahil nasa dulo na siya ng sofa.
"Do you want to watch a movie? "
He inhaled a deep breath. "Uhm, hindi na! Uuwi na rin ako! " sabi niya at tumayo.
Ngumuso ako. "Okay, " malungkot kong sabi, hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan ko.
Tumingin siya ulit sa akin at para siyang nakonsensya kaya umupo ulit siya sa sofa. Lumingon siya sa akin. "Sige na, let's watch a movie. "
"Yey! " tuwang tuwa akong tumayo at agad nagtungo sa tv sa harap. Pagkabukas ko ni'to ay bumalik ulit ako sa sofa at in-open ang netflix.
"What do you want to watch? " I glanced at him while browsing movies.
"Ikaw, kahit ano, " he casually said.
Napanguso ako. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ang pipipiliin kong movie dahil kung ako ang masusunod, puro chick flicks ang pipiliin ko.
"Hmmm, ito. I'm drunk, I love you, " suggest ko sa kaniya.
"Sige, 'yan na lang. "
I pressed the button and the movie started to play. Damn, nakalimutan ko. Napanood ko ang trailer ni'to at tungkol sa mag-bestfriend 'to! Shunga!
Tahimik lang kaming nanunuod ng movie. Isinandal ko ang ulo ko sa sofa habang si Joaquin naman ay nakasandal ang siko habang hawak ang gilid ng ulo niya.
"Future girlfriend pala ha! Nako ka Carson! Sabi nga nila, who controls the past, controls the future. Who controls the present, controls the past. "
I shifted on my seat. Wow, huh? Bakit may pag-atake sa'min? Ang usapan manonood lang ng movie ah!!
Napapitlag ako sa gulat ako nang biglang may nahawakan ang kamay ko. Tumingin ako rito at nakitang nakapatong na ang kamay ko sa kamay ni Joaquin. Lumingon ako sa kaniya kaya nagtama ang mga mata namin. Agad akong nag-iwas ng tingin at ibinalik ang paningin sa panonood ng tv
Aalisin ko na sana ang kamay ko nang pigilan niya ako at hinawakan ito muli kaya napatingin muli ako sa kaniya. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin at hinalikan ito habang ang mata niya'y nakatuon lamang sa panunuod. Bumilis ang t***k ng puso ko sa ginawa niya. Pagkatapos dumampi ng mga labi niya sa kamay ko ay hindi niya pa rin ito binitawan at hinayaan niya lang sa gano'ng posisyon ang mga kamay namin. Hinayaan ko na lang siya at nag-focus na lang sa panonood ng pelikula habang nagpipigil ng ngiti.
Time to control the present now.