Kabanata 14

1932 Words
"Oh, paano ba magiging sistema? " tanong ko habang nakapamewang pa. "Edi kampi ko dapat si Kuya Joaquin! Lugi na ako sa'yo Ate Amy, magaling ka! " nakanguso niyang sagot. Napangisi ako. "Ha? E hindi rin naman magaling 'yang magiging kakampi mo, " sabi ko na may bahid ng pang-aasar sa tono. Mukhang nagulat si Joaquin sa sinabi ko kaya masama niya akong tiningnan. "Sige, sabi mo 'yan ah. 'Pag natalo ka 'wag kang magagalit, " ngumisi siya. Napa-irap ako. "Daming ebas! Game na! " tinalikuran ko sila at pumwesto na ulit sa dati kong posisyon kanina. Si Joaquin ang may hawak ng shuttlecock at siya ang naunang tumira. Just when I thought na mahirap na kalaban si Ira, mas mahirap palang kalaban si Joaquin! Napakalakas ng pwersa niya kaya napipilitan din akong gumamit ng mas malakas na pwersa. Sa sobrang lakas ng palo niya ay hindi ko nasalo ang shuttlecock at lumampas ito sa akin. Nagtatatalon naman sa tuwa si Ira dahil nagkaroon sila ng points. Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin kay Joaquin. Nakangiti lamang siya sa akin kaya mas lalo akong nairita. Pinalo ko ang shuttlecok at nagsimula na ulit kaming maglaro. Literal na ginagamitan ko na ng pwersa ang pagpalo dahil mukhang hindi man lang nahihirapan si Joaquin na kalaban ako samantalang ako rito ay ginagamit ko na ang lahat ng enerhiya ko. Lumipas ang ilan pang sandali at sila ang nanalo sa first set. Tuwang tuwa si Ira at nag-apir pa silang dalawa. Hindi ko sila pinansin at nagtungo na lang sa tumbler na nakapatong sa bleachers. Dire-diretso akong uminom doon habang naramdaman kong lumapit si Joaquin at hinawakan ang balikat ko. Marahas kong tinanggal ito at agad na bumalik sa pwesto ko. "Game na! " sigaw ko. Dahan dahang bumalik si Joaquin sa pwesto niya at tumingin sa'kin na mukhang nagpipigil ng ngiti. Kairita! Sa pangalawang set, sila na naman ang nanalo kaya parang lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat na sa ulo ko. Kulang na lang kumalas na ang mga buto ko sa sobrang lakas ng mga hampas ko pero mas malakas pa rin talaga papalo si Joaquin. "Ahhhh!! Talo ka na naman, Ate, blehhh!! " pang-aasar ni Ira at dumila pa. Sinamaan ko siya ng tingin. "E paano hindi naman ikaw ang naglalaro! " masungit kong sagot. "Okay lang talo ka pa rin, " tumatawa niyang sagot. "Oh tara, last set na, " pigil na pigil ang tawa ni Joaquin. Mas lalo akong nairita. "Ayoko na! " inirapan ko siya at umupo na lang sa bleachers. Ipinatong ko sa tabi ko ang raketa at kinuha ang tumbler sa gilid ko para uminom. Lumapit sila sa akin at agad kong sinamaan ng tingin si Joaquin nang tumapat siya sa harap ko. Ibinaba ko ang inuminan at bumaling kay Ira. "Tara na, umuwi na tayo. " Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang siko ko. "Huyyyy. " Sumulyap ako sa kaniya. "Ano? " malamig kong sagot. He pursed his lips trying to stop himself from laughing. Inirapan ko na lang siya at tumayo na at nagsimula nang maglakad. Agad namang sumunod sa akin ang dalawa. Naririnig kong nagbubulungan sila sa likod ko kaya huminto ako at nilingon sila. Agad naman silang huminto sa pagbubulungan at biglang nanahimik. Tiningnan ko si Ira ngunit umiwas siya ng tingin at bigla akong nilagpasan para mauna na sa paglalakad. Tumingin naman ako kay Joaquin na ngayo'y lumalapit sa akin habang nagpipigil ng ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Naramdaman kong hinabol niya ako at sinabayan ako sa paglalakad. Raman ko ang mga mata niya sa akin ngunit hindi ko siya kinikibo at diretso lamang ang tingin ko sa daan. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na agad ko namang inalis. "Eto naman! Bakit ba galit ka sa'kin? " natatawa niyang tanong. "Hindi ako galit, " mariin kong sabi. Hinawakan niya muli ang kamay ko. "O 'wag mong tatanggalin 'to kung hindi ka galit, " sagot niya nang muntik ko na ulit alisin ang kamay ko kaya hinayaan ko na lang. Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa bahay ngunit hindi ko pa rin siya kinakausap. Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay lumingon sa amin si Ira kaya agad kong tinanggal ang pagkakahawak ng aming kamay at nilagpasan sila para buksan ang bahay. Huminto si Ira sa tapat ko at tiningnan ako na parang nanunuri bago pumasok sa bahay. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Weird. Bumaling ako kay Joaquin na hindi pumasok ng bahay. "Tara sa loob, " pag-aya ko sa kaniya sa isang seryoso na boses. Tatalikuran ko na sana siya ngunit bigla niyang hinili ang kamay ko kaya napaharap ako sa kaniya. "Huyy ba't ka ba galit? " tanong niya sa isang malambing na tono. Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi nga ako galit. " "Oh kita mo galit ka, e! " tumawa siya. Hindi ako sumagot. Huminga ako ng malalin at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Sige next time papanalunin na kita, " sabi niya na may bahid ng pang-aasar. Tiningnan ko ulit siya ng masama at aalis na sana ngunit mabilis niyang nahuli ang kamay ko. "Joke lang! Eto naman hindi mabiro! Ikaw naman kasi nagsabi na hindi ako magaling e, " he chuckled. Ginamit ko ang isang kamay ko para mahampas siya. "Aray! " tumatawa niyang reklamo. Ngumuso ako. "Napaka-oa mo naman kasi! Napakalakas mo pumalo e trip lang naman 'yung game na 'yon, para kang nasa olympics kung maglaro tapos tinalo mo po ako! " pagmamaktol ko. Hindi na niya napigilan ang sarili niya at tumawa ng malakas. Nakakainis, tinawanan pa ako! "Ako ba talaga ang parang nasa olympics kanina? Parang ikaw yata, e. Kulang na lang ibato mo sa'kin 'yung raketa mo, e! " Sinamaan ko siya ng tingin. "Sige tumawa ka pa. " Agad naman niyang itinikom ang bibig niya at nagpigil ng tawa. "Okay sorry na po. Hindi na ako tatawa. " Natatawa ko siyang inirapan. "Tara na lang sa loob, " hinila ko ang kamay niya ngunit hinila niya ito pabalik. "Hindi na. Uuwi na ako. " Ngumuso ako. "Sige na, " pagpilit ko sa kaniya. Umiling siya. "Ayos lang, babalik na rin ako. Hinatid ko lang talaga 'yung tupperware sa kaibigan ni Mommy. " Napatango ako. "Okay. " "Sooo, bye na, " paaalam niya ngunit nakahawak pa rin sa kamay ko. "Ingat ka, " I waved at him using my other hand. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinila ang kamay ko papalapit sa kaniya kaya naman bumagsak ang katawan ko sa kaniya at binalot niya ako ng yakap. Agad ko siyang tinulak papalayo at dumistansiya sa kaniya. "Amoy pawis ako! " nahihiya kong sabi habang hindi makatingin sa kaniya. "Hindi naman. Mabango ka pa rin kaya. Ako rin naman pawis na pawis, " aniya kaya napatingin ulit ako sa kaniyang nakangiti na ngayon. Hinila niya ulit ako papalapit sa kaniya at niyakap. Hinayaan ko na lang siya at niyakap pabalik. Amoy na amoy pa rin ang panlalaki niyang amoy kahit napawisan siya. Kumalas din ako agad sa yakap dahil na-co-concious talaga ako sa amoy ko. "Sige na, ingat ka. " "Bye, " Kumaway siya sa akin at naglakad na papunta sa sasakyan niya. Pagka-alis niya ay nakangiti akong pumasok ng bahay. Umakyat ako sa kwarto ko at nadatnan ko si Ira na nakahigang nanonood ng tv. Umupo ako sa kama habang nagtatanggal ng rubber shoes. "Nakaligo ka na? " "Oo, Ate, " sagot niya. Pagkatapos kong mahubad ang sapatos ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Pantulog na ang isinuot ko dahil alas-singko naman na at para hindi na doble sa labahin. Pagkalabas ko ng banyo ay naabutan ko si Ira na nanonood pa rin ng tv. Music video na ng isang kpop girl group ang pinapanood niya ngayon. Tumabi ako sa kaniya at nakinood din. Seollenda Me Likey Me Likey Likey Likey Me Likey Likey Likey Dugeundugeundugeun Heart Heart "Ang gaganda naman nila, sino 'yan? " tanong ko habang taimtim silang pinapanood. Sumulyap siya sa akin. "Twice, Ate. Search mo. " Napatango ako. Bigla namang may kumatok sa pinto at biglang bumukas ito. Parehas kaming napalingon dito at nakitang si Tita Annette ito. "May donut do'n sa baba saka dinner na rin kung gusto niyo na maghapunan, " sabi niya kaya agad kaming tumayo ni Ira at nagtungo sa baba. Dumiretso kami sa kusina at nakitang nandoin si Mama at Papa na kumakain na ng dinner. Agad naman naming nilantakan ni Ira ang donut at umupo sa dining table kasama sila. "Oh anong ginawa niyo maghapon? " tanong ni Mama na kumakain. "Sa applea tea kami kumain kanina tapos nag-badminton lang nung hapon na, " sagot ko naman. "Opo tapos kasama po namin si Kuya----" nagulat ako sa sinabi ni Ira kaya sinipa ko siya mula sa ilalim kaya napahinto siya sa sasabihin niya. "Aray! " reklamo niya at sinamaan ako ng tingin. Binigyan ko siya ng wag-kang-maingay na tingin na agad naman niyang na-gets kaya tinikom niya ang bibig niya. Kumunot ang noo ni Papa. "Kuya? " Ano ba 'yan akala ko hindi na niya narinig 'yon! "K-kuya ano Pa, 'yung ano! Y-yung naglilinis diyan sa street sinamahan kami sa court! " nauutal kong palusot. "Ahhh, " pagtango ni Papa at bumalik na ulit sa pag-kain. Nasa bandang alas-syete na ng makabalik kami sa kwarto dahil nakinig pa kami sa chika ni Tita Annette kahit wala naman akong maintindihan. "Ate, " pagtawag sa akin ni Ira habang sinasarado ko ang pinto. "Hmm? " lumapit ako at tumabi sa kaniya sa kama. "Bakit mo hindi pinasabi si Kuya Joaquin kanina? " curious niyang tanong. Kung may iniinom lang siguro ako ay naibuga ko na ito. "Eh... ayoko lang na kung ano pa isipin nila Papa. " Napatango siya. "Boyfriend mo ba 'yun? " tanong niya na ikinagulat ko. Ikinagulat ko dahil kahit mismo ako, hindi alam ang sagot. "Uhm... " I paused. "Friend. He's my friend, " I said uneasy. Pinagsingkitan niya ako ng mata at tiningnan mabuti. "Wehhh? Nakita ko kaya kayo kanina magka-holding hands tapos nung tatawagin dapat kita nakita ko naman kayo magkayakap, " tuloy tuloy niyang sabi. Napa-iwas ako ng tingin ibinaling ang atensyon sa pag-aayos ng kumot. "Ahhh, wala 'yon, " tipid kong sagot. "Pero bagay kayo, Ate, " sambit niya kaya napalingon ulit ako sa kaniya na nagpipigil ng ngiti. "T-talaga? " Agad siyang tumango. "Oo nga! Ang gwapo pa ni Kuya Joaquin, " sagot niya na parang kinikilig pa. Natawa ako at mahinang hinampas siya ng unan. "Akin 'yon! " Her lips formed an o at my answer. My lips parted when I realized what I just said and immediately looked away at her gaze. "Edi inamin mo rin, Ate! " niyugyog niya ang katawan ko nang tinalikuran ko siya. Pinahinto ko siya at tinanggal ang magkabilang hawak niya sa balikat ko. Humarap ulit ako sa kaniya. "Oo na! " nangingiti kong sagot. "Ahhhh!! " impit niyang tili na agad kong binawal dahil baka mamaya puntahan pa nila kami rito. "Pero, Ate, kung hindi mo siya boyfriend, ano mo siya? " she asked curiously. Matagal akong hindi nakasagot. I think this is one of the problems in today's generation, NO LABEL! "Hindi mo ma-ge-gets, bata ka pa, " sagot ko. Napanguso siya. "E, nanliligaw? " Napaisip ako. Nanliligaw nga rin ba siya? He did not say it exactly pero... oo nga ano? Ano bang meron kami ngayon? Malumanay ko siyang tingingnan. "He makes me happy, " I said, the only correct answer for now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD