Kabanata 4

4532 Words
Ilang beses na ako paiba-iba ng pwesto ng higa pero hindi talaga ako makatulog. Iniisip ko pa rin 'yung nangyari kanina. Nakakairita!! Ano 'yung pa-walk out effect na 'yon, Nica?! Apaka bobo mo talaga kahit kailan! Huminga ako ng malalim at napatulala sa kisame. I covered my face with both my hands and groaned in frustration. Ano na lang ang iisipin nila? I mean, that was so rude of me! I didn't even say hi to Celine and then I just turned my back on Joaquin. Hay, nakakaloka. Kinabukasan, hindi pa rin maalis sa utak ko ang nangyari. Kahit habang gumagayak ako ay 'yun lang ang nasa utak ko. Gusto ko na nga i-untog ang sarili ko dahil baka sakaling kahit papaano makalimutan ko 'yon. Habang naglalakad ako papunta sa room ay pabilis din ng pabilis ang t***k ng puso ko. Bago pumasok ay sumilip muna ako sa gilid para tingnan kung nandoon na ba si Joaquin at napahinga naman ako ng maluwag nang makita siya doon. "Sino sinisilip mo diyan? " sabi ng isang boses sa tenga ko kaya napabalikwas ako at napahawak sa dibdib ko sa sobrang gulat. "What the fu---" gulat na gulat kong sabi. Nang tingnan ko kung sino ito ay mas lalo akong nagulat dahil si Joaquin pala ito. Para na akong kakapusin sa hininga sa sobrang halo halong emosyon na nadarama ko ngayon. Lord, bakit naman po? Ang aga pa huhu. Alam ko naman pong 'di ko siya maiiwasan pero sana kahit mga bandang 10:00 am man lang po. Hiyang hiya pa rin po ako talaga. "Napaka magugulatin mo talaga, " natatawa niyang sabi. Napanguso ako at inirapan siya. Tinalikuran ko na lang siya at pumasok na nang tuluyan sa loob ng room na agad naman niyang sinundan. "Okay ka na? Hindi na masakit puson mo? " tanong niya habang sinusundan ako maglakad papunta sa upuan ko. Bahagya akong napalingon sa kaniya ngunit nagpatuloy lang ako papunta sa upuan ko. "Oo, " tipid kong sagot ko habang inaayos ang bag ko sa upuan at hindi siya nililingon dahil nahihiya pa rin ako sa ginawa ko kahapon. "Hmm, okay. Sige do'n ako sa upuan ko, " pagpapaalam niya na tinanguan ko lang. Okay, ghurl, kalma. For sure naman okay na ko mamaya. Masyado pa kasing maaga para ma-confront ang emotions ko kaya ako nagkakaganito, 'di ba? Tama? Tama. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nang kumalma na ang mga emosyong bumabalot sa buong pagkatao ko ay napatingin ako sa orasan para tingnan ang oras. 6:50 am na, malapit na mag-morning rites. Wala pa rin si Liz sa tabi ko pero panigurado namang saktuhan lang ang dating no'n at kung ma-late man, paniguradong matatakasan niya pa rin ang student council sa pagbibigay ng tardy slip. Hanep talaga 'yung babaeng 'yon. Samantalang ako, kahit ata sa likod ako ng school dumaan mahahanap pa rin nila ako. "Good morning, bitches! " sigaw ni Neil pagkapasok ng room. Oo, ganiyan talaga siya tuwing umaga pagkapasok sa room. Nasanay na lang din talaga kami sa mga ganiyan niya, lakas maka-eksena ng badeng. Nagtama ang mga mata namin nang napalingon siya sa gawi ko. Pinaningkitan niya ako ng mata at pinagkrus niya ang kaniyang braso sa dibdib habang dahan-dahang lumalapit sa upuan ko. I looked at him weirdly, getting confused why he's staring at me like that. Nang makalapit sa akin ay umupo siya sa upuang nasa tapat ko at mariin akong tiningnan. "Anong chika mo? Bakit ganiyan ka makatingin sa akin? " pagtataka kong tanong sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay, mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Hmm, wala naman. Napapaisip lang sa mga ganap kahapon, " pirmi niyang sagot habang nakatitig pa rin sa akin. Bigla akong nataranta sa sinabi niya kasi duh! Anong sasabihin ko e kahit ako hindi ko rin alam ang sagot. I bit my lower lip, still not answering his question. Bigla na lang siyang tumayo at ngumisi ng nakakaloko sa akin. "Got it, " kinindatan niya ako atsaka nagtungo na sa upuan niya. Kumunot naman ang noo ko sa binigay niyang reaksyon. Ha? Ano 'yon? Baliw talaga. Ipininagkibit balikat ko na lang ito at hindi na inisip. Minsan kasi lula rin ang isang 'yon. Lumipas ang buong araw and I can say it's pretty normal naman. Gano'n pa rin naman ang pakikitungo sa akin ni Joaquin so I guess we're good. Hindi rin naman na-brought up yung about do'n since kami ni Neil at Joaquin lang ang nandoon. Hormones lang din siguro 'yung kahapon kaya nagsungit ako. I felt relieved nang wala naman palang tension, ako lang ang nag-isip no'n. Sorry naman, overthinker. The day of our periodical test came and all of us have been already drained out from all the activities and projects our teachers have been giving us. Dadgdag mo pang kinabukasan na ang christmas party namin kaya we're torn between celebrating and suffering. Hindi ko alam kung valid bang magreklamo na drained na ako kasi paano pa sa senior high? Sa college? "Hoy sinong nabunot niyo sa exchange gift? " tanong ni Bryan habang kumakain kami ng fishball dito sa talipapa. "Bobo, nasa'n ang thrill do'n kung sasabihin? " sagot naman ni Paul sa kaniya. "E baka mamaya may nakabunot sa inyo sa akin, edi para alam ko na, " "Huwag kang mag-alala, kapag ako nakabunot sa'yo reregaluhan kita ng walis tambo para hindi ka tumatakas sa cleaners, " sabat ni Bea na bumibili rin ng fishball dito sa talipapa. "Kausap ba kita? " supladong tugon sa kaniya ni Bryan sa kaniya. Namula ang mukha ni Bea at halatang halata sa mukha niya ang inis. Tiningnan siya ng masama ni'to bago talikuran at hindi na sumagot dahil sa pagkapahiya. Nagkatinginan kaming lima at pigil na pigil ang tawa namin. Mahina namang binatukan ni Joaquin si Bryan dahil sa naging asal niya. "Napakasama talaga ng ugali mo, " mahinang bulong ko sa kaniya. Tumambay kami sa playground sa park at nagkuwentuhan pagkatapos naming mag-merienda sa talipapa. Pinagku-kuwentuhan nila ‘yung exam kanina at nagtatanungan ng sagot. Hindi ako nakikisali sa kwentuhan nila at nag-ce-cellphone lang habang nakaupo sa swing. Ewan, para sa akin kasi what’s the point of stressing yourself after the exams e tapos naman na. Kahit istressin mo yung sarili mo sa mga sinagot mo, hindi naman mababago ‘yon, gano’n pa rin ang magiging score mo. Ini-stress lang nila mga sarili nila, e. Nang nagkatamaran na kami ay napagdesisyunan naming umuwi na. Christmas party rin kasi bukas kaya dapat lang na umuwi na kami. Buti na nga lang rin at nakabili na kami ng mga regalo nung isang araw kaya hindi na kami mamroblema sa dami ng tao ngayon sa mga mall. Panigurado ay punuan ‘yan. At usual kami nila Paul at Joaquin ang magkakasabay. Hindi namin kasabay si Celine dahil may inaasikaso pa sila sa school dahil part siya ng student council. Representative siya sa province namin kaya madami silang inaasikaso. Sa likod ulit umupo si Paul samantalang kami ni Joaquin ay sa loob. Tahimik lang kami sa loob dahil pareho kaming nag-ce-cellphone. Ako nag-i-scroll sa twitter, siya naman ka-chat si Celine. Hanep, the life of a single vs in a relationship ba ‘to? “Sinong nabunot mo? “ tanong niya pagkababa niya ng cellphone. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. Baliw talaga ‘to. Si Paul nga sinita si Bryan kanina ta’s siya nagtatanong din. “Basta hindi ikaw, “ sagot ko at bumalik sap ag-ce-cellpone. Inismiran niya ako. “Hindi naman ‘yon ang tanong ko. “ Tuluyan ko nang ibinaba ang cellphone ko at sinamaan siya ng tingin. “E bakit ba? Sabi nga ni Paul, “nasa’n ang thrill do’n? “ masungit kong sagot. “Okay! Sungit! “ He chuckled. “Pero ako kilala ko nakabunot sa’yo, “ saad niya at tinaas baba ang kilay na parang nang-aasar. Napahinto ako at napakurap ng ilang beses. Napaawang ang bibig ko at hindi makapagsalita dahil sa sinabi niya. Paano ba naman! Kakasabi ko lang na “nasa’n ang thrill do’n kung sasabihin” ta’s bigla siyang gaganiyan?! Sinong hindi ma-cu-curious! “O-o-kay lang. M-malalaman ko naman bukas kung... kung anong regalo niya! “ nauutal kong sagot at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Humalakhak siya. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin habang hinuhuli ang mata kong iniiwas ang tingin sa kaniya. “Talaga ba? Bakit ka nauutal? “ pang-aasar niya. Sumimangot ako at huminga ng malalim. “Hindi na----” napahinto ako nang paglingon ko sa kaniya ay muntik nang magdikit ang mga noo namin. Nagtama ang mga mata namin at nahalata kong napahinto rin siya nang mapagtanto kung gaano kami kalapit. Agad siyang lumayo at nag-iwas ng tingin. Nag-iwas rin ako ng tingin at kunwaring nag-cellphone kahit hindi ko na maintindihan ang mga ini-scroll ko. Pinakiramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko at parang gusto ko nang saksakin ito para lang huminto na. Parang tanga, kainis! Pagilid ko siyang tiningnan at nakita kong ipinapaypay niya ang panyo sa sarili niya at ilang beses na siyang nagbubuga ng hangin. Biglang huminto ang tricycle kaya napalingon ako sa labas at narito na pala kami sa bahay namin. Nagkatinginan ulit kami ngunit agad din kaming nag-iwas. Bumaba siya ng tricycle para makadaan ako ngunit hindi siya tumitingin sa akin. Bumaba na lang ako at nagbayad sa driver. "Bye, Paul! " paalam ko rito na sinuklian niya naman ng kaway. Napatingin ako kay Joaquin ngunit nasa cellphone ang atensyon niya at hindi lumilingon sa akin. "Bye... " paalam ko sa kaniya na parang binulong ko lang sa hangin at agad nang pumasok sa gate. Kinabukasan, pagkatunog nang alarm ko ay pinatay ko agad ito. Shet, teka muna mga beh, tatlong araw 'yung exams na 'yon, pwedeng matulog pa ako ng konti? Christmas party lang naman at yon at kahit naman ma-late ako hindi ako mabibigyan ng tardy slip. Isa pa, anong oras na rin ako nakatulog kakaisip sa nangyari sa amin ni Joaquin. These past fee days puro siya ang nag-o-occupy ng isip ko, hindi na nakakatuwa. Natulog pa ulit ako at pinatay ang alarm ko. Makalipas ang ilan oang sandali ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinapa ko ito sa ilalim ng unan ko at nakita kong tumatawag si Neil. "Hoy, asan ka na? " bungad niya pagkasagot ko ng tawag. "Bahay, " antok na antok kong sagot habang nakapikit pa rin. "Gaga, 9:30 na ah! 8:00 lang ang start ng party! " sigaw niya sa kabilang linya. "Alam ko. Pwede naman ma-late, ah, " "Hay nako! Gumayak ka na nga! Kapag wala ka pa rin dito ng 10:30 sasabunutan kita, " sermon niya at pinatay na ang tawag. Idinilat ko ang mga mata ko at napatulala sa kisame. Antok na antok pa talaga ako at gusto ko pang matulog pero bakasyon naman na bukas kaya pwede akong bumawi ng tulog. Tiningnan ko ang oras at nakita kong 9:30 na pala. At dahil wala naman akong choice, bumangon na ako at dumiretso sa cr para maligo na nagpagising sa diwa ko sa sobrang lamig ng tubig. Pagkatapos ko maligo ay nagsuot muna ako ng pambahay para mag-ayos. Pinatuyo ko ang buhok ko at bahagyang pinlantsa ito para naman mukha akong presentable