6. The Secret Notebook (Part 1)

2781 Words
Sofia “OMG! Is that him that you talked about?” “Oo. Siya nga. Si Jon.” “OMG! He’s cute and handsome. Hindi ko talaga alam kung bakit mahilig ka sa mga tall, dark, handsome men, Angela. Actually, you have a taste.” Habang kasalukuyang nasa coffee shop ako na pinagtatrabahuan ni Jon ay hindi ko sinasadya na mapalingon sa karatig na table na hindi gaanong malayo sa akin. Habang kausap ko si mommy sa Messenger tungkol sa pagdating ng kapatid kong lalaki na si CJ bukas ay hindi ko maiwasan na pakinggan ang usapan ng apat na babaeng customer sa katabing lamesa. Pagtingin ko ay nakita ko si Angela, ang babaeng gusto ni Jon at saka classmate ko sa Literature subject. Nang marinig ko ang pangalan ni Jon sa pag-uusap nila ay napatigil ako sa pagtitipa sa cell phone. Bigla akong nagtaka kung bakit nila nabanggit ang pangalan ng kaibigan at kababata ko. “So may gusto ka sa guy na iyan, Angela?” narinig kong tanong no’ng isang babae na kaharap ni Angela. Nakasalamin ito. Nakita ko na napatango ng ulo si Angela bilang sagot. Ikinamilog ko ng mata iyon at saka ko ibinaling ang tingin sa cell phone. Sh*t! May gusto si Angela kay Jon? “Actually matagal na. Noong freshmen orientation pa. Friends nga kami sa f*******: niyan, eh. Gusto ko siyang i-chat pero ayokong mag-first move,” ani Angela habang nakikinig pa rin ako sa kanilang pinag-uusapan. “So do you think si Pogi ay may gusto rin sa iyo?” narinig kong tanong no’ng isang babae na katabi ni Angela. Kulot ang itim nitong buhok. Tinitingnan nila si Jon sa malayo habang nagliligpit ito ng mga platito at cup sa bakanteng lames. Pa-simpleng nagtitipa naman ako roon pero tutok na tutok ang tenga ko sa pakikinig nila. “Bulag ka ba, Andrea, o hindi mo lang talaga napansin kanina kung paano natameme ‘yong guy sa kanya do’n sa counter,” pamimilosopo naman no’ng isang babae na katabi ng babaeng may suot na salamin. “Yeah! I saw that ayyieeh! Feeling ko talaga may gusto rin sa iyo si Pogi, Angie!” kinikilig pang hirit no’ng kulot na babae na ang pangalan ay Andrea. “I hope so,” sagot naman ni Angela habang nakangiti ito. ‘Yong ngiti niya ay may halong kilig. Sa pagkakataong ito ay na-confirm ko na mukhang mutual feelings pa ang mokong at ang bruha, and at some point parang ang sakit-sakit lang sa part ko na malaman iyon. At ako pa talaga ang naka-discover, ah! Buwiset! Napabuntong-hininga ako. Pagkatapos, bigla ko na lang naalala na may promise pala ako kay Jon na tutulungan ko siya na mapalapit kay Angela. Puwede ‘wag na lang? Puwede mag-back out? “Ano na ang plano, girls?” sabi no’ng isang kasamahan nilang babae na katabi ng nakasalamin na babae. “Ano’ng plano ang pinagsasabi mo riyan?” natatawang sabi no’ng kulot na babae na Andrea pala ang pangalan. “Should we take his number for Angela?” sagot naman no’ng unang nagsalitang babae. “Loka-loka! Tayo talaga ang kukuha ng cell phone number ni Pogi? Sure ka ba sa iniisip mo? Hindi ba pwedeng si Angela na lang?” sagot naman ni Andrea. Patuloy pa rin akong nakikinig sa kanilang usapan habang nakatitig sa cell phone ko. Naroon pa rin ‘yong message na tinipa ko kanina at hindi pa iyon tapos dahil naiintriga ako sa pakikinig sa kanila. “Ayoko! Nakakahiya, ano ba kayo?” narinig kong sabi ni Angela. At doon na nga sila nagsimulang magtulakan. Dahil mukhang naisip ko na pinaglalaruan ako ng tadhana at mukhang binibigyan na ako ng chance na makausap si Angela para tulungan si Jon na mapalapit sa kanya; ewan ko na lang sa sarili kung bakit bigla akong nagsalita sa kanila, especially roon kay Angela. Nagtataka naman silang apat na tumingin sa akin, na para bang sinasabi nila sa kanilang isip na “Sino ka? Ba’t