1. The Guy in a Dream
Sofia Alexander E. Valdez
Friday, October. 2018
I dream again. This time hindi na ito ang unang beses na nanaginip ako ng maganda. In that dream, I saw myself wearing a dazzling beautiful long white wedding gown. Nakatakip din ang buong mukha ko ng puting belo, hawak-hawak ang isang pumpon ng puting rosas sa dalawa kong kamay.
Nakatayo ako sa isang malaki at matandang simbahan. Naghihintay na bumukas ang magarang pinto na gawa sa matibay na kahoy. Ramdam ko ang kasiyahan sa aking mukha. ‘Yong kaba at kasiyahan ko ay naghahalo sa kalagitnaan ng aking katawan. This is the moment that I am waiting for!
Ikakasal na ako.
Suddenly, the two-door of the church opened. Kasabay niyon ang pagtugtog ng slow music na naririnig kong nanggagaling sa loob. Pagkatapos ay sumabay ako sa tugtog na iyon sa aking paglalakad papasok ng simbahan.
It was a long walk for me actually. Pero kahit napakahaba ng lalakarin ko papunta sa altar, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid ng simbahan.
Walang tao.
Hindi ko rin makita kung sino ang nagpapatugtong ng mga instrumentong malayang tumutugtog.
Pero isang tao lang ang nakita ko roon—the guy who was standing in the altar facing his back to me. He was wearing a white wedding suit. All white kasama ang kanyang tic-tac na sapatos. Kung hindi ako nagkakamali, ang lalaking ito ang papakasalan ko sa araw na iyon.
Nang malapit na ako sa kanya, he suddenly turn round to face me. I saw his face, his handsome face that I always cherished every time I looked at him. Nakangiti siya sa akin, literal na sobrang saya niya habang nakatingin siya sa akin. Suddenly his image slowly gone like a bubble; when I slowly opened my eyes while smiling in a deep sleep, saktong may nakita kaagad akong mukha ng lalaking nakangiti sa akin.
Malapit siya sa mukha ko. His face was the same on the guy on my dream. Nang muli kong ipinikit ang aking mata, umaasa na mababalikan ang masarap na panaginip kanina, muli kong iminulat iyon para tingnan ko sino ‘yong nakita kong lalaki.
It was Jon, my childhood friend.
“Good morning,” he said in a sweet and soft voice. Nakangiti siya sa akin habang pinagmamasdan niya akong nakahiga sa aking kama. Namilog ang aking mga mata nang malaman na nasa loob siya ng aking kuwarto, and realize that I was wearing only a white spaghetti strap shirt na tinernuhan ng maikling itim na cotton short.
Mabilis akong napabangon sa kama habang gulat na gulat na nakatingin kay Jon. He was still smiling at me na para bang okay lang sa kanya na pumasok siya rito sa kuwarto ko na walang paalam.
“Jon! What are you doing here?” sigaw ko sa kanya. Mabilis kong tinakpan ang dibdib ko ng makapal na kumot, na pinagsasalamatan ko naman dahil tinatakluban iyon ang buong katawan ko. Dahil kung hindi, makikita pa ng mokong na ito ang suot ko.
“Sinusundo ka,” sagot niya, nakangiti pa rin siya sa akin. Kasalukuyang nakatayo na siya roon.
“What? Ano’ng oras na ba?” Mabilis kong nilingap ang mata ko sa bedside drawer upang tingnan ang digital clock. Napamura ako nang makita ang oras. It’s damn 7:28 AM! At bigla kong naalala na 8:00 AM ang simula ng klase ko today.
“s**t! Bakit ‘di mo ko ginising agad!?” paninisi ko pa sa kanya habang dali-dali akong umalis sa higaan ko. Hindi ko na inisip pa kung makikita ni Jon ang suot ko ngayon. Ang importante ay makaligo kaagad ako para hindi ako ma-late sa aking morning class.
“Ha! Ako pa talaga ang may kasalanan ngayon, ah?” natatawang hirit naman niya sa akin habang nasa loob na ako ng banyo, doon mismo sa loob ng aking kuwarto.
“Kung ginising mo ko kaagad at hindi mo na ako tinitingnan pa habang natutulog, eh ‘di sana hindi ako nagising ng late!” pabalik na sigaw ko sa kanya. Magsisipilyo na ako.
Narinig kong natawa siya roon sa labas. “Hindi naman yata tama na gisingin kita kaagad,” he said. May halong pagbibiro sa boses niya. Hindi ko kaagad naintindihan ang ibig niyang sabihin. Mabuti na lang at nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Actually, ang cute-cute mo kayang matulog. Ang sarap mong tingnan. Para kang baby,” dagdag pa niya na siyang ikinapula ng dalawa kong pisngi. Kitang-kita ko tuloy sa salamin ang pagkahinog ng pisngi ko.
“Sira ka talaga! Lumabas ka nga muna at maliligo pa ako. Ang kulit mo rin! Sabi kong ‘wag kang papasok sa kuwarto ko!” panenermon ko pa sa kanya. Patuloy akong nagto-toothbrush sa loob ng CR.
“Eh paano kita gigisingin kung hindi ako papasok sa kuwarto mo?” pamimilosopo pa niya sa akin. Dahil nakabukas naman ang pinto ng banyo, nagawa kong tingnan siya ng masama. Ngumiti lang siya sa akin na parang pinagsisisihan na niya ang sinabi niyang iyon. “Joke lang! Eto naman, ‘di mabiro.”
“Doon ka nga muna kasi sa baba!” utos ko sa kanya habang pinagpapatuloy ko ang pagsisipilyo ko.
“Oo na. Sige. Bilisan mo riyan, ah. Nasa baba lang ako at kumakain.” Pagkatapos niyon ay nakangisi siyang lumabas ng aking kuwarto.
Napailing ako sa harap ng salamin matapos siyang umalis. But deep inside, I was happy; like I was floating in the air. Dahil sa totoo lang, ‘yong lalaking iyon… ‘yong mokong na lalaking iyon… ang dahilan kung bakit masaya ako, lalo na ang puso ko.
His name is Jon Vie B. Santos, that his full name. Ang weird ng name niya dahil may ‘Vie’ na nakahiwalay sa ‘Jon’ niya. Kuwento niya sa akin, ‘yong ‘Vie’ raw na iyon ay first three letters daw iyon ng pangalan ng tatay niyang sumakabilang buhay. While his name ‘Jon’ had gotten to his grandfather na side naman ng kanyang ina na si Nanay Lorena. And you will never believe what his grandfather name is. It’s Jonisio Bayocboc.
Mapapaisip ka kaagad. ‘Di ba ‘Dionisio’ iyon? Bakit ‘Jonisio’?
Hindi ko rin alam. Siguro very creative lang talaga ang pamilya ni Jon pagdating sa paggawa ng pangalan.
But I am not here to tell you about his genealogy. Instead, I am here to tell you about him literally.
The same with the stories na nababasa ko sa w*****d o napapanuod natin sa TV, I actually fancy him a lot. And I was started liking him when we were in high school together. Mga bata pa lang kasi kaming dalawa ay magkaibigan na kaming dalawa ni Jon. Naalala ko pa nga na may sumpaan kaming dalawa noon na hindi kami mag-iiwanan hanggang sa walang hanggan.
It sounds cheesy, right? But it was true. It happened way back in 2005 and it was thirteen years ago na pala. Kahit matagal ng nangyari iyon, parang fresh na fresh pa rin iyon sa utak ko.
I remember that I was seven years old that time and he was one year older from me. We are both in the elementary days and I always saw him alone in the Science Garden. Sa katunayan nga ay lagi talaga siyang nag-iisa sa school kahit na magka-klase kaming dalawa. We were both in Grade 1 at that time.
Sa totoo lang, Jon was a victim of bullying in school. Nabu-bully siya dati dahil sa estado ng buhay na meron siya. Dahil mangingisda ang Tatay Vientoso niya—that was his father’s name. Si Tatay Vientoso Santos. Habang ang kanyang ina naman na si Nanay Lorena ay isang mananahi ng basahan.
Hindi sa pagmamayabang, I was born with a golden spoon in my mouth. Isang pulis ang ama ko noon at nagsisimulang abogada naman ang ina ko. Kadalasan sa mga kaklase ko noong Grade 1 ay katulad ko ring may nasasabi sa lipunan.
Si Jon? Masasabi kong hindi siya katulad ko… unfortunately.
Dahil laging binu-bully si Jon ay nakikita ko siyang mag-isa. Iniiwasan niya palagi ‘yong mga nangbu-bully sa kanya kaya lagi siyang mag-isa sa Science Garden tuwing recess or lunch time.
At dahil naaawa ako sa kanya (dahil ako lang ang nagpapakita ng awa sa kanya noon), I was decided to accompany him.
And here’s what happened thirteen years ago. . .