"Can we talk? " he said in a low baritone voice.
Napatitig ako sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago sumagot. "What do you mean? We're talking, " I said in a cold voice.
"Do not make this hard for me, Amy, " he equalled my stare.
Nang hindi ko matagalan ang titig niya ay agad akong umiwas ng tingin. "Wow, sorry for making things hard for you, " I said sarcastically.
He let out a big sigh. "Amy..."
Mariin ko siyang tiningnan. "Stop calling me that name. "
"Why are you mad at me? "
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Wow, he even have the guts to ask me this?
"I am not mad at you. "
"You are, " he said in a serious voice.
I rolled my eyes. "Seriously, what the hell is your problem? " I said, getting annoyed.
"You said you went to Manila last week. "
"And? What about it? " I raised my brows at him.
"You sure? "
My brows furrowed. "Bakit ba? Ano bang meron? "
Sarkastiko siyang tumawa at umiling. "Wow. If you want to ignore me, sana ginawa mo na lang. Maiintidihan ko 'yon, Veronica. Hindi 'yung nagsinungaling ka pa para lang maiwasan ako, " he burst out.
Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niya. Parang biglang na-blanko ang utak ko at hindi alam ang sasabihin. How did he even know? Nakita niya ba ako? Sinabihan ba siya ni Ira? Ewan! I am guilty for what I did but there's a reason behind that. Kaya bakit parang ang sama sama ko sa ginawa ko? Bakit parang ako 'yung mali?
I avoided his gaze and slow turned my back on him. I can't have this conversation. Not today when we are with our friends. Not in this public space. Not when I just found my comfort again in this peaceful place.
I was about to leave when he suddenly pulled my wrist. "Amy..."
I took a deep breath. When I finally found the courage to look at him, I slowly faced him. "E ikaw, where were you when you said that you'll go out with your family? "
Halatang nabigla siya sa sinabi ko at napaawang ang labi niya.
"I saw you with Celine that day, " I added and faked a smile.
Nakatingin lamang siya sa mga mata ko at hindi pa rin siya sumasagot. Look how the tables have turned, huh?
"Ewan. It's not as if I care. Pero sana lang din nagsabi ka na lang ng totoo kasi wala naman sa akin 'yon. Sino ba naman ako, 'di ba? Kaibigan mo lang ako. "
"Amy, it's not what you think, " he said, almost a whisper.
Sarkastiko akong tumawa at umiling. "Waks, okay lang. It's not a big deal. "
"Amy, binalik niya lang 'yung mga gamit na binigay ko dahil gusto niya ng closure. And once and for all para matapos na rin at magkalinawan na kami. 'Yun lang 'yon, " he explained calmly.
Matagal akong napatitig sa kaniya. Okay. That was his explanation. Pero bakit gano'n? Parang may nadagan pa rin sa puso ko? Parang ang bigat bigat pa rin ng nararamdaman ko. Parang hindi man lang gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Hindi ko alam pero parang pagod na ako. Pagod na ako sa cycle naming ganito.
He suddenly held my hand and looked at me softly. "Amy..."
I bit my lower lip while looking at our hands. "Okay..."
"Okay na tayo? "
"I guess? " tipid akong ngumiti.
The side of his lips rose up. "Okay. "
One thing, hindi ako masaya. Hindi ako masaya sa mga nangyayari. Parang may kulang? Ewan. Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko.
Pagkatapos naming mag-usap ay sabay kaming bumalik papunga kila Neil at Paul. Nakangiti nila kaming pinagmamasdan na makalapit sa kanila.
"Hay sa wakas, ayos na rin sila! Ka-arte niyo! " mataray na sabi ni Neil.
Umupo ako sa tabi niya at binigay ko lang siya ng tipid na ngiti.
"Oh magkape na lang tayo! "
Tahimik lang ako sa gilid habang nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. Parang gusto ko na umuwi. Mapag-isa. Mag-isip.
"Okay ka lang, teh? " may bahid ng pag-aalala sa boses ni Neil.
I glanced at him. "Hmm? Yeah, I'm okay, " I gave him a small smile.
He pursed his lips. "Tara na lang do'n sa hammock, teh. Picture tayo! " hindi na niya ako hinintay makasagot at hinila na ang palapulsuhan ko.
Tumayo si Paul. "Sama kami! "
Inirapan siya ni Neil at nagpatuloy lang sa paghila sa akin. "He! Manahimik kayo diyan! "
Nagtungo kami sa hammock at umupo siya roon. Tinapik niya ang tabi niya at sinenyas na maupo ako roon.
"Gago baka mabagsak tayo rito ha, " sabi ko na may bahid ng takot.
"OA mo! Magaan lang ako! " aniya at sinandal ang katawan sa kabilang dulo.
Binalot kami ng katahimikan habang parehas naming pinagmamasdan ang ambiance ng lugar. Rinig na rinig ang mga huni ng ibon dahil sa katahimikan ng lugar.
"Seyoso, Nica. Ayos ka lang ba? " he asked, looking so concerned.
Tumingin ako sa kaniya at agad nagbadya ang mga luha ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko, e. Kapag talaga sinusubukan akong i-comfort ng isang tao mas lalo akong naiiyak.
Dire-diretsong tumulo ang mga luha ko kaya tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawang kamay ko. Agad akong niyakap ni Neil at hinaplos ang aking buhok.
"Shhh, nandito ako. "
Patuloy lamang ang aking paghikbi habang nakasandal sa balikat ni Neil. Makalipas lang ang ilang sandali ay naubos na rin ang aking mga luha at kumalma na. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Neil at pinunasan ang mukhang basang basa ng luha. Tinulungan naman ako ni Neil na i-palis ang luha at inayos ang buhok ko.
"Neil... hindi ko na alam kung anong gagawin ko, " hirap na hirap kong sabi.
He bit his lower lip and caressed my shoulders. "What happened? "
Iniling ko ang ulo ko, hindi alam ang sasabihin.
"You can tell me, Nica, " he said sincerely.
Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob bago mag-salita. "Neil..."
"Hmm? "
"Uhm..." I bit my lower lip. "I saw Joaquin and Celine nung isang araw sa mall. "
"What? " hindi niya makapaniwalang sagot.
Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. "I mean... sabi niya, binalik lang naman daw ni Celine 'yung mga binigay niya at 'yung ibang gamit niya. Kaso..."
"Kaso ano? "
"Kaso bakit gano'n? Parang hindi na ako masaya? Hindi sa hindi ko siya pinaniniwalaan, pero parang... parang natatakot na akong maulit 'yung dati. Na baka mamaya asa ako ng asa, tapos siya, mapupunta na naman sa iba. "
He's just looking at me, obviously not knowing what to say. And I understand. Nasa iisa kaming barkada, and to even say things like this to him, is honestly weird.
"Nica, I've always known that you guys like each other. Pero ngayong grade 10 ko lang nahalata 'yon. Mula grade 7 magkakaibigan na tayo pero ngayon ko lang talaga na-realize 'yon. Honestly, the first time I noticed it was actually when Waks introduced Celine as his girlfriend. And then I saw you. I saw your reaction. I saw how your eyes changed. And I was so weirded out because at that time, your reaction obviously not happy. Pero ipinagsawalang bahala ko 'yon kasi nasa iisang barkada tayo so ang nasa isip ko no'n, imposible. Pero siyempre as time goes by, nahalata ko na talaga. Nica, alam mo bang you have this look at them na halatang hindi ka masaya para sa kanila? Don't get me wrong, ha? Pero 'yun 'yung observation ko. That look that screams, "ako dapat 'yon". Hindi ko alam kung nahalata 'yon nung ibang kaibigan natin pero ako, nahalata ko 'yon. And then ayon, I observed Joaquin. Dun ko lang din na-realize na gusto ka niya. Kaso nga lang... may Celine siya. Pero even nandiyan si Celine, sa totoo lang, lowkey nilalandi ka niya. I mean, the way he cares for you, the way he takes care of you. It was so damn obvious. But I never asked about it sa'yo kasi I was waiting for you to be ready. To be ready to admit it. Kaya when you asked me one time na may friend ka na nalilito sa feelings niya, I knew it was about you. It was about you and Waks. "
Okay, that was quite overwhelming. I can't fully digest everything he said. What he just revealed right now is too much to take in. Hindi ko alam kung matatawa ako o kung ano man sa mga sinabi niya, e. Lalo na 'yung sa part na 'yung tinging "ako dapat 'yon". On a serious note, I didn't know that he was observing us all this time. Hindi ko alam sa ibang mga kaibigan ko pero Neil has always been an observer. He always notice things right away.
"Wow. I didn't know you knew that I was talking about myself. Medyo nakakahiya na pala ngayon, " I chuckled.
He rolled his eyes. "Duh! Sa akin ka pa nahiya? Nica, ganito lang ako pero I will always be here for you, okay? " he sincerely said.
I gave him a small smile. "I know. Pero grabe, parang gumaan loob ko now that I said these things. "
"Ghurl, alam ko na you're a strong person. But sometimes it's okay to let it out. To be fragile and be vulnerable. To ask for help. Because there are people who are always willing to listen, and I'm one of them. 'Wag kang imortal, teh. Hindi natin kayang pasanin lahat. "
Tumango ako.
"Also, I just wanna say this, if you think you're still not ready and you're still figuring things out, that's okay. Don't force yourself. 'Wag mo na isipin 'yung sinabi ko noon na go for it keme keme. Kung saan ka magihing masaya at kung saan ka magiging okay, doon ako. "