ka nakikisali, eh, hindi ka naman kasali rito!” “Angela, right?” tanong ko kay Angela kahit na kilala ko naman talaga siya. ‘Yon nga lang, hindi niya ako kilala which kind a good thing for me. “Y-Yes,” she said. “Why?” “’Di ba, classmate tayo sa Literature?” “Maybe. I don’t know,” natatawa na nahihiya niyang sagot sa akin. “We’re classmate from Ma’am Belarmino’s Literature class, do you remember?” “Oh, yeah. I remember. Bakit?” nagtataka pa rin niyang tanong sa akin. “And in fact, we’re group mates. Can I ask if may plano na kayo for the culmination?” pagdadahilan kong tanong para maging mahaba pa ‘yong usapan namin. Chumi-tiyempo pa ako kung paano ko makukuha ang cell phone number niya para maibigay ito kay Jon. Ito kasi ‘yong naisip ko as of now para maging madali na mapalapit si Jon sa babaeng ‘to. Yes, BABAENG ‘TO! Ini-emphasize ko talaga kasi balakid siya sa buhay namin ni Jon! Nakita ko kung paano siya umirap. “Urgh! Gurl, ang tagal pa ng culmination natin. Next month pa iyon.” “Exactly. Malapit na rin iyon,” sabi ko sa kanya. Gusto kong magsungit sa kanya pero ‘di ko magawa kasi ayoko ng may kaaway na tao. Para makausap ko siya nang maayos ay hinila ko ang upuan ko papalapit sa kanya. Pumunit ako ng maliit na papel sa notebook ko at ibinigay ito sa kanya together with a ball pen. “Can I get your number? Para naman updated ako if may plano na kayo for the culmination next month. Ayoko kasing ma-behind lalo na’t floating schedule ako sa Literature at puro kayo mga HRTM doon.” Napansin ko kung paano tumingin ang mga mata ni Angela sa tatlong babaeng kasama niya at parang jina-judge nila ako dahil sa pagiging usisera ko. The hell I care! Mayamaya, ibinaling na ni Angela ang tingin niya sa akin and suddenly, nakita ko na biglang kumunot ang noo niya na parang kinikilala niya ako. “Wait a minute, I know you,” finally, she said. “Ako?” pagmamaang-maangan ko. Tinatanong ko rin sa sarili ko kung bakit kilala niya ako? “Yes, you. ‘Di ba ikaw ‘yong babae na palaging kasama ni Jon? Yeah, it’s you.” Magsasalita na sana ako pero hindi iyon natuloy dahil nagsalita ‘yong isang babae na katabi niya na Andrea ang pangalan. “Oopps, I think girlfriend siya ni Pogi at narinig niya tayo.” Nakita ko kung paano biglang kinabahan si Angela nang sabihin iyon ng kaibigan niya. “S-Sorry if you heard us talking to your boyfriend. Hindi namin sinasadya,” sabi pa ni Angela sa akin. Sa isip ko, sana nga boyfriend ko si Jon at isa akong malditang girlfriend niya na nagagalit dahil pinag-uusapan niyo sila. Pero ‘di ko naman kayang gawin iyon kasi ‘di ako girlfriend ni Jon. Nakakalungkot talaga! “Girlfriend?” I asked. “Hindi ko siya boyfriend. Actually kababata ko siya, and yes, I heard you and your friends na pinag-uusapan niyo ang kababata ko. Sorry if I eavesdropped.” “No! It’s okay. Dapat nga kami ang mag-sorry sa iyo, eh,” sabi ni Angela. Napansin ko lang. Kanina, ang kanyang mala-judgmental na tingin niya sa akin ay napalitan ng pagmamakaawa. “Ganito na lang, ibibigay ko sa iyo ang cell phone number ko in one condition,” hirit niya. Bakit may pa-ganyan!? “What is it?” “Don’t tell him kung ano ‘yong narinig mo sa amin. Ayokong malaman niya dahil nakakahiya,” she said. Matagal naman akong nagsalita. Ini-examine ko lang siya. Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko, at kung sasabihin ko ba talaga sa babaeng ito na tama ang hinala ng mga kaibigan niya na may gusto rin si Jon sa kanya. Pero heto ako, ang bobo kong magdecide! “You don’t have to sorry. In fact, humihingi ako ng number mo para ibigay ko sa kababata ko. For all I know, he also fancy you. Matagal na. I am helping him na mapalapit siya sa iyo,” I said. My God! I’m so stupid! Nagkatinginan pa silang apat at mukhang gulat na gulat sila sa sinabi ko. Hindi rin sila makapaniwala. “Is this true or it is just a trick?” tanong sa akin ni Angela nang muli siyang tumingin sa akin. Umiling naman ako sa kanya. At some point, gusto kong bawiin ‘yong sinabi ko. Pero hindi na puwede. Nasabi ko na, eh. “Nope. Totoo ‘to. I could help you get into him kung iyan ang gusto mo,” I said while grinning. Kahit na hindi siya sure sa gagawin niya ay nagawa niyang isulat ang cell phone number niya sa papel na binigay ko sa kanya. Pagkatapos ay inabot na niya ito sa akin. “He’ll text you first. I’m sure he will,” nakangiti ko pang sabi sa kanya bago ko kinuha ang papel na iyon at saka bumalik sa puwesto ko kasama ang upuan ko. “And I’ll contact you for an update sa culmination soon. Thank you for the number,” dagdag ko pa sa kanya bago ako tumayo at umalis upang pumunta sa CR ng coffee shop. Pagkapasok ko sa CR, doon ako nakahinga nang maluwag. Doon ko lang naramdaman ‘yong nginig na gusto ko ng ilabas pa kanina dahil sa nararamdamang kaba. At doon ko rin talaga na-realize na ang tanga-tanga ko kasi bakit ko nagawa iyon. Napatingin ako sa papel na hawak ko. Nandoon ‘yong cell phone number ni Angela. Kapag ibinigay ko ito kay Jon mamaya, I’m sure magkakaroon na sila ng closure ng babaeng iyon, which I don’t want to. Pero bakit, Sofia? Bakit mo hinayaan ang sarili mo na magpaka-martir para lang sa ikakasaya ng kababata mong matagal mo ng minamahal? Bakit!? Ayan, ikaw tuloy ang nasasaktan ngayon. Pagkalabas ko ng CR ay nakita ko na wala na si Angela kasama ang tatlo niyang alipores. Mukhang umalis na ang mga bruha. Bumalik na lang muna ako sa puwesto ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Binale-wala ko na lang ‘yong mga nangyari kanina. Saka kausap ko pa pala si Mommy. Sabi niya kasi sa akin uuwi na raw si CJ na sobrang ikinagulat ko kanina. It’s been 12 years since I didn’t meet him in person. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakapagbakasyon sa Australia, which is doon nakatira si Tita Elena, ang asawa niyang Australyano, at ang kapatid ko. Excited na ako na makita si CJ, pero may bahid na kaba rin kasi baka hindi niya ako makilala. Bata pa lang kasi siya no’ng nahiwalay siya sa amin. I am hoping na makilala niya kaagad ako. Hindi ko naman namamalayan na lumalalim na pala ang gabi. Pagtingin ko ay malapit ng mag-10. Mago-off na si Jon at kailangan ko ng ligpitin itong mga gamit ko at sa labas ko na lang siya hihintayin. Mga 9:40 pm nang lumabas ako ng coffee shop. Sakbit-sakbit ko sa balikat ang tote bag na nagsisilbing bag ko kapag pumapasok ako sa school. Hindi pa ako nagtatagal sa labas nang may tumawag sa akin. Nang lumingon ako ay nakita ko si Yvonne, dala-dala na rin niya ang bag niya at kaka-out niya lang sa trabaho. “Sis!” “Sis!” tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at nagbeso-beso kaming dalawa. Bukod kay Jon ay matalik na kaibigan ko rin si Yvonne. Katulad ko rin ay BS Biology rin ang kinukuha niya pero hindi kami magka-major. Kahit na ganun ay close pa rin kami sa isa’t isa. “Ipapaalala ko nga pala sa iyo na hihingi ako ng data no’ng experiment na kinandak natin no’ng Monday. Gagawa ako ng lab reports,” sabi niya sa akin. “Sure. I’ll send you through email.” “Thanks. Er, by the way… I saw you.” Nagtataka naman ako sa sinabi niya sa akin. “Ha?” “Dito sa coffee shop. Nakita kong kausap mo si Angela. Bakit? Ano ang pinag-usapan niyo?” Er… did I tell you na ba na bukod sa akin ay si Yvonne lang na kaibigan ko ang may alam na may gusto ako kay Jon? Yes, siya lang. At kanina, no’ng lab class namin sa Animal Physiology, doon ko nai-kuwento sa kanya na may gusto si Jon kay Angela, which is kilala rin niya ang babaeng iyon kasi naging magka-klase sila noong 2nd year sa Philosophy subject. Actually, may chinika rin siya sa akin na ayaw raw niya sa attitude ng babaeng iyon kasi masungit ito sa pagkakakilala niya. Kuwento niya lang sa akin kanina. Hindi ko alam kung sinisiraan ba niya si Angela sa harapan ko o sadyang totoo lang ‘yong sinasabi niya? I don’t know. “I got her number,” I said. Napangiwi pa ako na para bang ayokong pag-usapan si Angela sa ngayon. “Tapos?” she asked. Tinitingnan niya ako na parang naghahanap pa siya ng kasagutan sa tanong niya. “Para ma-contact ko siya. May culmination kasi kami sa Literature next month para sa final exam. At groupmate ko siya.” “Oh tapos? ‘Yon lang ba ang dahilan?” she asked again. Nananatiling nagtatanong ang kanyang mga mata. Alam ko na ang gusto niyang marinig sa akin. Kanina rin kasi ay nasabi ko kay Yvonne na tutulungan ko si Jon na mapalapit sa Angela na iyon. Ito ang sobrang tinutulan ni Yvonne sa akin. Akala raw niya matalino ako. Bakit ko raw tutulungan si Jon na mapalapit sa babaeng ‘yon kung sa gayon ay may gusto ako sa kababata ko? I replied, “Eh sa mahal ko si Jon. Gusto ko rin siyang sumaya.” Tapos nagulat ako nang sabihin niya na, “Ang bobo mo, Sis! Para sa ikakasaya ni Jon, magpapaka-martir ka? Kaya mo yon?” “Okay, alright, forgive me. Ibibigay ko rin kay Jon ‘yong number ni Angela para magkaroon na sila ng closure. As far as I know, narinig ko silang apat. And you will never believe me what I heard.” “Ano iyon?” tanong niya. This time, napaka-seryoso na ng mukha niyang nakatingin sa akin. Tutol pa rin talaga siya sa gagawin ko. “I discovered that Angela was also into him,” pag-amin ko at expected ko na magugulat si Yvonne. “What!?” “Yes, you heard it right,” naiinis kong tugon sa kanya. “Ang nakakainis lang ay nasasaktan ako. Pero sumugod pa rin ako para makuha ang number niya, at para maibigay ko ito kay Jon. ‘Yon ang sabi ko kay Angela kanina.” “So Angela knew it already? Na may gusto rin si Jon sa kanya?” naba-badtrip na tanong ni Yvonne sa akin at saka ako tumango. “My God! Hindi ko talaga keri itong pagiging martir mo, sis! Ako ‘yong naloloka sa iyo. Kung ako ang nasa kalagayan mo ngayon, hindi ko tutulungan si Jon. Kung mahal ko ang tao, bakit ko tutulungan na mapalapit siya sa ibang tao? In the end, kapag ginawa ko iyon, ako pa ang masasaktan lalo.” Napabuntong-hininga ako dahil sa inis. “So what would I do? Hindi ko na lang ‘to ibibigay kay Jon?” tanong ko kay Yvonne na ang tinutukoy ko ay ‘yong maliit na papel na may nakasulat na number ni Angela. “’Wag! Iyan ang advised ko sa iyo as a friend. Pero nasa sa iyo iyan, sis! Sana naman ipaglaban mo ang pagmamahal mo kay Jon. ‘Wag kang gumawa ng paraan para malayo siya sa iyo.” “But I want to see him happy,” nasabi ko na lang. “At kapag sinabi ko naman na may gusto ako sa kanya, will he be happy to me? Eh as far as I know, kaibigan lang ang turing niya sa akin. Hindi lang kaibigan kundi kapatid na.” Nakita ko na umirap si Yvonne sa sinabi ko and she said, “Martir ang p*ta!” in a whisper way. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay saktong bumukas ang glass door ng coffee shop at inuluwa niyon si Jon na handa nang umuwi. Sabay pa kaming napatingin ni Yvonne sa kanya. “Speaking of him, nandiyan na siya. Mauna na ako sa iyo, sis. Magpaka-martir ka riyan hanggang sa gusto mo.” Nagbeso-beso muna siya sa akin bago siya walang tingin na umalis sa kinatatayuan ko. And then, ayun na nga, pinili ko ang maging martir ulit para sa ikakasaya ni Jon. Binigay ko sa kanya ang number ni Angela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD