"Tomorrow, we will be having a quiz tungkol sa linear equation. Puro solving 'yon so make sure to review. " anunsiyo ni Ma'am Valmeo.
Katatapos lang ng sobrang nakaka-drain na discussion sa Math at mas lalo ata akong na-drain nang i-announce niya na may quiz pa bukas. Jusko I hate math talaga. May times naman na gusto ko siya kaso most of the time talaga hindi e. Puro tanginang numbers na hindi ko naman magagamit sa pagbili ng suka sa tindahan.
Nagtaas ng kamay si Bea. "Ilang items po, Ma'am? "
"Siguro mga around 15-20 items lang, " sagot naman niya.
"Kasama po ba 'yung sa quadratic? " singit naman ni Liz.
"No. Lahat lang ng diniscuss ko this week. "
Nung wala nang nagtanong ay dinismiss na kami ni Ma'am Valmeo. Lunch time na kaya naman kinuha ko na ang wallet at tumbler ko at nagtungo na sa mga kaibigan ko. Sabay sabay kaming nagpunta sa canteen para kumain.
Pagdating namin sa canteen ay wala pa masiyadong tao dahil may 20 minutes pa talaga before mag-lunch time. Maaga kasi kami dinismiss ng teacher namin ngayon dahil tapos na namin ang lesson for this week. Umupo muna ako sa table dahil nag-uunahan 'yung mga kaklase ko sa pila. Hindi naman sila karamihan, palagay ko'y sampu nga lang ata sila don, kasama na sila Paul, Bryan, Liz, Neil, at Joaquin, pero wala akong energy na makipag-unahan sa kanila. Wala pa namang tao kaya panigurado'y makaka-order agad ako pagkatapos nila.
Tulala lang akong nakatingin sa labas habang nakasandal ang baba ko sa tuktok ng tumbler ko. Gutom na gutom na talaga ako at na-drain talaga ako sa math kanina. Literal na nilamon ng math 'yung utak ko.
Nagulat na lang ako ng may kamay na kumakaway sa harap ko. Nilingon ko kung kaninong kamay 'yon at nakita kong si Joaquin pala.
"Ba't tulala ka? " tanong niya at umupo sa tabi ko.
Ibinalik ko ang tingin sa labas. "Na-drain ako sa math, " sagot ko at bumuntong hininga.
Natawa siya sa sinabi ko at ginulo niya ang buhok ko. "Tara na do'n, umorder ka na, " wika niya at hinila ang kamay ko. Tumayo na ako nagpatianod sa paghila niya.
Nasa likod ko siya at nakahawak pa ang dalawang kamay niya sa magkabilang braso ko habang naghihintay sa pila. Nang maka-order ay dumiretso na kami sa lamesa kung nasaan ang mga kaibigan namin at nagsimulang kumain. Nagku-kwentuhan sila tungkol sa kung ano pero hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi nila. Lumilipad utak ko, pota. Antok na antok na ako at gusto ko na umuwi.
"Mabait ba 'yon? " tanong ni Neil kay Paul.
Nilunok muna ni Paul ang kinakain niya bago sumagot. "Sakto lang. 'Di ko kasi masiyado ka-close, pero kapag sa basketball, hindi siya mayabang. 'Di pala-away gano'n. "
"Ay, totoo 'yan. 'Yung iba kasi buwaya na nga sa bola, lagi pa nang-aaway ng kalaban. Parang ikaw pre, 'no? " singit ni Bryan na halata namang para kay Paul ang pasaring.
Inirapan siya nito. "Bibirahin pa kita, e. "
Tahimik lang akong kumakain nang biglang lumapit si Joaquin at saka bumulong. "Gusto mo ng balat ng fried chicken? " tanong niya na biglang nagpaliwanag sa mukha ko
Lumingon ako sa kaniya. "Oo naman! " masigla kong sagot.
Oo naman, 'no! Sino bang may ayaw sa balat ng fried chicken! Kahit hindi 'yan balat sa chickenjoy ng Jollibee papatusin ko pa din 'yan kasi 'yun lang naman ang essence ng fried chicken! 'Yung balat!
Inilagay niya sa plato ko ang balat at nagpatuloy na siya kumain.
"The best ka talaga, " bulong ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya roon at hindi na sumagot. Sakto namang pagkatapos naming kumain ay unti unti nang nagsisidatingan ang mga estudyante dahil alas dose na. Napagdesisyunan naming tumambay na lamang sa gazebo para makapagbigay daan sa mga kakain sa canteen. Paborito kasi naming tambayan ito tuwing walang klase dahil mahangin dito.
Magkakatabi si Paul, Neil, at Bryan habang nasa tapat naman nila kami ni Joaquin at Liz. Pinapagitnaan pa ng dalawa si Neil at sobrang busy sila sa chikahan nila. Kanina pa 'yon, pinag-uusapan yata nila 'yung crush ni Neil at sobrang supportive naman ng dalawa sa kalandian ni'to. Si Liz naman ay busy makipag-chat sa kung sino. Feel ko ito 'yung grade 11 na madalas dumaan sa room namin at nagbibigay ng milktea sa kaniya e. Sana all.
Dumukdok ako at ipinikit ang mga mata ko. Grabe, antok na antok ako sa sobrang pagkabusog at pagkapagod. Gustong gusto ko na talaga humiga. Kung pwede lang mag-cutting ginawa ko na.
I felt someone softly caressing my hair so I lightly open my eyes and saw it was just Joaquin. Hinayaan ko na lang siya at pumikit na ulit.
Nagising na lang ako nang may tumapik sa pisngi ko. Pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko si Joaquin sa tabi kong natutulog din. Parehas kaming nakadukdok at magkaharap ang mukha namin sa isa't isa.
Lumingon ako sa tumapik sa'kin at nakitang si Neil ito na ginigising din si Joaquin sa tabi ko.
"Gising na, hoy. Malapit na mag-bell. Tulo laway pa kay, " pang-gigising niya sa'min.
Umalis ako sa pagkakadukdok at umupo na ng maayos. Nag-inat ako at nag-stretch ng kaunti. Wala na si Bryan at Liz paggising ko dahil si Neil, Paul, at Joaquin na lang ang kasama ko sa gazebo. Malamang ay nauna na siguro pumuntang room.
Naka-ilang tapik na si Neil kay Joaquin pero hindi talaga siya magising kaya naman umeksena na si Paul at literal na sinampal na siya. Nagising siya at halatang nagulat dahil napalakas ang pagsampal sa kaniya ni Paul.
"Hala pre! Sorry napalakas! " pagpapaumanhin ni Paul pero natatawa.
"Putangina ka, " sagot niya at binatukan ng malakas si Paul.
Nagsitayuan na kami at sabay sabay na nagtungo sa room namin. Inakbayan pa ni Paul si Joaquin at sorry nang sorry. Napa-iling na lang kami ni Neil at nakisabay sa tawanan nila.
Pag-akyat namin sa floor namin ay nakita naming nagkukumpulan ang mga estudyante sa tapat ng room namin at tila may pinagkakaguluhan.
"E putangina mo pala, e! " biglang sigaw ng pamilyar na boses na nagpatigil sa'min sa paglalakad. Nagkatinginan kaming apat nang ma-realize naming parang boses ni Bryan 'yun. Dali dali kaming tumakbo at nakipagsiksikan sa mga nagkukumpulan naming kaklase, at nagtungo sa pwesto ng gulo. Nanlaki ang mata ko nang makita kong umiiyak si Liz sa likod ni Bryan na galit na galit. Agad naming dinaluhan ni Neil si Liz habang inaawat naman ni Paul at Joaquin si Bryan.
"E tangina mo rin! Bakit mo minumura ang boyfriend ko?! " sigaw ng isang babae kay Bryan. Sa likod ng babaeng iyon ay 'yung lalaking ka-chat ni Liz na nagdadala ng milktea sa kaniya.
Pinasok na namin si Liz sa loob para mas magkaroon ng privacy habang patuloy namin siyang inaalo. Si Bryan naman ay hindi maawat nila Paul at Joaquin dahil gigil na gigil talaga siya. Ganiyan talaga 'yan. Kapag kasi alam niyang nasa katwiran siya ipaglalaban niya. Nang lumapit na si Neil doon para umawat ay sumuko na siya at pumasok na rin sa loob.
I hugged Liz tightly. I already have a hint on what happened but I didn't ask anymore and just continued caressing her hair.
"Shush, babe. I'm here. We're here. " I said softly. Mas lalo siyang naiyak doon at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"Oh tapos na chika, mga echosera kayong lahat. Lubayan niyo at 'wag kayong makeelam dito. " inis na sabi ni Neil sa mga kaklase naming nakatingin sa'min. May mga taga-kabilang section pa ngang nakasilip sa pinto. Napaka-echosera ng mga punyeta.
Napa-iwas ng tingin ang mga kaklase namin at umupo na sa kani-kanilang upuan. 'Yung mga taga-kabilang section naman ay umalis na rin at bumalik na sa mga room nila.
Lumapit sa amin si Bryan, Paul, at Joaquin. Halata sa mukha ni Bry na galit pa rin siya kaya umupo muna siya at pinakalma ang sarili. Tumingala siya at naglabas ng mabigat na hininga. Si Paul at Joaquin naman ay tahimik lang na naupo sa tapat namin at halatang concern kay Liz.
Nang medyo kumalma na si Liz ay umalis na siya sa pagkakayakap sa'kin at umupo na nang maayos. Binigyan siya ng tubig ni Joaquin at agad naman niya itong tinanggap. Hinaplos ni Joaquin ang buhok ni Liz at saka isinandal niya ang ulo nito sa gilid niya. Tahimik lang kaming nakaupo at walang nagtatangkang magtanong. Mamaya na lang din siguro 'pag kami kami na lang ang magkakasama, baka kasi 'pag narinig pa ng mga echosera kong kaklase mas lalo pang lumala ang issue at baka maiba pa ang kwento.
Makalipas ang ilang sandali ay pumasok na ang Filipino teacher namin na halatang hindi maganda ang mood. Adviser din namin siya at sa totoo lang ay sobrang bait niyang teacher kaya naman nakakatakot kapag galit siya. Siguro ay nalaman niya ang nangyari kanina kaya mukhang wala siya sa mood ngayon.
Nagsitahimikan na ang mga kaklase ko at bumalik na kami sa mga kani-kaniyang upuan. Sinandal ni Liz ang ulo niya sa'kin at tulalang nakatingin sa lapag. Buti na lang at ako ang katabi ni Liz sa upuan dahil kung hindi, usyosohin pa siya ng mga kaklase namin.
"Narinig ko ang nangyari kanina. Bryan please come with me to the guidance office. " strikto niyang sabi. I knew it. Sobrang dalang kasi talaga magalit ni Ma'am Bulaon kaya kapag mukhang wala siya sa mood, alam na namin agad na may kasalanan kaming nagawa.
Napatingin kaming lahat kay Bryan at halatang nagpipigil siya ng inis. Huminga muna siya ng malalim bago tumayo papunta kay Ma'am Bulaon.
"Nasa'n ang President? " tanong niya.
Tinaas ni Bea ang kamay niya at nagtungo sa harap. Hindi na namin narinig ang usapan nila pero mukhang may ipapagawa lang na activity si Ma'am.
"I'll be back. " sabi niya at lumabas na sila ni Bryan.
"Sagutan niyo raw 'yung activity sa page 89. 'Yung 1-10 na questions. Sa 1/2 crosswise ilalagay. " sabi ni Bea at umupo na.
Kukuha na sana ako ng crosswise nang maramdaman kong nanginginig ang mga balikat ni Liz at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.
Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "Huy beh, bakit? " alam ko namang bobo ako sa pagtanong no'n pero 'di ko kasi alam sasabihin ko huhu.
"Nadamay pa si Bry dahil sa'kin. " sagot niya at tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya.
Niyakap ko siya at hinaplos ang likod niya para patahanin. Tinitingnan na kami ng iba naming kaklase pero hindi na sila nakielam. Buti naman.
Napansin ni Neil, Paul at Joaquin na umiiyak si Liz kaya pumunta sila sa pwesto namin kahit na binabawal sila ng President namin. Wala na lang siyang nagawa dahil naawa na rin siya siguro kay Liz.
Lumuhod si Paul sa tapat ni Liz para magpantay sila. "Liz, tahan na. Sasapakin ko 'yung hayop na 'yon. "
Mas lalong lumakas ang iyak ni Liz dahil do'n kaya naman hinampas siya ni Joaquin. "Tarantado ka, manahimik ka na lang. "
"Gusto mo sa clinic ka muna para makapagpahinga? " maingat kong tanong sa kaniya.
Tumango siya at inalis na niya ang mukha niya sa aking balikat. Tinulungan siya ni Paul na magpunas ng luha habang si Neil naman ay inayos ang magulong buhok niya mula sa pagkakaiyak.
Tatayo na sana ako nang biglang nagsalita si Joaquin. "Kami na ni Neil sasama kay Liz sa clinic. Magsagot ka na ng activity diyan, " saad niya. Aapela pa sana ako ngunit tumango na lang ako bilang pagpayag dahil baka mas mapagalitan pa kami.
Susunod na sana si Paul sa kanila nang bigla siyang kinontra ni Joaquin. " Pati ikaw, kupal, " sabi niya rito at tuluyan na silang lumabas. Walang nang nagawa si Paul kaya naman bumalik na lang siya sa upuan niya.
Nilabas ko na ang libro at crowsswise ko at nagsimula na gumawa ng activity. Madali lang naman dahil tungkol lang naman ito sa napag-aralan namin nung isang araw.
Maya maya ay dumating na rin sila Neil at Waks at nagsimula na rin magsagot ng activity. Tumabi muna sa akin si Neil since wala naman si Liz.
"Pakopya nga. " bulong niya at tuluyan nang kinuha ang papel ko. Amp, may choice pa ba ako e kinuha na niya.
Sinapok ko siya nang makitang gayang gaya niya 'yung sagot ko. "Tanga, ibahin mo naman 'yung ibang words. "
"Psh, whatever, " umirap siya at pumilas ng panibagong papel sa crosswise ko para umulit. Ayos din naman talaga, kumopya na nga, crosswise ko pa gamit.
Makalipas ang ilang sandali ay sunod na dumating sila Ma'am at Bryan na mukhang kalmado na. Dumiretso na siya sa upuan niya at tahimik na naupo.
"Pass your activities now, " biglang sabi ni Ma'am. Pinilas na namin ang papel namin ni Neil at ipinasa na ito sa row na nasa harap namin.
Nang makolekta na lahat ng papel ay dere-deretso lang lumabas si Ma'am Bulaon at wala nang sinabi. I sighed. Gg talaga si Ma'am.
Nagsimula na ulit ang mga kaklase ko mag-ingay pagkalabas ni Ma'am. May isa pa kaming subject bago mag-uwian which is Araling Panlipunan. Siya rin 'yung teacher namin kahapon na wala kaya sana wala ulit siya, charmz.
"Tara sa'min, mamaya. " pag-aaya sa'kin ni Neil.
"Tanga ka ba, alam mo na ngang may nangyari ngayon mag-aaya ka pa, " masungit kong sabi sa kaniya.
"Tanga, kaya nga ako nag-aya e para gumaan loob ni Liz at Bry. "
"E panigurado pagod si Liz, shunga. "
Hindi na sumagot si Neil at inirapan niya na lang ako. Baklang 'to talaga e.
"Wala raw ulit si Ma'am Ramos!! " masiglang sigaw ng isa naming kaklase.
Biglang nagliwanag ang mga mukha naming lahat at nagdiwang ang mga kaklase ko. Tuwang tuwa pa kaming naghuhuntahan ni Neil nang Bbglang sumulpot si Joaquin sa harap namin.
"Tara sa clinic. " pag-aya niya sa amin.
Tumayo kami agad kami ni Neil bilang pagpayag at sumunod sa kaniya. Nagulat pa ako nang paglingon ko sa likod ko ay kasunod pala namin si Bryan at Paul. Lumapit ako kay Bryan at pagilid siyang niyakap.
"Kalmahan mo, ha, " pabiro kong sabi sa kaniya.
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko at napailing na lang. "Gago, " umakbay siya sa akin at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Walang tao bukod kay Liz pagdating namin sa clinic. Dumiretso naman kami agad sa pwesto niya at naabutan siyang nag-cecellphone.
"Nakoooo, sino na naman 'yang ka-chat mo? " masisteng sabi ni Neil at umupo sa katapat na kama ni Liz. Magkakatabi silang umupo doon nila Joaquin at Paul habang kami naman ni Bryan ay sa paanan ni Liz umupo.
"Gaga. Si Mama ka-chat ko, " sagot ni Liz sabay irap. Mukhang okay na siya dahil kalmado na siya at aba, naka-irap na.
"Ano ba kasi nangyari, Elize? " seryosong tanong ni Joaquin na mukhang protective kuya sa aura niya ngayon.
Napatingin kaming lahat kay Liz. Bumangon siya para umupo at isinandal niya ang ulo niya sa head board. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"Diba nga nakaka-chat ko 'yon. Pero hindi naman kami naglalandian, like, getting to know stage gano'n. Although, I admit, sometimes kinikilig ako pero never ko siya nilandi. And I honestly didn't know that he has a girlfriend because first of all, I didn't even know him until he added me on f*******: and hit me u,. " pagkukuwento niya.
Tahimik lang kaming nakikinig sa kuwento niya. Umalis sa tabi ko si Bryan para kuhanin ang upuan sa malapit para doon umupo.
"Actually mga 2 weeks pa lang naman kami nagcha-chat ta's ayun nga dinadalhan-dalhan na ako ng milktea pero 3 times lang naman 'yun, alam niyo 'yan. " aniya at tumango kami. Potaena pala netong lalaking 'to. Typical kupal move. Bibigay milktea para kunwari seryoso. Tangina baka bilhan siya ni Liz ng milktea shop sa sobrang yaman netong kaibigan namin. Taena milktea pa talaga binigay niya e may business sila Liz na milktea shop. Tanga tanga.
"Ta's kanina nung bumalik na kami sa room, maya maya may nag-excuse sa'kin. Akala ko naman about sa club or may nagpatawag na teacher, abay nagulat ako nung biglang kumana ng "bakit mo nilalandi boyfriend ko? ". Jusko sobrang shookt ako talaga. Ede sabi ko, "ha? Sino ba boyfriend mo? ", tas ayon nga daw si Leo ganyan ganyan. Tas kung ano ano na sinabi sa'kin na ang landi ko raw, p****k daw ako. Gago, nagulat ako ng sobra kasi first time kong maaway ng gano'n! Kaya naiyak na lang talaga ako. Ta's eto si Bry umaawat e ayaw paawat ni ate girl. Tas dumating na si Leo, inaawat 'yung jowa niya. E ayaw paawat talaga ni ate girl so sabi ni Bry, "Miss, 'yung boyfriend mo pagsabihan mo kasi siya yung lumandi rito sa kaibigan ko. ". Tas biglang kumana si Leo nang "tangina mo pare, 'wag ka makisali rito. " tas ayon na sumigaw na si Kuya mong Bry. Super gg ni bes, " natatawa niyang kwento.
Nagtawanan kami sa huling sinabi ni Liz samantalang inirapan naman siya ni Bryan.
"Gigil na gigil siya ih, " tumatawang sabi ni Paul. Mas lalo kaming nagtawanan do'n.
"Tangina mo, " pikon na sabi ni Bryan.
"Pero honestly 'di naman ako naiyak dahil sa ginawa sakin ni Leo. Wala naman akong pake sa kaniya, jusko. Naiyak lang ako kasi first time talaga may umaway sakin. Jusko nanigas talaga ako sa kinatatayuan ko kasi wala akong idea sa mga sinasabi niya. Hindi ko talaga alam na may girlfriend si Leo. Jusko kung alam ko lang ede sana 'di ko na siya inentertain. 'Di naman ako tanga para 'di rumespeto ng relasyon. "
Sumang-ayon kami sa sinabi niya. Siyempre kaibigan namin si Liz at at alam namin na hindi siya gano'n. Hindi nga 'to nagbo-boyfriend e, puro manliligaw lang. Literal na ligaw lang kasi hindi naman niya sinasagot. Medyo nagulat pa nga kami at 2 weeks na pala niya 'tong nakakausap. 'Yung iba kasing nagpaparamdam sa kaniya, minsan tatlong araw pa lang, basted na agad. Kaya malaking himala ang 2 weeks sa kaniya. Nadala na rin siguro siya sa manliligaw niya dating nagustuhan niya tas bigla na lang 'di nagparamdam.
"Men are trash. " kaswal na sabi ni Paul
"I couldn't agree more. " sagot naman ni Joaquin.