"Anong oras ka punta sa school? " tanong ni Neil na ka-video call ko ngayon.
Start na kasi ng enroll-an kaya kailangan naming magpunta sa school para mag-enroll. Kailangan din naming bumili ng bagong uniform dahil iba na ang uniform para sa mga senior high school. Buti nga't exempted na kami sa entrance exam dahil dito kami nag-aral ng junior high school.
"Mga 9:00? Sabay na tayo! Sunduin mo ako, " nakanguso kong sabi.
Umirap siya. "Ay bakit? Maganda ka ba para sunduin ko? Kay Joaquin ka na lang magpasundo tutal along the way naman 'yang sa inyo. "
I stiffened at the mention of his name. Neil doesn't know all the things I'm going through right now since I never said anything to him. Saka na lang siguro kapag ready na ako. Besides, we're on the same circle of friends. That would be so awkward since ako lang naman ang nag-ilusyon.
"Huy, ghurl, natulala ka na diyan! " he snapped.
"Ahh, ano! Uhm... si Liz pala paano mag-enroll? Nasa LA pa siya 'di ba? " pag-iiba ko ng topic. Mahirap na, baka ipilit niya pang sumabay ako kay Joaquin. 'Di bale nang mag-commute, tutal palagi ko namang ginagawa 'yon nung may pasok pa.
Kumunot ang noo niya at tinitigan ako mabuti mula sa screen. "I-eenroll daw siya nung Tita niya, " matagal siya bago sumagot.
Napatango ako. "Ohh, okay. "
"Did something happen? " pinagsingkitan niya ako ng mata.
Bahagyang nanlaki ang mata ko ngunit agad din namang umayos dahil baka mahalata niya pa. "What do you mean? " pag-aalinlangan ko.
"Ghurl, you know you can tell me everything, " he sincerely said.
Napatitig ako sa kaniya sa screen. Ghurl, I know. Kaso sa akin ang may problema. Hindi ko alam kung paano.
I laughed to ease off the tension. "Ghurl, wala nga. Everything's fine. "
He sighed and shook his head. "Hayy, basta ghurl ha? If you need someone who will listen, nandito ako. Okay? " he said in a soft voice.
"I know, " I faked a smile.
Kinabukasan maaga akong gumayak para magpunga ng school. Cropped tee, mom jeans, at black sandals ang isinuot ko ngayong araw para komportable akong makagalaw. Isinukbit ko sa katawan ko ang sling bag at kinuha ang brown envelope na naglalaman ng mga dokumentong kailangan ko para mag-enroll bago bumaba.
Maagang umalis ngayon sila Mama at Papa para sa trabaho kaya hindi ko na sila naabutan pagbaba ko. Nang ma-ilock ko nz ang pinto ay nagtungo na ako sa paradahan ng tricycle at sumakay rito.
Mabilis lang kaming nakarating sa school kaya agad kong tinawagan si Neil para tanungin kung nasaan na siya.
"Nandito na ako sa loob, teh. Pasok ka na. Dito ako sa tapat ng library. "
"Okay, " sagot ko at pinatay na ang tawag.
Agad akong nagtungo papunta sa library. Konti lang ang mga estudyante na narito ngayon dahil senior high school lang naman ang may enrollment ngayon.
Lalapitan ko na sana si Neil ngunit bigla akong napahinto nang makita ko kung sino ang papalapit sa kaniya. Alam ko namang hindi ko siya maiiwasan at posible kaming magkita ngayong araw pero... hindi ko pala kaya. Kung noon nagagawa ko pang magpanggap na ayos lang ang lahat, ngayon hindi. Kung paulit ulit na ganito lang naman pala ang mangyayari ay sana inuntog niyo na lang ang ulo ko sa pader.
Nakatalikod na ako at akmang aalis na sana nang biglang may tumawag sa pangalan ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Damn, I am so doomed.
Dahan dahan kong nilingon ang ulo ko sa gawi nila. Sinenyasan ako ni Neil na lumapit at dahil wala na akong magagawa ay nagtungo na lang ako sa pwesto nila. Nakayuko akong lumapit sa kanila at hindi inaangat ang tingin dahil ramdam ko ang titig niya sa akin.
"Sa'n ka ba pupunta bakla ka? Tara na enroll na tayo! " bungad ni Neil pagkalapit ko at pinwersa akong maupo sa tabi niya.
Peke akong tumawa. "Si Paul nga pala nasaan? "
"Papunta na raw siya, e. Tara na sa finance para makapila na tayo. Pasingitin na lang natin siya mamaya, " pag-aaya ni Neil.
Sabay sabay kaming nagtungo papunta sa finance. Si Joaquin ay nasa likod lang namin at hindi kumikibo. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako pinapansin ngayon gayong nung isang araw lang ay nag-text pa siya. I mean, it's not that I'm complaining! Ito naman ang gusto ko at mas mabuti nga iyon para hindi na ako mahirapan para iwasan siya pero medyo nagtataka lang ako. Na-realize niya na ba na I'm straight-up ignoring him these past few days?
Hanggang sa nakarating na kami sa finance ay tahimik lang sa gilid si Joaquin at hindi nakikisali sa usapan namin ni Neil. Hindi ko alam kung nahahalata ba ni Neil na hindi kami nagpapansinan pero sana lang ay hindi na dahil paniguradong pupunahin niya iyon sa harap namin.
Maya maya lang ay dumating na si Paul at naabutan niya pa kami sa pila.
"Nica! Kumusta? Na-miss kita! " bungad sa akin ni Paul at niyakap ako ng mahigpit.
"Maganda pa rin, siyempre! " pagbibiro kong sagot.
"Luh, kairita! " sabat naman ni Neil na inirapan ko na lang.
"Matagal ba process? " tanong ni Paul na tinutukoy ang enrollment.
"Parang hindi naman. Mga 10 minutes lang tapos na, " sagot ko naman at napatango siya.
"E saan tayo after ni'to? " biglang tanong ni Neil.
Hindi ako kumibo. Duh! May plano pang gumala after, e 'yung dalawa niyo ngang kasama hindi nagpapansinan! Sana okay lang kayo mga beh!
"Hala oo nga! Tara na lang sa skyline park! Tamang chillings lang saka iced coffee, ganda pa ng view! " masiglang sabi ni Paul.
"Huy, oo nga! Tas hintayin natin sunset doon! " sagot naman ni Neil.
"Ano, tara? May dala ka bang sasakyan ngayon, Waks? " tanong ni Paul kay Joaquin.
Sumulyap ako sa kaniya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya agad kong iniwas ang mga mata ko sa kaniya.
"Oo dala ko, " tipid na sagot niya.
"Ayon! "
Shet. Hindi pwede. There's no way in hell na maipit na naman ako sa awkward situation na 'to. Hindi pa ako ready na makasama siya after all the happenings. It's like I've killed myself twice if ever I'm gonna pretend again that everything's okay. This is just too much for me.
"Ay, h-hindi ako pwede, e. M-may pinapagawa sa akin si Mama. Kayo na lang, " pagsisinungaling ko.
"Hala totoo ba? Sayang naman! " Neil pouted.
Tumango ako. "Oo, e. "
Sarkastikong tumawa si Joaquin kaya lumingon ako sa kaniya nang kunot ang noo. Nababaliw na ba siya at tumatawa na lang siya bigla?
"Oh bakit? " nagtatakang tanong ni Neil sa kaniya.
Umiling siya habang nakangisi. "Wala naman. "
Lumingon siya sa akin nang nakangisi. Okay, what the hell is with him?
"Bakla, sige na sumama ka na. Pagtutulungan lang ako nang dalawang 'to, " pagmamakaawa ni Neil.
"Anong pagtutulungan? Ang bait bait ko kaya! " pag-depensa ni Paul sa sarili niya.
I bit my lower lip, feeling bad. "Ghurl, sorry talaga..."
"Ano bang pinapagawa sa'yo ng Mama mo, Amy? " Joaquin suddenly asked. My eyes widened at the name he called me.
"Anong Amy? " nalilitong tanong ni Paul.
Bigla akong nainis sa ginawa niya. The heck? Ano bang problema niya? Kung mayroon mang dapat umakto ng ganito sa aming dalawa, ako dapat 'yon! Pero ngayon parang ang lumalabas na may ginawa akong mali? Hindi ko na talaga siya maintindihan!
"Sasama na ako, " wala kong reaksyon sabi para matapos na lang at hindi na sila magtanong pa.
"Next! " sigaw nang nasa finance kaya tinalikuran ko na sila at dire-diretsong nagtungo sa counter.
Mag-aalas-tres na ng makarating kami sa Skyline Park. Nag-lunch muna kami bago bago dumiretso rito para busog kami pag-akyat namin. Magmula naman nang napikon ako kay Joaquin ay hanggang ngayon hindi pa rin ako kumikibo. Mula sa pagkain namin ng lunch hanggang sa drive papunta rito ay hindi talaga ako nagsasalita. Tinanong pa ako ni Neil kung okay lang ako ngunit isang simpleng tango lamang ang ibinigay ko sa kaniya.
"Finally! A breath of fresh air! " sigaw ni Paul habang nakapikit at dinarama ang simoy ng hangin.
Napangiti ako sa kaniya at napatingin din sa view. Ang ganda nga. Kitang kita mula sa pwesto namin ang buong lungsod ng San Miguel at mga bundok na nakapalibot sa Sky Line park. Dagdagan mo pa pagdampi ng sariwang simoy ng hangin sa aming balat. Buti na lang pala sumama ako. Sobrang satisfying sa mata ng view.
"May C.R. ba rito? " tanong ko nang makaramdam ng bigat sa pantog ko dahil sa iniinom na kape.
"Ayon ata, " tinuro ni Neil ang isang maliit na parang kwarto. Agad akong tumayo at nagtungo roon.
May nakalagay na kailanhan mag-bayad ng 5 pesos kaya kumuha ako sa wallet ko ng 5 peso coin at hinulog sa parang alkansya sa harap ng cr. Pagkapasok ko rito ay nagmamadali kong hinubad ang pants ko dahil konti na lang talaga ay lalabas na ang tubig sa pantog ko. Problema ko talaga lagi 'to, e. Ihi ako ng ihi. Matanda ka teh?
Pagkatapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay sa lababo at inisprayan ito ng alcohol. In fairness, malinis ang cr nila. Ngayon ko lang na-appreciate dahil hindi ko na napansin pagkapasok ko sa sobrang pagka-jingle ko.
Pagbukas ko ng pinto ay napapitlag ako sa gulat nang biglang may sumalubong sa akin.
"The heck! " gulat na gulat kong sabi kay Joaquin.
"Can we talk? " he said in a low baritone voice.