kahit papaano. Pagkatapos nito ay nilagyan ko ng kaunting make-up ang mukha ko. Bb cream, cheek tint, powder, mascara, at lip tint. Gandang pa-fresh lang, ganoooon. Hindi na ako nagkilay dahil ayos naman ang kilay ko kahit wala akong ilagay. Maganda ang shape ng kilay ko at makapal, bagay na kinaiinggitan sa akin ni Neil bukod sa kipay. Ako lang ang nakapagmana nito kay Papa. Ang mga kapatid ko kasi ay maninipis ang kilay at parang sabog kaya naman hindi nakakalabas sila Ate nang hindi nagkikilay. Nang matapos akong mag-make up ay nagbihis na ako ng isusuot ko para sa Christmas party. I wore a black off shoulder long sleeves and denim skirt partnered with a black ankle boots. I also wore a black beret and wore the necklace Joaquin got me for my birthday last year. It's a gold necklace with a snowflake pendant. I touched it and smiled as I remember asking why the pendant was a snowflake. "Bakit snowflake? Wala namang snow sa Pilipinas ah, " inosente kong tanong. Napa-face palm siya at natawa sa tanong ko. "Hay nako ka talaga, " hindi makapaniwala niyang sabi. "Kasi 'di ba, ang snowflakes, magkakaiba sila ng itsura. As in every  single snowflake, magakakaiba sila. Walang kamukha. Every single one is unique. Parang ikaw, "  he explained and smiled as he was looking at me straight in the eyes. I sighed. Tumayo na ako at sinuot ang mini backpack ko at ang paper bag na may regalo for exchance gift. Kanina pa nasa labas ang service ko kaya agad kaming nakaalis. "Oh! Sino ka naman diyarn!?!? " bungad sa akin Neil pagkapasok ko ng room. Inirapan ko siya at inilagay ang bag ko sa upuang nasa tabi niya. Nakabilog ang mga armchair namin at may malaking space sa gitna. May nakasulat na malaking "Merry Christmas, Einstein '17-'18! " sa blackboard at napapalibutan ito ng mga decorations. "Sa'n ilalagay ang mga exchange gift? " tanong ko sa kaniya. "Do'n, " sagot niya at itinuro ang table sa sulok na puno na ng mga regalo. Agad akong nagtungo doon at inilagay ang paper bag. "Hoy, Nica ang ganda mo!! " bati ni Bea sa akin nang dumaan ako sa tapat nila. "Hala, thank you! Ikaw rin! " nahihiya kong sabi at bumalik na sa upuan namin. Ngayon ko lang napansin na tanging si Neil at Liz lang ang naroon at nawawala ang mga boys. Kahit si Paul wala. "Asa'n mga boys? Hindi ba um-attend? " pagtataka kong tanong sa kanilang dalawa. "Hindi, baliw. Nangapitbahay lang sa kabilang section. Kila Celine ata, " sagot ni Liz na sumusubo ng shanghai. Napatango ako sa sinabi niya. Napatigil naman ako nang bigla kong napansin ang ginagawa niya. "Lagot ka, nangupit ka ng shanghai, " pagpuna ko sa kaniya dahil halata namang kinupit niya lang ito. Siya lang ang kumakain at patago niya pa itong kinakain sa likod ni Neil “Shhh!! “ pagsensyas niya sa’kin at daling sinubo ang natitirang shanghai. “Napakaganda naman talaga! “ biglang sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko at pumapalakpak pa. Lumingon ako at nakitang si Paul ‘to kasama si Bryan at Joaquin. “Ako lang ‘to! “ pabiro ko naming sagot. Tumabi siya sa upuang nasa tabi ko habang si Joaquin naman ay nakatayo pa rin sa harap naming at nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko sa pagtingin niya sa akin, nakatingin lang siya at nakaawang ang labi niya. Nailang ako kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin. “Maupo ka kaya? Matunaw ‘yan, “ sabi niya rito. “Ha? Matunaw? Ang alin? “ sabat naman ni Liz. Umupo si Joaquin sa tabi ni Neil at inakbayan ito. “Malinaw! Malinaw kako! Ayon oh nag-e-explain si Bea sa harap, malinaw ‘yung explanation niya, “ sagot naman niya na parang nagpipigil ng tawa. Napatango kami ni Liz. Nakinig na lang kami kay Bea na nag-e-explain sa harap about mechanics ng game. Wala naman akong balak sumali ng game. Sa ganda ng outfit kong ‘to papagurin ko ang sarili ko tapos ang prize candy?! No way! De charot lang. Sa pinoy henyo or kaya charades sasali ako mamaya kasi nakaupo lang naman do’n. Magpipicture na lang ako para naman may documentation ‘yung mga ganap ngayon since last Christmas party na namin ito. Dala ko ang film camera ko ngayon at ang dslr. Hindi ko na dinala ang instax ko dahil napakadami ko nang dala kapag dinala ko pa ‘yon. Si Liz na lang ang pinagdala ko at bumili na lang ako ng instax film. Sumali silang lima sa game at ako lang ang hindi. The boat is sinking ang game kaya naman ang ingay nila, pati si Ma’am nakikigulo rin. Maya maya lang ay tumayo ako para kuhanan sila ng litrato. Nanalo si Neil, Liz, at Paul sa game at may premyo silang neck pillow. In fairness sa prize ha, ang bongga. Pinicturan ko silang tatlo na malaki ang ngiti habang nakataas pa ang prize na natanggap nila. Lumipas ang oras at nakaka-ilang games na kami. May newspaper dance na bet na bet ni Neil dahil ‘yung crush namin sa room ang partner niya kahit natalo sila second fold pa lang, pahabaan na bet na bet din ni Neil dahil naghubad ang ibang boys, trip to jerusalem, pinoy henyo na kami ni Liz ang nanalo, at ang panghuling game ngayon ay charades. By pair ito kaya naman kami ulit ni Liz ang magka-partner habang si Joaquin naman ang partner ni Neil na pinilit niya lang. Ayaw kasi sumali ni Bryan at Paul dahil pangmatalino lang daw ang game na ‘yon. Mga baliw talaga. Ako ang nag-aaction habang si Liz naman ang taga-hula. Nakaka-apat na tamang sagot na kami and we’re down to our fifth and last word. Kapag nahulaan naming ito ay isa na kami sa winners. “English! Three syllables! “ sigaw ni Liz at agad naman akong tumango. Butterfly ang word kaya naman sumensyas ako ng pakpak sa likod ko. “Hala shet ano ‘yan! Bird! Fairy! Angel! “ pasigaw niyang sagot. Marahas akong umiling at nag-action ako na parang lumilipad. “Insect? “ sagot niya at agad akong tumango bilang pag-sang ayon. “Hala ano, dragonfly! Butterfly! “ Pagkasagot niya no’n ay agad akong tumalon at niyakap siya. We won!!! “Okay, our last pair, Joaquin ang Neil! “ pag-presenta ng adviser namin sa kanila. Kumaway kaway pa si Neil na parang beauty queen at umupo na sa upuan. Si Joaquin ang taga-action habang si Neil naman ang manghuhula. “1 word? 2 syllables? English? Tagalog? “ panghuhula ni Neil. Tinuro ni Joaquin ang sarili niya at tinuro ang mata niya. “Torpe? Mabagal? “ nakakunot-noong sagot ni Neil. Marahas na umiling si Joaquin. Tiinuro niya ulit ang sarili niya at sinensyas ulit ang mata niya. “Ah alam ko na! Kaibigan lang? “ kyuryosong sagot ni Neil. “Pass! “ sigaw ni Joaquin. “2 words? 2 syllables? English? Sumenyas si Joaquin para sa first word. Itinuro niya ang puso niya at bumuo ng puso sa kamay niya. “Manhid? Martyr? “ Huminga ng malalim si Joaquin at tumuro ulit sa puso niya. “Ahhh! Nica? “ he answered that made my forehead creased. I just shrugged it off and went back watching them. Natapos ang laro nang wala man lang silang nahulaan na kahit isang word. Binatukan ni Joaquin si Neil at masama ang tingin dito. “Hindi mo kasi nililinaw e! “ pang-aasar niya kay Joaquin ngunit inirapan lamang siya nito. Tahimik itong umupo sa upuan at malalim ang paghinga. Tiningnan ko siya at ngunit agad akong nag-iwas ng tingin nang tingnan niya ako pabalik. Nang matapos na ang mga games ay pinag-lunch na kami ni Ma’am. Tuwang tuwa naman si Liz dahil hindi na siya patagong kakain ng shanghai. Abay naka-apat ba naman ang gaga tapos wala man lang nakakapansin sa kaniya! Pagkatapos ng lunch ay exchange gift na kaya medyo na-excite kami. Nag-print si Ma’am ng wishlist at ipinasulat sa amin doon kung anong gusto naming matanggap para daw hindi na kami mahirapan bumili ng regalo. 300 pesos ang minimum amount kaya naman film roll na kodak 200 na lang ang nilagay ko para naman magamit ko talaga siya. Pabiro ko ring nilagay sa wishlist ko ang percy jackson bookset at ang jowa dahil alam ko namang parehas hindi maibibigay sa’kin ‘yon. Mahal ang percy Jackson bookset at ang jowa naman ay hindi pwede mabili, hays sucks to be me. “Okay, ganito. Since kasali ako sa exchange gift, ako na ang magsisimula. Bale, kunwari si Coleen ang nabunot ko, pagkabigay ko ng gift ko sa kaniya ay siya naman ang magbibigay ng regalo doon sa nabunot niya, and so on and so forth. Gets ba? “ mahinahong wika ni Ma’am. Tumango naman kami bilang pag-sang ayon. Si Coleen pala talaga ang nabunot ni Ma’am kaya ibinigay niya na ang regalo rito at nagtuloy tuloy na ito.  “Bryan! “ mataray na sigaw ni Bea. Agad naman namin silang inasar dahil mortal na magka-away sila tapos si Bea pa pala ang nakabunot sa kaniya. “Yown! Destiny nga naman! “ pang-aasar ni Paul ngunit inirapan lamang niya ni Bea. “Ang nabunot ko ay si… Paul, “ seryosong sabi ni Bryan ngunit agad din siyang tumawa ng malakas. Nanlaki ang mga mata ni Paul at hindi siya makapaniwala. “Gago, pre, seryoso ba? “ “Hey! Language! “ paninita ni Ma’am. “Oon ga! Oh eto pa nga ‘yung name mo nung nabunot ko, oh, “ sagot ni Bryan at ipinakita ang papel. Dahan dahang tumayo si Paul at nagtungo kay Bryan. Tawa kami ng tawa sa reaksyon ni Paul dahil alam niyang isang malaking kagaguhan ang ibinigay sa kaniya ni Bryan. “Yown! Destiny nga naman! “ pang-aasar pabalik ni Bea kay Paul. Napabuntong hininga si Paul at bahagyang natatawa. “Hay nako. Sige ang nabunot ko si Joaquin, pero pre promise matino ‘yang niregalo ko! “ pagdedepensa niya sa sarili niya. Tumayo si Joaquin at lumapit sa kaniya. Pabiro pang kiniss ni Paul ang pisngi niya at agad naman niyang iniwas ang mukha niya rito. Tumayo si Joaquin sa gitna ngunit wala siyang dala. Mukha siyang kinakabahan sa itsura niya dahil ilang beses na siyang humihinga ng malalim. “A-ang nabunit ko ay s-si… Nica, “ aniya na siyang ikinagulat ko. Tatayo na sana ako nang magsalita ulit siya. “K-kaya lang, bukas ko na lang dadalhin sa inyo, hindi kasi on time dineliver, “ nahihiya niyang sabi. Natawa naman ako. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. “Okay lang, baliw. Sige na umupo ka na, “ sabi ko sa kanya at nginitan siya. Napakamot siya sa ulo niya at dahan dahang umupo sa upuan niya. Lumipas ang oras at natapos na rin ang palitan ng exchange gift. Ito na ang last program for the party kaya naman nasa hara psi Ma’am ngayon at nagsasalita for closing remarks. After nito ay uwian na at didiretso kami sa bahay nila Neil para sa sarili naming Christmas party. May dalang sasakyan si Bryan ngayon kaya hindi hassle mag-commute. “Okay, class! Thank you very much! Merry Christmas! Happy New Year! Happy Holidays! See you next year! “ pagtatapos ni Ma’am sa message niya at nagpalakpakan kami. Lumabas na kami sa room pagkatapos naming magpaalam sa mga classmates namin at kay Ma’am. Naglalakad na kami sa parking lot ngayon para magtungo kila Neil. “Oh, Asa’n si Celine? “ tanong ni Liz kay Joaquin. “May Christmas party silang council, e, “ sagot naman niya. Tumango si Liz at pumasok na sa sasakyan. Montero ang dala ni Bryan kaya kasyang kaming anim. Si Paul ang nasa front seat katabi ni Bryan na nasa drivers seat habang kami naman ni Liz ang nasa second row, at si Neil at Joaquin ang nasa pinakadulo. Napapansin kong kanina pa magkatabi’t magkasama ang dalawang ‘to ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang ito. Mabilis lang kaming nakarating sa bahay nila Neil. Agad kaming dumiretso sa bakuran nila dahil doon naming gaganapin ang Christmas party namin. May konting alak pero ang boys lang ang iinom nito dahil sila lang naman ang sanay uminom sa’min. Dapat nga walang alak kasi minor pa kaming lahat pero napakakulit kasi ni Neil, inom na inom. Pagkapasok naming ng bakuran ay agad naming nakita si Tita Mildred na nag-aasikaso ng mga pagkain sa lamesa. Nakaayos na ang mga table, upuan, at mayroon pang videoke! “Tita! Merry Christmas! “ bati namin sa kaniya at bumeso kami isa-isa. “Merry Christmas, mga anak! Sige na kain na kayo! “ aniya at iminuwestra ang mga pagkaing hinanda niya. “The best ka talaga, tita! Buti na lang hindi ako kumain ng marami kanina! “ galak na sabi ni Paul. “Ay, tita may gift ako sa’yo! “ singit ko naman at ibinigay sa kaniya ang isang paper bag na may lamang pabango. “Ano ka ba naman! Nag-abala ka pa, anak! Thank you, rito! “ pasasalamat niya na nginitan ko. “Ay hala, tita ako rin pala kaya lang nakalimutan ko dalhin! Idadaan ko rito bukas bago kami umalis! “ sabi naman ni Liz. “Mga nag-abala pa kayo! Maraming salamat, anak. O siya sige na kumuha na kayo ng plato niyo. “ Kukuha n asana ako ng plato nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Tiningnan ko ito at si Joaquin lang pala. “Bakit? “ tanong ko sa kaniya ngunit hindi niya ako sinagot at hinila na lang ako papasok sa loob. Bigla siyang umakyat sa hagdan kaya nanlaki ang mga mata ko at nagtaranta sa ginawa niya. “Huy, baliw ka! Sa’n ba tayo pupunta? “ kinakabahan kong tanong. Nang makarating kami sa second floor ay huminto siya sa tapat ng pinto ni Neil at binuksan ito. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil bakit kaming dalawa lang ang narito!? Pagkapasok namin sa loob ay isinara niya ang pinto at binitawan na ang kamay ko. Bigla siyang humarap sa akin kaya naman napaatras ako ng isang hakbang. Malakas ang kabog ng dibdib ko at para akong kakapusin ng hangin. Bigla siyang may kinuhang malaking box sa study table ni Neil at ibinigay ito sa akin. Kumunot ang noo ko at ibinaba ang tingin dito. “Ano ‘to? “ takang taka kong tanong ko. “Buksan mo, “ pigil ngiti niyang sagot. Inabot niya sa akin ang isang gunting at agad ko namang kinuha ‘yon. Cinut ko ang tape na nasa gitna at binuksan ito. Nakabalot pa sa bubble wrap ang nasa loob kaya naman pahirapan pang buksan. Nang tuluyan kong matanggal ang bubble wrap at nakita ang nasa loob nito ay parang biglang huminto ang mundo ko. Napatakip ako sa bibig ko at mangha siyang tiningnan. “No waaaaay, “ kapos hininga kong sabi. Hindi siya sumagot at malaki lang ang ngiti sa akin. Kinuha ko ito mula sa bubble wrap at ingat na ingat na hinawakan. HE JUST GAVE ME A FREAKING PERCY JACKSON BOOKSET!!!!! WHAT THE f**k!!!! “W-waks, mahal ‘to, “ I bit my lower lip and looked at him softly. “You’ve been saying it all the time that you want it, e. Ayan. You deserve it, “ he said with a wide smile. I pouted. I ran towards him and hugged him tightly. I buried my face on his neck and smelled his manly scent. He held my waist and hugged me back tightly. “Merry Christmas, “ he whispered in my ear.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD