"Iraaaa!!! Na-miss kita!! " masigla kong bati kay Ira habang sinalubong siya ng yakap.
Niyakap niya ako pabalik. "Ate Amy! Na-miss din kita! " nasasabik niyang sabi. Amy ang tawag sa akin ng iba kong kamag-anak at kay Tita Annette galing ito. Galing ito sa pina-ikli kong second name na "Amethyst" kaya naging "Amy". Ito rin ang tawag sa akin ng pamilya ko minsan pero dahil mas kilala ako sa Nica, mas sanay sila rito. Pinaka nagagamit lang talaga ang pangalan kong Amy kapag nandiyan si Tita Annette o kaya naman may family gatherings na sobrang dalang naman mangyari sa isang taon dahil magkakalayo ang lugar naming magkaka-mag-anak. Maganda raw kasing pakinggan at para daw'ng babaeng galing America.
Kumalas ako ng yakap kay Ira nang makita si Tita Anette at nag-bless dito.
"Hala ang laki mo na, Amy! Ang gandang bata! " bungisngis niyang sabi.
"Ay hala, thank you po, tita, " I awkwardly smiled. "Akin na po 'yang dala niyo, " ani ko at kinuha ang mga bag na dala niya. Malaki laki ang bag na dala niya kaya palagay ko'y magtatagal sila rito.
Pagkapasok namin sa loob ay sinalubong sila ni Papa na ngayo'y nasa sala. Si Mama kasi ay nasa taas pa at naliligo.
"Oy, ano? Kumusta ba? " pagbati ni Tita Annette kay Papa pagkapasok niya ng sala.
Ibinaba ko sa baba ang mga gamit nila at umupo kami ni Ira sa sa sofa.
"Ere, ayos naman. Ilang araw kayo dito? " tanong ni Papa at umupo na muli sa sofa na sinundan naman ni Tita Annette.
"Dalawang linggo siguro. Wala naman kaming ginagawa sa Maynila. "
"Oh andito na pala kayo! " singit ni Mama na pababa ng hagdan.
"Gusto mo sa kwarto tayo? " pag-aya ko kay Ira dahil ma-bo-bored lang kami sa usapan nila rito.
Tumango siya. "Sige, Ate. "
"Do'n lang po kami sa taas. Dadalhin ko na rin po 'yung gamit niyo sa taas, " pag-excuse.
"O sige, anak, " kaswal na sagot ni Tita Annette at bumalik na ulit sa pakikipagusap kila Mama.
Pagka-akyat namin sa taas ay pumasok muna kami sa guest room na tutulugan nila para ibaba ang mga gamit. Pero panigurado namang sa kwarto ko matutulog mamaya si Ira dahil gano'n naman lagi tuwing uuwi sila rito. Pagkatapos noon ay lumabas na kami at pumasok na sa kwarto.
Humiga siya agad sa kama dahil siguro sa pagod habang ako nama'y binuksan ang aircon. Umupo ako sa swivel chair ng study table ko at inilapit ito sa kama.
"Gusto mo ba magpalit muna? Baka naiinitan ka na diyan sa suot mo. "
Bumangon siya para tanggalin ang sapatos niya atsaka bumalik ulit sa pagkakahiga. "Hindi na, Ate. Ayos lang. Mamaya na lang. "
Tumango na lang ako bilang pag-sang-ayon. "Oh kumusta ka naman? " tanong ko habang ipinapatong ang paa sa higaan.
"Okay naman ako, Ate. With honors nga ako, e! Recognition namin nung isang araw, " masigla niyang pag-ku-kwento.
Sumandal ako sa upuan at ngumiti sa kaniya. "Naks! Galing ah! Sino nagsabit sayo? "
"Si Nanay! "
Nagkwentuhan lang kami ni Ira ng kung ano-ano hanggang sa tinawag na kami para mag-lunch. Sabay kaming bumaba at dumiretso sa kusina.
Patuloy pa rin sila sa pag-ku-kwentuhan habang kumakain. Kami naman ni Ira ay tahimik lang na kumakain.
"Ikaw, Amy? Anong year ka na ba ngayon? " ani Tita Annette kaya napalingon ako sa kaniya.
"Senior high school na po sa pasukan, tita. Grade 11 po, " ngumiti ako sa kaniya.
"Ay! Malapit ka na pala mag-college! "
Awkwards akong tumawa. "Hehe, opo. "
"E ano bang balak mong kunin na course? " tanong niya.
"Interior design po, " magalang kong sagot.
Her brows furrowed. "Interior design? May pera ba diyan? Mag-business ka na lang tulad ng mga magulang mo! "
Uh-oh, never knew I'd be in this conversation. Naririnig ko lang 'to sa mga kwento ng kaibigan ko. Tulad ni Liz, kahit gusto niya maging doctor, pinag-business course siya dahil balang araw daw ay siya ang mag-ma-manage ng mga business nila. Sa parents ko naman kasi, kahit lagi silang missing in action, hindi naman nila ako pinigilan nung sinabi kong gusto ko mag-interior design.
"Hayaan mo siya kung 'yan ang gusto niya. Kung do'n siya magiging masaya, so be it. Wala naman sa pera 'yan, " sabat ni Papa.
Naiba na ang topic pagkatapos noon at hindi na ulit ako kumibo. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ulit kami sa kwarto ni Ira habang si Tita Annette naman ay nagtungo sa guest room dahil magpapahinga raw muna siya. Bukas pa naman ang pag-alis nila para ayusin ang lupa kaya pwede pa siyang magpahinga.
Kinabukasan, alas-otyo pa lang ng umaga ay umalis na sila habang kami naman ni Ira ay alas-dyis na ng umaga nagising dahil nanood kami ng mga movies kagabi. Hindi na nga ako masyadong nakapag-update kay Joaquin dahil masyado akong abala sa pag-asikaso kay Ira.
Pagkababa namin ay may nakahanda nang breakfast kaya ininit na lang namin ito sa microwave.
"Anong gagawin natin ngayon? " tanong ko kay Ira na tulala ngayong nakaupo sa dining table dahil kakagising lang.
"Kahit ano, Ate, " wala sa wisyo niyang sagot.
Tumunog ang microwave kaya tinanggal ko ang saksak ni'to at kinuha ang nainit na pagkain. Inilapag ko ito sa lamesa at nagsimula na kaming kumain.
Nag-isip ako nang pwede naming gawin habang kumakain. Kung manonood kami ng movie, paniguradong hindi lang si Ira ang mababagot kun'di pati ako. Masiyado na akong madaming napanood na movies even before na dumating sila kaya tama na muna 'yon.
"Badminton tayo mamaya, marunong ka ba no'n? "
Biglang nagliwanag ang mukha niya. "Oo, Ate! Naglalaro kami no'n sa school ng mga classmates ko! " excited niyang sagot.
Napangiti ako. Sa wakas! Magagamit ko na ang raketa ko after so many years! Hindi ko alam kung pwede pa ito pero siguro naman ay ayos pa ito dahil hindi naman ito nagagalaw.
"Sige. Pero maya-mayang hapon na kapag hindi katirikan ang araw. "
Tumango siya. "May milktea ba rito, Ate? Gusto ko sana e. "
"Oo naman! May malapit na milktea shop dito pwedeng lakarin pero pwede rin namang mag-tricycle. Mag-trike na lang tayo para hindi mainit. "
Pagkatapos naming kumain ay nag-hugas muna ako ng pinagkainan namin habang si Ira naman ay nauna nang umakyat sa taas. Pagkatapos kong mag-hugas ay umakyat na muli ako sa kwarto ko at nadatnan ko si Ira na nanonood ng Phineas and Ferb sa tv.
Humiga ako sa tabi niya at nag-cellphone. Nakita kong may tatlong chat galing kay Joaquin kaya agad kong in-open ito.
Joaquin Javier Montecillo:
What are you doing right nowww?
Joaquin Javier Montecillo:
You must be asleep. Good night bb.
Joaquin Javier Montecillo:
Good morning! Have a great day! Enjoy your day. :)
I felt guilty. Sa sobrang busy ko ay hindi ko na napansin na may mga message pala siya! Hindi ko naman kasi masyadong ginagalaw ang cellphone ko dahil nga kasama ko si Ira at masyado akong nalilibang.
Nagtipa ako ng reply.
Veronica Amethyst Fontanilla:
Hi! Good morning! Sorry late reply. How are youu?
Papatayin ko na sana ulit ang cellphone ko ngunit nakita kong agad niya itong sineen. Wala pang ilang minuto ay nag-reply na agad siya.
Joaquin Javier Montecillo:
I'm fineee kaya lang sobrang bored na ako. Wala akong ginagawa dito sa bahay.
Napangisi ako. Magrereply na sana ako nang bigla akong kinalabit ni Ira.
Nilingon ko siya. "Bakit? "
"Maligo ka na, Ate para makapag-milktea na tayo. "
"Oo sige, wait lang, " sagot ko kay Ira at ibinalik ang tingin sa cellphone.
Veronica Amethyst Fontanilla:
Aw, isang buwan pa bakasyon hahahaha. Ako medyo hindi bored ngayon, nandito kasi pamangkin ko.
Pagkasend ko ng reply ay bumangon na ako at kinuha ang twalya para maligo.
Hindi na ako masyado nagtagal at natapos rin ako agad. Agad namang sumunod si Ira at pumasok sa banyo.
Nagbihis muna ako at isang t-shirt at maong shorts lang ang sinuot ko dahil diyan lang naman kami pupunta. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong nagtungo sa cellphone ko at nakitang 12:45 na. May dalawang magkasunod na chat si Joaquin kaya agad kong binuksan ito.
Joaquin Javier Montecillo:
That's nicee!!
Joaquin Javier Montecillo:
May kasama ka na kakain
Natawa ako sa reply niya. Inaasar niya kasi ako nung nagpunta siya rito na gusto ko lang daw siyang makasabay kumain kaya pinilit ko siyang pumasok sa loob no'n.
Well, totoo naman.
Veronica Amethyst Fontanilla:
wew us2 mo rin naman aq kasabay ?
Makalipas lang ang ilang minuto ay lumabas na si Ira sa banyo. Hanep, napakabilis naman maligo ng batang 'to.
"Nag-sabon ka ba? " pang-aasar kong tanong.
"Oo naman, Ate! " sinamaan niya ako ng tingin at pumasok ulit ng cr para magbihis.
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama at inalis ang twalya sa ulo ko para magpatuyo ng buhok. Maya maya lang ay lumabas na si Ira mula sa banyo na ngayo'y bihis na. Nakasuot lang din siya ng t-shirt at maong shorts. Wow, matchy matchy.
Nang matapos na akog magpatuyo ng buhok ay tumayo na ako para kuhanin ang wallet ko sa drawer. Buti na lang binigyan ako ni Mama ng allowance kahit bakasyon. Tutal wala naman sila madalas dito, gawin ko na lang therapy ang pag-online shopping. Ang therapeutic lang kasi talaga mag-browse tapos lalo na kapag iche-checkout mo na.
"Tara na, " pag-aya ko sa kaniya. Agad naman siyang tumayo at pinatay ang tv. Tinanggal niya ito sa pagkakasaksak at sumunod na sa akin palabas.
Nagsuot ako ng baseball cap dahil sa sobrang init. Pinag-be-baseball cap ko nga rin si Ira kaso ayaw naman niya kaya nagpayong na lang siya.
Pagka-lock ko ng pinto at lumabas na kami at nagtungo sa paradahan ng tricycle.
"Apple tea po, " sabi ko sa tricycle driver at sumakay na.
Makalipas lang ang ilang sandali ay nakarating na kami rito. Nagbayad lang ako sa tricycle driver at sabay na kaming pumasok ni Ira.
Pagkapasok namin ay dumiretso agad kami sa counter para um-order. Konti lang ang mga tao, halos nasa limang table lang ang occupied.
"Isang taro smoothie with cream puff tapos... Ira ano sa'yo? " lumingon ako kay Ira.
"Okinawa milktea, Ate, " sagot naman niya.
"Ayon, saka isang okinawa milktea. Parehas venti, ah. Tapos uhm... may rice meal ba kayong available ngayon? "
"Yes po, Ma'am. Eto po 'yung available, " inabot niya sa akin ang menu.
"Hmm... Ira tingnan mo, anong gusto mo dito? " pag-agaw ko sa atensyon niya dahil busy siya pagmasdan ang milktea shop.
Tumingin siya sa menu. "Pork katsu sa'kin, Ate. "
Bumaling ulit ako sa server. "Isang pork katsu saka 'yung 6 pcs na classic buffalo wings, " ani ko at ibinalik na sa kaniya ang menu.
"Bale, 1 okinawa milkea, 1 taro smoothie with creampuff, 1 pork katsu, and 6 pcs classic buffalo wings. "
Tumango ako bilang pag-sang-ayon. "377 pesos po lahat, Ma'am, " she smiled.
Inabutan ko siya ng 400 pesos. "Keep the change na, " I smiled back at her.
"Hala! Thank you po, Ma'am! " masigla niyang sabi.
Sinuklian ko na lang siya ng ngiti at namili na kami ng table ni Ira.
Pipicturan ko sana si Ira na nasa harap ko kaya lang ng pagkapa ko sa bulsa ko ay wala ang cellphone ko. Shux! Nakalimutan ko nga pala sa kama ko! Hindi ko na naman tuloy marereply-an si Joaquin.
Ilang sandali lang ay dumating na and order namin kaya nagsimula na kami kumain. Dahil hindi ko naman mauubos ang 6 pcs na wings ay shinare ko ito kay Ira.
Halos dalawang oras kaming nagtagal ni Ira sa milktea shop dahil kung ano ano pa ang pinagkwentuhan namin. Hindi naman kami binawal na gano'n katagal dahil wala naman sila masyadong customer.
Alas-tres na nang makauwi kami sa bahay ni Ira. Napagdesisyunan ni Ira na umidlip muna dahil inaantok raw siya sa sobrang busog. Atsaka para na rin daw may energy siya kapag nag-badminton kami mamaya.
Pagkapasok ko ng kwarto ay pag-re-reply kay Joaquin ang una kong ginawa habang si Ira naman ay humilata agad sa kama. Nakita kong may tatlong chat siya pagka-open ko sa cellphone.
Joaquin Javier Montecillo:
Well, totoo naman. Miss na nga kita e.
Joaquin Javier Montecillo:
Joke
Joaquin Javier Montecillo:
Kain na kayo lunchhh
Napa-irap ako sa reply niya. Kainis! Pa-fall talaga 'tong bwisit na 'to!!
Veronica Amethyst Fontanilla:
Slr ulit. Kumain na kami lunchhh, sa apple tea kami kumain haha. Ikaw ba kumain na?
Agad siyang nag-seen. Hanep! Bakit ba sobrang bilis niya laging mag-reply?! Wala pang 1 minute ay naka-reply na siya lagi.
Joaquin Javier Montecillo:
Ayos 'yan! Yup, kumain na ako. Kanina pa. Sana pala tumuloy na ako sa applea tea kanina para makita ka, jk.
I bit my lower lip to stop myself from smiling.
Veronica Amethyst Fontanilla:
Joke pa e totoo naman
Pagkasend ko ng reply ay humiga na rin ako sa tabi ni Ira. Kusang bumagsak ang mga mata ko pagkahiga ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong makatulog.
Bandang 4:30 nang magising ako dahil ginising ako ni Ira. Mas nauna siyang nagising sa akin dahil nag-alarm pala siya at hindi ko manang naramdaman.
At dahil napagplanuhan nga naming mag-badminton ay gumising ako kahit antok na antok pa ako. Nagpalit kami sa mas kompartableng damit para malaya kaming makakagalaw. Nagsuot ako ng running shorts at t-shirt habang si Ira naman ay leggings at cropped t-shirt.
Kinuha ko sa pinaka-ilalim ng cabinet ang badminton at buti na lang ay maayos pa siya.
“Oh tara na! “ pag-aya ko sa kaniya nang makuha na ang badminton mula sa cabinet.
Sabay kaming lumabas at nagtungo sa court ng subdivision namin. Pagkarating namin doon ay may nagbabasketball sa ba basketball court at may nag-zu-zumba roon sa pavilion. Doon kami pumwesto sa volleyball court na open space na ngayon dahil walang net.
“Oh ilang set? “ tanong ko sa kaniya habang winawagayway ang raketa.
“Dalawa lang! “
“E bat dalawa lang? Hindi pantay! Dapat tatlo! “
“Hmp. Okay, “ she pouted.
“Up to ilan per set? “ nakangisi kong tanong.
“Abay 5 lang! “
Natatawa akong pumwesto malayo sa kaniya. “Hina naman non! O tara na start na! “
Nagsimula na kaming maglaro at sa totoo lang ay medyo kinabahan agad ako pagka-start namin. Magaling siga papalo, in all fairness! Mataas din siya tatalon kaya kahit mataas ang naabot ng shuttle c**k ay nasasalba niya pa rin.
Too bad, mas magaling pa rin ako. Sa first set ay ako ang nanalo kaya agad kaming naglaro para sa second set.
“Daya naman Ate, ang galing mo! “ nakanguso niyang sabi nang ako na naman ang naka-point.
Tinawanan ko lang siya. “Tayo na diyan! Game na ulit! “
Dahan dahan siyang tumayo at ngsimula na ulit kami maglaro. 2 points na lang ang kailangan ko at mananalo na ako para sa pangalawang set.
“Ano ba ‘yan! “ pagmamaktol niya nang manalo na ako para sa pangalawang set. Tinawanan ko na lang siya at lumapit sa kaniya.
“Oks lang ‘yan, “ pang-aasar kong sabi habang hinahaplos pa ang likod niya. “Asan ‘yung tubig? “
“Anong tubig? “ nagtataka niyang tanongg habang hingal na hingal.
Napatulala ako sa kaniya. “‘Yung sinabi kong dalhin mo na nasa lamesa. “
“Ahhh! Hala nakalimutan ko, Ate! “ napakamot siya sa ulo niya.
“Pshhh. Obvious nga. Oh diyan ka lang, kukuhanin ko, “ sambit ko at iniwan na muna siya roon.
Mabilis lang akong nakarating sa bahay at pagkakuha ko ng tubig ay bumalik na ulit ako sa court. Kumunot naman ang noo ko nang pagkarating ko roon ay wala si Ira doon. Nandoon ang mga raketa at shuttle c**k pero wala siya. Bigla akong kinabahan. Hindi pa naman kabisado ni Ira ‘to dahil hindi naman siya taga rito!
Umikot ako sa pavilion para hanapin siya pero wala siya roon. Sumilip din ako sa basketball court pero puro lalaki lamang ang mga nandoon.
Shit! I am so dead!!
Pumunta ako sa kabilang kanto at hanggang sa naikot ko na ito ay hindi ko pa rin siya makita. Tinry ko rin ipagtanong kung may nakita ba silang batang babae na naka-pink na crop top at black leggings pero wala raw silang nakita. Parang sasabog na ang puso ko sa kaba at hindi na ako makapag-isip ng maayos!
Bumalik ulit ako sa kanto namin at nang malapit na ako sa bahay namin ay natanaw kong may isang lalaking nakatalikod at pagtingin ko sa kung sino ang nasa tabi niya ay nanlaki ang mga mata ko dahil ang kasama niya ay si Ira! Agad akong nagtungo sa pwesto nila at hinola si Ira.
“Huy! Saan ka ba galing?!? “ nag-aalala kong tanong.
“Uy, Ate Amy, hala. Susundan dapat kita para sabihing pakuha rin ng bimpo kaso nalito ako sa daan kaya naligaw ako. Buti nga tinulungan ako ni Kuya, “ saad niya at tinuro ang lalaking nasa tabi niya.
Mas nanlaki sng mga mata ko nang makitanng si Joaquin ito! Anong ginagawa niya rito?
“Huy! Waks! Thank you! “ ngumiti ako sa kaniya. “Napadaan ka? “
Napahawak siya sa batok niya na parang nahihiya. “Ah… eh… inutusan kasi ako ni Mommy na isoli ‘yung tupperware sa kaibigan niya. Dito rin kasi sila nakatira kaya ayon, napasyal ako rito, “ sagot niya at umiwas ng tingin.
“Ahh. Sige. Uhm… Waks, sorry ‘di kita ma-entertain ngayon. Next time na lang, “ I smiled apologetically.
Agad siyang umiling. “Uy, ayod lang! I understand! Sige balik na kayo ro’n, enjoy kayo, “ he smiled sincerely.
“Ate ayain mo siya, “ pabulong na singit ni Ira sa gilid ko.
Sumulyap ako sa kaniya. “Saan? “ pabulong kong sagot.
“Badminton! “ sagot niya na medyo napalakas.
Tiningnan ko siyang nagtataka. Lumingon ako kay Joaquin na nakatingin lang sa’ming nag-uusap.
“Busy ‘yan, “ mariin kong bulong kay Ira.
Pinagsingkitan niya ako ng mata. Bumaling siya ngayon kay Joaquin na nakatingin sa amin. “Kuya do you play badminton? “ tanong niya na ikinagulat ko. Baliw talaga ‘tong si Ira!
“Uhh.. yes. Bakit? “
Napapalakpak si Ira. “Yes! Tara, Kuya, let’s play! “ wika niya at biglang hinila si Joaquin kaya nanlaki ang mga mata ko.
Agad ko silang hinarang. “Huy, Ira! Busy si Joaquin, lubayan mo. “
“Uy, hindi! Ayos lang! “ sagot naman ni Joaquin.
“Oh Ate ayos lang naman pala! “ sagot ni Ira at hinila ulit si Joaquin kaya pinigilan ko ulit siya.
Tinaggal ko ang pagkakahawak sa kaniya ni Ira. “Ira, ‘wag nang makulit. “
Napanguso siya at wala nang nagasa kaya binitawan niya na ang kamay nito.
“Uy, hindi! Ayos lang talaga. Wala naman akong ginagawa sa bahay, “ singit naman ni Joaquin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Waks… “
“Promise ayos lang talaga. “ ngumiti siya. “Tara na! “ masigla niyang sabi at hinila ang palapulsuhan ko.
Wala na akong nagawa kun’di nagpatianod sa hila niya habang si Ira naman ay tuwang tuwang nanguna papunta sa court.