Kabanata 3

2879 Words
"Ano plans niyo ngayong Christmas break? " tanong ni Paul. Nandito kami ngayon sa bahay nila Neil dahil half day ngayon. Mayroon kasing meeting ang mga teachers about sa Christmas kineme sa school and sa upcoming exams next week. Hindi pa nga ako masiyadong nakakapag-review kaya mamaya siguro ay sisimulan ko na. "Kami sa Pampanga. May reunion kami ro'n sa side ni Mama e, " sagot ni Neil habang ginugupit ang seasoning ng pancit canton. "Kami sa Boracay ata. Ewan pa pero for sure sa beach kami this year, " sagot naman ni Liz na tutok na tutok sa panonood ng tv. "Ampota rich kid talaga. Pasalubungan mo akong white sand ah, " biro ni Bryan kay Liz. Inirapan siya ni Liz at ibinalik na lang ang mata sa panunuod ng tv. "Ikaw ba Bry, saan? " tanong sa kaniya ni Paul. "Uuwi ata kami sa Cagayan ngayon e. Dumating kasi 'yung kapatid ni Papa kaya ayon, doon ang reunion ngayong taon. Ikaw ba? " "Baka sa Tarlac kami, pre. Pota tiba tiba na naman ako do'n, hayop. Daming pagkain do'n sa Tita ko saka maganda bahay, " tuwang sabi niya. Hindi ako kumibo sa usapan. Ayoko kasi ng tanong. Hindi ko alam pa'no sasagutin kasi hindi naman uso 'yung gano'n sa pamilya ko. Kapag pasko kaniya kaniya kaming buhay na kala mo 'di kami pamilya. Magluluto lang tapos 'yun na. Walang family reunion o kung ano pa man. Hindi rin uso sa pamilya ko ang mag-out of town kaya madalas tuwing summer or holidays nasa bahay lang talaga ako. Napabuntong hininga ako at umalis muna para magkunwaring mag-cr. Naghugas ako ng kamay at malungkot na tumingin sa salaming nasa harap ko. Huminga ako ng malalim at bahagyang napatulala. Nagpalipas pa ako ng ilang sandali sa loob ngunit lumabas na rin ako pagkatapos ng limang minuto. Pagbalik ko sa kanila ay ibang topic na ang pinag-uusapan nila kaya nakahinga ako ng maluwag. Umupo na lang ako mag-isa sa dining table at kumain ng fries. Nasa likod lang naman ng sofa nila Neil ang dining table kaya malapit lang din ako sa kanila. Nakahiga sa lapag si Paul at Bryan habang nakaupo naman si Liz, Neil, at Joaquin sa sofa. Nanonood kami ng movie ngayon pero mukhang background sound lang naman ito dahil sa kuwentuhan nila. Mga baliw talaga. Napalingon ako nang may dumasog na upuan sa tabi ko. Si Joaquin lang pala. Umupo siya rito at kumuha rin ng fries. "You okay? " he asked with concern in his eyes. Hindi ko alam kung sasabihin ko 'yung totoo. Pero parang hindi naman importante kung sasabihin ko man kaya tumango na lang ako. "Yup, " tipid kong sagot. He sighed. He touched my back and lightly caressed it. "Dito lang ako, ha? " he suddenly said. Napahinto ako sa sinabi niya at napatingin sa kaniya. I don't know why but I suddenly had the urge to cry. Pinigilan ko ang sarili ko at umiwas na lamang ng tingin, siusubukang pakalmahin ang sarili. Sanay na sanay naman ako magpigil ng luha pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigil ngayon. Nakakabwisit. Kaya ayokong cino-comfort ako ng tao kapag malungkot ako, e. Mas maiiyak lang ako lalo. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sariling maiyak. Huminga ako ng malalim at tumingin sa taas. I sighed deeply and looked at Joaquin again. I gave him a fake smile. "Oo naman, " sabi ko at iniwan na siya sa lamesa at tumabi kila Neil sa sofa. Kinabukasan, na-late ako ng kaunti dahil hindi ako nagising sa alarm ko. Nagising naman ako pero humirit pa kasi ako ng 5 minutes na tulog. Pagkagising ko ay nagulat na lang ako nang 30 minutes na pala ang naitulog ko. Bwisit, may tardy slip na naman tuloy ako. Pagkapasok ko ng room ay wala pa naman si Ma'am. Dumiretso ako sa upuan ko nang hingal na hingal atsaka umupo. "Maaga pa, bes. Tulog ka pa, " sarkastikong sabi ni Liz at saka tumawa. Hinila ko ang buhok niya at inirapan. Maya maya lang ay dumating na rin ang teacher namin at nagsimula nang magturo. "Wag na tayo makinig," biglang bulong ni Liz sa tabi ko. Natawa ako sa sinabi niya. Ang aga aga may demonyong bumubulong sa tenga ko. "Tanga, exam next week. 'Wag kang demonyo, " sermon ko sa kaniya. Ngumuso si Liz at umayos na lang ng upo para makinig na. Makalipas ang ilang oras at ilan pang klase ay nag-lunch time na. Pagbaba namin sa canteen ay marami nang mga estudyante ang nakapila. Meron pa rin namang mga vacant tables kaya doon na kami dumiretso nila Neil at Liz habang ang mga boys naman ang umorder. Kanina pa ako may nararamdamang kirot sa puson ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang dahil as far as I can remember, 2 weeks ago lang nagkaroon ako so imposibleng magkaroon ako ngayon. Oa naman 'yung matres ko kung magkakaroon ako ulit ngayon. After 10 minutes, dumating na rin ang mga boys dala ang order namin at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming kumakain dahil pare-parehas kaming hindi nag-recess kanina at nag-harutan lang. Si Joaquin lang ang nag-recess dahil sabay sila ni Celine kanina. Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami agad sa canteen dahil sobrang init at napaka-ingay. Sa gazebo na lang ulit kami tumambay para makapagpahinga. May nakasalubong akong kaibigan ko kaya napahinto ako at pinauna na sila. Nakita kong huminto si Joaquin para hintayin ako pero hinayaan ko na lang siya. "Huy, oo nga! Gagi, naka-chat ko nga nung minsan, sabi nga niya mag-migrate sila. 'Di ko alam kung nanggagago, e alam mo naman 'yon prankster, " sabi ko habang tumatawa. "Oo, hayop 'yon e. Sige na, teh, balik na ako sa room namin, " wika niya atsaka bumeso bago tuluyan nang umalis. Nagtungo ako sa pwesto ni Joaquin at hinampas siya. "Ba't mo pa ako hinintay baliw ka talaga. " Hindi siya kumibo at tumawa lang. Naglakad na kami papunta sa gazebo nang bigla siyang napahinto at mukhang gulat kaya napahinto rin ako at napalingon sa kaniya. "Oh bakit? " kaswal kong tanong. Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat at parang nahihirapan siya magsalita. "Huy, bakit ba? " nagtataka kong tanong. "M-may tagos ka, " nauutal niyang sabi at umiwas ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko at dali daling tiningnan ang palda ko. s**t! Meron nga! Pero bakit, gago!!! Dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas simula nang natapos ang mens ko!! "Hala, Waks samahan mo ko sa cr! " natataranta kong sabi. "H-ha p-paanong..." "Harangan mo yung likod ko habang naglalakad. Hindi naman na siguro mahahalata, eto na lang naman 'yung cr, " turo ko sa isang cr na malapit. Inayos ko ang palda ko at inilagay 'yung side na may tagos sa matatakpan ni Joaquin. Hindi pa naman gaano kalaki 'yung tagos pero sapat na siya para mahalata. Dumikit ako sa kaniya at inakbayan naman niya ako para mas magdikit kami. Sa sobrang lapit namin ay amoy na amoy ko ang panlalake niyang amoy at hindi ko alam sa sarili ko pero bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko. What the f**k. Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon at dumiretso na lang sa cr pagkarating namin do'n. "Waks, pwede pakuha 'yung panty ko sa bag? " pakikisuyo ko sa kaniya bago tuluyang pumasok ng cr. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "Y-your what? " hindi makapaniwala niyang sabi. Nang ma-realize ko ang sinabi ko ay nanlaki rin ang mga mata ko at pekeng tumawa. "I mean, my p-pouch!! Nandun kasi yung panty--- I mean--- basta!! Kunin mo na lang 'yung pouch sa second zipper ng bag ko! " sabi ko at dali daling pumasok ng cr. What the f**k am I saying??!! Hayop na panty 'yan! Buti na lang walang tao sa cr at walang nakarinig ng usapan namin. Jusko baka kung ano pa isipin ng mga tao. Nag-cellphone na lang ako habang naghihintay kay Joaquin na makabalik. Tinext ko si Neil para ipaalam ang nangyari dahil baka nagtataka na 'yon kung ano nangayari sa'min ni Joaquin. To: Ateng Neil Beks, dito ko sa cr. Natagusan ako, sa room na ako didiretso. Wala pang ilang minuto ay nag-reply na agad siya. From: Ateng Neil Ahh, akala ko nagtanan na kayo ni Waks e, charmz. Napa-irap na lang ako sa sinabi niya at hindi na siya nireplyan. Makalipas ang ilang sandali ay may kumatok kaya dali dali akong nagtungo sa pinto at binuksan 'yon. "Here, " sabi niya at inabot sa akin ang pouch habang nag-iiwas ng tingin. "Thank you, " sagot ko at sinarado na agad ang pinto. Binuksan ko na ang pouch ko para kuhanin ang panty at napkin. At kung minamalas ka nga naman talaga, walang napkin sa pouch ko! Bigla kong naalala na ibinigay ko nga pala sa isang kaklase ko nung isang araw na natagusan din. Punyeta naman talaga. Napasabunot ako sa buhok ko at huminga ng malalim. Nagtungo ako sa pinto at idinungaw ang ulo ko ro'n, hindi tuluyang binubuksan ang pinto. Nakita kong nakasandal si Joaquin sa pader habang nakalagay ang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. Napalingon siya sa akin nang mapansin niyang nakadungaw ako. "Waks..." maingat kong sabi. Napaayos siya ng tayo. "Ano 'yun? " "W-wala na kasi akong napkin... pwede bang pakibili ako sa canteen? " I shyly said avoiding his eyes. "Sige," tipid niyang sagot at bahagyang ngumiti. Pumasok na ulit ako sa cr at pinunasan ng wet wipes 'yung part ng palda ko na may tagos. Ini-spray-an ko rin ito ng alcohol at buti na lang natanggal. Nang mawala na ang marka sa palda ko ay nag-cellphone na lang ulit ako habang naghihintay kay Joaquin. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil malapit na pala mag-bell! Jusko, terror pa naman 'yung teacher namin sa AP, minsan nga hindi na siya nagpapapasok ng late. Maya maya lang ay may kumatok na sa pinto. Binuksan ko ito at nakita ko si Joaquin na pulang pula ang mukha at hindi makatingin sa akin. Nahihiya niyang inabot ang napkin at hindi kumibo. "Thanks, bro. Sorry talaga, " sabi ko na lang at sinara na agad ang pinto saka dumiretso na sa isang cubicle. Nang matapos ako ay lumabas na ako sa cubicle at naghugas ng kamay. Inayos ko rin ang pouch ko at tinapon ang balat ng napkin. Nagpabango pa ako at nag-ayos ng kaunti bago tuluyang lumabas. "Huy, sorry, naabala ka pa tuloy, " sabi ko kay Joaquin pagkalapit sa kaniya. Lumapit siya sa tabi ko at sabay na kami naglakad. "Baliw, okay lang. " "Late na tayo. " "Yaan mo na, exams naman na next week, " he chuckled. Inirapan ko siya. "From all the evil that surrounds me defend me, ~ " pagkanta ko. Tinawanan niya lang ako atsaka inakbayan at sabay na kami nagtungo sa classroom. Pagdating namin sa classroom ay nakita naming nando'n na ang teacher namin sa AP kaya hindi muna kami pumasok agad. "Ano papasok ba tayo? " tanong ko sa kaniya habang patagong sumisilip sa classroom. "E hindi naman nagpapapasok ng late 'yan 'di ba? " I sighed. "Right. " "Sa gazebo na lang tayo gusto mo? Para maka-idlip ka rin. Hindi ba masakit ang puson mo? " "Hmmm, " I hesitated. Takot kasi ako mag-cutting! Nag-cu-cutting naman ako paminsan minsan pero last cutting ko ata grade 9 pa!! Wala pa akong cutting ngayong grade 10. E kaso kasi ang sakit talaga ng puson ko at late na rin naman kami kaya pumayag na lang din ako bandang huli. "Sige na nga. Pero papasok ulit tayo after ng AP ha? " Mahina niya akong binatukan. "Malamang. " Tinawanan ko na lang siya at bumaba na ulit kami para magpunta sa gazebo. Walang mga estudyanteng pakalat kalat dahil oras ng klase. Pero eto kami, nag-cutting, hehe. Tanging mga players lang ng soccer at softball team ang mga estudyante na nasa labas dahil nasa field sila at nagppractice. Grabe rin talaga dedication ng mga players na 'to e. Tirik na tirik 'yung araw pero nag-ppractice sila. Ako nga kahit nasa loob na kami nagp-pe puro reklamo pa rin ako. Pagkarating namin sa gazebo ay umupo na kami. Umupo siya sa tapat ko at pumangalumbaba habang nakatingin sa field. Isinandal ko naman ang aking ulo sa lamesa at ipinikit ang mga mata ko. Makalipas lang ang ilang segundo ay umayos ako ng upo at tulalang tumingin sa kawalan. "Oh, bakit? " Lumingon ako kay Joaquin at umiling. "Wala lang. 'Di na ako inaantok, pero ang sakit ng puson ko talaga. " "Gusto mo bang i-kuha kita ng hot compress sa clinic? " "Hindi na. Malayo layo pa ang clinic, dito na lang tayo. " Binalot kami ng katahimikan. Masuyong tinatangay ng hangin ang buhok namin habang nakatingin kami parehas sa field. "Saan ka magpapasko? " bigla niyang tanong na ikinagulat ko. Matagal akong napatingin sa kaniya, hindi alam ang isasagot. Literal na hindi alam ang isasagot dahil sa aming magbabarkada, ako lang yata ang walang plano sa pasko na kahit ano. Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. "Ha? Ano 'yung pasko? " pabiro kong sagot habang nakatingin sa malayo para hindi niya mahalata ang lungkot sa aking mukha. Hindi ko alam kung nahalata niya ba ang lungkot sa tono ko dahil hindi na siya sumagot kaya naman tiningnan ko ulit siya. Bakas sa mukha niya ang lungkot at pag-aalala. Agad kong iniwas ang tingin ko at huminga ng malalim. Binalot kami ng katahimikan. Hindi na ulit siya nagtanong pagkatapos noon kaya hindi na lang din ako kumibo. Hanggang sa matapos ang oras namin at kailangan na ulit naming pumasok sa susunod na klase ay hindi kami nag-usap. It wasn't awkward though. There’s something in that silence that isn’t suffocating, instead, a comforting one. I guess sometimes, you don’t need to tell everything to feel okay, just knowing there's someone beside you is already enough. "Oh, sa'n kayo galing bakit 'di kayo pumasok? " bungad sa'min ni Liz pagkapasok ng room. Nagkatinginan kami ni Joaquin at bahagyang tumawa. Kumunot ang noo ni Liz sa amin. Tinapik lamang siya ni Joaquin at umupo na sa upuan niya. Umupo na rin ako sa upuan ko at agad naman akong sinundan ni Liz. "Natagusan ako. Hindi ba sinabi ni Neil? " bulong ko sa kaniya. "Hindi, baliw. E bakit naman kayo nag-cutting? " "E late na kami tapos hindi naman nagpapapasok ng late si Miss Salonga 'di ba? Ipapahiya lang kami no'n, " pagpapaliwanag ko. "True naman, " sagot niya. Dumating na rin ang teacher namin para sa huling subject kaya nakinig na kami. Medyo kumikirot kirot ang puson ko kaya hindi ako masiyadong makapag-focus pero kaya ko namang tiisin. Uuwi na lang ako agad pagkatapos para makapagpahinga na ako sa bahay. Nang matapos ang klase ay inayos ko na agad ang gamit ko para makaalis na agad. Buti na lang hindi ako cleaners ngayon kun'di matatagalan pa ako. "Oh, uwi ka na agad? " tanong sa'kin ni Paul nang pumunta siya sa upuan namin ni Liz. "Oo. Sakit puson ko e, " sagot ko at isinukbit na ang bag ko para makauwi na. "Okay. Ingat ka, " tinapik niya ako at bumalik na sa upuan nila. "Be, uwi na ako. Bye! " pagpapaalam ko kay Liz. "Ingat ka, be, " sagot niya na nginitian ko na lang. Pagkalabas ko ng pinto ay bigla na lang may humila sa buhok ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Si Neil. Sira ulo talaga. "Aray ko, punyeta ka! " angil ko atsaka hinampas siya. "Napaka-aga mo naman uuwi, ano ka si Cinderella? " pangagago niya. "Gaga. Masakit puson ko, 'di ka maka-relate 'no? Wala ka kasing kipay, " pilosopo ko namang sagot. Hinila niya pa ulit ng isang beses ang buhok ko kaya naman hinampas ko ulit siya. Biglang namang may tumapik sa balikat ko na nagpalingon sa'kin. "Hatid na kita, " singit ni Joaquin kaya napahinto kami ni Neil sa pag-uusap. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tinginan ko si Neil pero nakangiti lang siya habang pinagmamasdan kaming dalawa. Ilang minuto pa bago ako nakasagot. Dahil nag-initiate naman siya pumayag na lang ako.  "Uhm... sige... " pagpayag ko sa kaniya. Pinagkrus ni Neil ang mga kamay niya at halatang pigil na pigil ang ngiti sa aming dalawa. "Ang taray, " bulong ni Neil sa tenga ko nang bumeso siya sa akin. Inirapan ko na lang siya at nagpaaalam na kami rito. Napahinto kami sa paglalakad nang biglang may tumawag kay Joaquin. Sabay kaming napalingon rito at nakitang si Celine pala. "Tara na, babe! " pag-aya niya kay Joaquin habang hawak ang magkabilang strap ng bag niya. Napaawang ang bibig ko at nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalangan. Nag-iwas ako ng tingin at nahagip ng mga mata ko si Neil na nakatingin sa akin at parang nanunuri ang mga mata. I sighed. Tumingin muli ako sa kaniya at parang hindi niya alam ang gagawin. He look... guilty. And that's the last thing I want him to feel dahil wala naman siyang obligasyon sa akin. "Sige, Waks, okay lang. Kaya ko naman umuwi mag-isa, " hindi ko na siya hinintay sumagot at tumalikod na ako agad. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD