4. Brew Haven

2780 Words
Jon Vie B. Santos “Good evening! Welcome to Brew Haven. May I take your order?” “Er… yes, Kuya. Can I have two Caramel Macchiato and two slice of Caramel Swirl, please?” sabi no’ng babaeng customer sa akin habang nakatingin siya sa menu na nasa taas. “Dine in or Take Out, Ma’am?” tanong ko sa kanya habang china-charge ko sa touchscreen na computer ‘yong order niya. “Dine in, please.” “So your order will be 2 Caramel Macchiato and 2 slice of Caramel Swirl. Is there anything that you want to add?” pag-uulit ko sa customer para wala akong makalimutan. Nang umiling siya ay pinanch-in ko na ‘yong order niya roon sa computer at lumabas kaagad kung magkano ang presyo na babayaran niya. “It’s 300 pesos in total, Ma’am. What kind of payment do you want?” “Cash.” Pagkatapos ay inabot niya sa akin ang limang daang piso. “I received 500 pesos, Ma’am. There’s a change of 200 pesos.” Kumuha ako ng sukli roon sa cash drawer at binigay sa customer. Kumuha na rin ako ng priority number para sa order niya. “Kindly wait your order na lang po, Ma’am, and it will serve with you right away.” Ngumiti at tumango lang ng ulo sa akin ‘yong babaeng customer at sabay na kinikilig ‘yong dalawa nang umalis sa counter. Hindi ko alam kung bakit sila ganun pero binale-wala ko na lang kasi nasanay na ako sa mga babaeng pumupunta rito sa pinagtatrabahuan kong coffee shop na laging kinikilig kapag kaharap ako o sa iba pang kasamahan kong mga lalaking barista. Inasikaso ko na kaagad ‘yong order no’ng customer. Dahil Caramel Macchiato ang order nila, madali lang timplahin ito. Naghanda ako ng espresso at inilagay sa dalawang cup since dalawa ang in-order nila. Sa isang pitsel, nag-steam ako ng gatas hanggang sa ito’y lumapot. Dahan-dahan kong nilagay iyon sa taas ng espresso habang hawak-hawak ko ‘yong maliit na kutsara doon mismo sa pinaka-edge ng cup para makagawa ako ng layer effect. At sa final touch, naglagay ako ng caramel syrup sa ibabaw niyon pangdagdag sweetness sa kape. Dahan-dahan din akong kumuha ng slice ng Caramel Swirl doon sa may estanteng gawa sa salamin, at inilagay sa tag-iisang platitong babasagin. Mabilis kong inilagay ang dalawang kape at cake sa tray at dali-dali kong i-sinerve ito sa dalawang babaeng customer na nakaharap ko kanina. As usual, nakangiti pa rin sila no’ng i-sinerve ko ang order nila. Pagkatapos ay inilapag ko sa kanilang lamesa ang wifi password na nakasulat sa isang maliit na papel. Bago ako umalis ay tinanong ko pa sila kung meron pa ba silang kailangan. Umiling naman silang dalawa. “Enjoy your coffee, Ma’am,” sabi ko at saka ako nag-bow ako sa kanila at umalis dala-dala ‘yong tray. Muli akong bumalik sa counter at nakita ko na hindi pa bakante roon kaya naisip ko na ligpitin muna ‘yong mga lamesa na may kalat pa. Kaagad kong nakita si Sofia sa isang gilid, doon sa may table na nasa sulok malapit sa glass panel. Mag-isa siya roon na umiinom ng kape at kumakain ng cake habang nag-aaral. Nakabalandra sa lamesa ang notebook at maliit niyang laptop. Nang tumingin siya sa akin ay nag-thumbs up ako sa kanya para itanong kung okay lang ba siya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango ng ulo bilang sagot na ‘oo’. Every night, ganito ang trabaho ko pagkatapos ng klase ko sa hapon. Isa akong barista sa Brew Haven – isang coffee shop na malapit lang din sa university na pinapasukan namin ni Sofia. At kung malapit ito sa university, hindi na ako magtataka kung kadalasan na nandito ay mga estudyante. Kadalasan sa kanila ay mga nursing students, HRTM students, o kaya mga engineering students na gustong mag-aral o kaya ‘yong iba ay tumatambay lang para maki-connect sa wifi. Dalawang palapag ang coffee shop na ito. May mga vacant table rin sa labas na nakapayong naman. Sa loob ay maginaw dahil naka-fully air conditioned. Cozy at rustic ang ambience ng coffee shop na ito na pinalilibutan ng kulay brown, orange, at deep red. May mga soft lights din at kumportable ang mga upuan na gawa sa kahoy para mas comfortable pa tingnan. May mga bookshelves din doon na pwede magbasa ng libro ang mga customer habang nakatambay. Pero kailangan nilang ibalik ang libro kung aalis na sila. Kung hindi naman, pwede nilang rentahan ang libro at may dalawang linggo sila bago ibalik iyon. May mga artworks din na nakasabit sa dingding at mga halaman na pwede gawing design sa loob para mas homely at comfortable ang vibes ng coffee shop. Bale magwa-one year na rin pala akong nagta-trabaho rito as a part time barista. Tuwing 6:00 pm ang start ng duty ko hanggang 10:00 pm. 4 hours in total since part time lang talaga. Kung full time, kailangan kong kumpletuhin ang 8 hours duty. Kung ang ibang coffee shop ay bukas 24 hours, sa Brew Haven naman ay hindi. Siguro dahil katabi talaga siya ng university at mga estudyante lang talaga ang mga customers ang laging nandito. Minsan lang akong makakita na hindi mga estudyante ang pumupunta rito. Kaya pagtatak ng 11:00 ng gabi ay nagsasara na ang coffee shop para makauwi na rin ang mga estudyante sa kanilang uuwian. Sa Brew Haven, hindi lang ako ang estudyante ng PisCA na nagpa-part time rito. Nandiyan si Jovie, 4th year AB English at graduating na this year. Laging dumudugo ang ilong ko kapag kausap siya dahil kada minuto na lang siyang nagsasalita ng English kahit na marunong naman talaga siyang mag-tagalog. Kaya minsan iniiwasan ko siyang kausapin na lang. Si Leonard, o mas kilala bilang si Leo, na isang 3rd year at BS Computer Science student na katulad ko. May lahi siyang foreigner kaya guwapo. Saka matinik siya sa chicks. In short, babaero. Paniniwala ko kaya siya nagtatrabaho rito dahil marami raw babae. Iyon ang sabi niya sa akin minsan. Kasi kung tutuusin ay anak-mayaman si Leo dahil isang businessman ang kanyang ama na Filipino. Kaya hindi ko talaga alam kung ano ang rason niya kung bakit siya nagpapakapagod na magtrabaho rito sa Brew Haven kung mayaman naman ang pamilya niya. At alam niyo ba, kalat na kalat sa buong school ang pagsangkot niya sa buy bust operation ng illegal drugs noon. Ang chismis ay nahuli siya sa motel kasama ang ka-one night stand niyang babae. Kuwento niya ay nasangkot lang daw siya at hindi talaga sa kanya ang mga illegal drugs na nakuha ng taga-PDEA. Nakalaya naman siya sa kulungan dahil sa tulong ng kanyang ama at napatunayan naman na wala talaga siyang kinalaman. Bakit ko alam ‘to? Dahil kaibigan ko rin itong si Leo. Pero hindi kami gaanong sobrang close. Pareho kami ng kursong kinukuha at lagi kaming magkasama sa bawat klase namin araw-araw. Nagkakausap lang kami o kaya magkatabi sa isang upuan tuwing klase. Kaya make sense kung bakit alam ko ang lahat ng issue niya. Si Vincent, 3rd year BS Accounting student na sobrang hinhin kung kumilos. Siya talaga ‘yong close friend ni Leo. ‘Yon nga lang, feeling ko may tinatago siyang sikreto sa amin. Hindi ko alam kung ano iyon. Baka alam ni Leo. ‘Di niya lang sinasabi sa akin. At si Yvonne, 3rd year BS Biology, ang kaisa-isang babaeng empleyado ng Brew Haven na classmate at close friend din ni Sofia. Kung tutuusin, hindi talaga tumatanggap ang Brew Haven ng babaeng employee. ‘Di ko rin alam kung bakit. Lahat kami rito ay puro mga lalaki. Kahit na ‘yong may-ari at manager namin ay lalaki—si Sir Paolo. Natanggap si Yvonne bilang empleyado ng Brew Haven dahil lalaki ito kung kumilos. May kumakalat ding chismis na lesbiyana raw itong si Yvonne. Pero ang totoo niyan ay hindi talaga. Kinumpirma na niya iyan. Parang lalaki lang talaga siya kumilos kasi doon siya mas kumportable. Siguro iyon ang dahilan kung bakit tinanggap siya ni Sir Paolo na mag-part time rito. Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng mga platito at cup sa mga lamesang bakante. Saktong may isang lamesa na malapit kay Sofia ang liligpitin ko kaya lumapit ako roon at kinausap siya habang nagtatrabaho. “Okay ka lang diyan? Baka inaantok ka na,” tanong ko sa kanya. “8 pa ng gabi. Saka may isang laboratory report pa akong tinatapos ngayon kasi deadline na bukas,” sabi niya sa akin habang tutok siya sa pagta-type roon sa maliit niyang laptop. “Okay,” kibit-balikat kong sagot sa kanya at umalis doon kasama ang tray na puno ng mga platito at cup. Hinayaan ko na lang siya roon kasi alam kong ayaw niyang magpadistorbo sa tuwing may ginagawa siya. Tuwing magta-trabaho ako ay laging niya akong sinasamahan. Dahil 10:00 pm pa ang out ko, ganoong oras din si Sofia umaalis dahil gusto niya sabay kaming umuwi. Hindi ko naman siya masisisi dahil delikado kung uuwi siyang mag-isa. Sinabihan pa naman ako ng daddy niya na bantayan ko siya. Baka malagot ako ro’n kapag pinabayaan ko siyang umuwi mag-isa. Kaninang umaga, nagulat ako sa sinabi niya. Gusto niya raw akong pakasalan kapag hindi siya magkaka-boyfriend pagtungtong niya ng 30. Akala ko pa naman nagbibiro siya sa akin pero nang makita ko na seryoso siya sa sinabi ko, tinigil ko ‘yong pagtawa ko. Dahil daw sa daddy niya kaya niya naisip iyon. Kasi gusto raw ng daddy niya na maging son-in-law ako. Si Tito talaga. Kahit kailan ay sobrang bait ng pamilya ni Sofia sa akin. Magmula pa no’ng bata ako ay welcome na welcome ako sa kanila. Bukod sa mga tunay kong magulang ay itinuturing ko na rin sina Tito Ferdinand at Tita Lourdes na pangalawa kong magulang. Bukod doon, sila rin ang nagligtas sa akin para makapag-aral ako ng college. Kasi kung wala sila, ‘di yata ako makakapag-aral. Kung iisipin nga ay kaya ko naman at ni nanay ko na pag-aralin ako. Pero ‘yon nga lang, dahil sa sobrang laki ng tuition na babayaran sa PiSCA, hindi namin ‘yon kayang bayaran. Isang mananahi ng basahan si Nanay Lorena. Medyo hindi gaanong kalakihan ang pera na napupunta sa kanya kasi matumal ang tahian at bentahan ngayon ng basahan. Si Tatay Vientoso ko naman ay matagal nang namatay. Noong 2013 siya namatay at 3rd year high school ako at that time. Namatay siya dahil nalunod siya sa pagpapalaot sa dagat. Isa kasi siyang mangingisda. Makulit kasi ang tatay kong ‘yon. Kahit pinipigilan na siya ni nanay na huwag pumalaot dahil mukhang masama ang panahon ay pumalaot pa rin siya. ‘Yon pala, iyon na ang kahulihang araw na makikita namin siya. Dahil kinabukasan ay napabalitaan na lang namin na namatay siya kasama ang mga kasamahan niyang mangingisda. Kaya heto, kailangan ko talagang magtrabaho para may pang-aral at gastusin ako sa bahay. Para matulungan ko rin si Nanay. May isa naman akong kapatid na lalaki. Si Juan Miguel, pero ang tawag namin sa kanya ay JM. Grade 11 na siya ngayon at isang taon na lang ay magko-college na rin siya. Katulad ko ay nagpa-part time rin siya ng trabaho. Kung ano-ano ang trabaho ang kinukuha niya para lang magkapera. Sinasabihan ko na siya na huwag na siyang magtrabaho at pagpapaaralin ko na lang siya. Pero ayaw niya, nahihiya raw siya sa akin. Naaawa rin ako sa kapatid kong iyon kaya hindi ko na lang siya pinakekealaman. Sinusuportahan ko na lang siya kung ano ang kailangan niya sa eskwelahan. At dahil marami na ring tulong ang ibinigay sa akin ng pamilya ni Sofia, malaki na rin ang utang na loob ko sa kanila. Kung sa akin lang ay okay lang na pakasalan ko si Sofia kung walang-wala na talaga. Gagawin ko iyon pangbayad sa utang na loob ko sa kanila. Pero… mahal ko siya bilang kaibigan nga lang. Wala akong pagtingin sa kanya. Alang-ala sa daddy niya, gagawin ko na lang ‘yong gusto ni Sofia balang-araw. At seryoso ako roon. Sa totoo lang, si Angela talaga ‘yong napupusuan ko. And speaking of Angela, napatulala ako nang makita ko siyang pumasok sa Brew Haven kasama ang mga kaibigan niya. Medyo nataranta ako sa kinatatayuan ko kaya dali-dali akong pumunta sa kusina para ilagay roon ang mga dala kong platito at cup upang mahugasan na iyon ng nakatokang dishwasher. Pagkatapos niyon ay sumilip pa ako sa pinto at tiningnan ang counter kung meron na bang umaasikaso sa kanya. Pero nakita ko na wala at mukhang naghihintay si Angela na may baristang humarap sa kanila. Nakita ko naman na busy ang lahat ng mga kasamahan ko. Kaya no’ng nakita ako ni Yvonne, na kasalukuyang nasa counter na may kaharap ding customer, doon sa may pinto ng kusina, ay kaagad niya akong tinawag upang ako ‘yong mag-asikaso kina Angela at ng mga kaibigan niya. Dahil wala akong choice ay nilakasan ko ang loob kong lumabas at pumunta sa counter na pinagpapawisan kahit na malamig naman sa loob. Kinuha ko pa ang good morning towel ko sa bulsa ng jeans na suot ko para punasan ang pawis sa mukha ko. At saka ko iyon ibinalik upang makaharap na ako sa kanilang apat. “G-Good evening. Welcome to Brew Haven. May I take your order?” kinakabahan kong sabi sa kanila, actually si Angela kausap ko dahil siya ‘yong nakaharap sa akin. Yong tatlong kasama niyang babae ay nakangiti lang sa likuran niya na para bang nagpipigil na huwag tumawa. “Er… Can I have 1 Velvet Mocha, 1 er... Caramel Macchiato and 2 Vanilla Crème. Saka tatlong slice ng Chocolate Decadence, please?” Wala akong imik nang sabihin niya iyon. Nakatitig lang ako sa kanya habang wala akong ginagawa. Kung ano ang ikinaganda ni Angela ay ganoon din ikinaganda ang boses niya. Sa totoo lang, ito ang ikalawang pagkakataon na narinig ko ang boses niya ng malapitan. Iba rin pala sa pakiramdam na marinig mo ang boses ng taong gusto mo. Ang sarap pakinggan! Mayamaya ay naramdaman ko na lang na may kumalabit sa kanan ko. Nakita kong si Yvonne iyon na katabi ko lang din sa counter. Tapos ngumuso siya sa customer na kaharap ko. “May customer ka,” saway naman niya sa akin kaya mabilis na nanumbalik ang katauhan ko. Tumikhim muna ako at nahihiyang nagsalita ulit kay Angela. “Ahm, sorry. Ano po ulit iyon?” Nakita ko na ngumiti siya. Ang bait-bait niya kung ngumiti. “It’s okay. Tag-iisang Velvet Mocha at Caramel Macchiato, at dalawang Vanilla Crème. Samahan mo na lang ng tatlong slice ng Chocolate Decadence.” Mabilis kong ipinanch ang order niyang iyon sa computer. Habang ginagawa ko iyon ay nararamdaman ko na nanginginig ang mga daliri ko. Pinakalma ko ang sarili ko para makapagtrabaho ng maayos. Nang sabihin ko sa kanya kung magkano ang babayaran nila ay ibinigay ko kaagad kay Angela ang sukli. Binigay ko na rin sa kanya ang priority number para sa order nila at sinabihan ko silang ise-serve na lang. Bago pa silang apat makaalis sa counter, kinausap ako bigla ng isa sa kasamahan ni Angela na kulot ang buhok. “Pogi, ano ang password ng wifi niyo para naman ma-add ka namin sa f*******:?” kinikilig na tanong niya sa akin. Hindi ko siya kilala pero lagi ko siyang nakikita na palaging kasama ni Angela sa school. Napansin ko naman na bigla siyang sinaway ni Angela habang natatawa naman ‘yong dalawa. Napangiti ako sa kakuwelahan nilang apat. “Ibibigay na lang po, Ma’am, pagka-serve sa order niyo po.” “Ay ganun ba! Ang strict naman. Okay, Pogi. Tenkyuuu!” sabi pa nito at saka na siya hinila ni Angela papalayo ng counter upang makaupo na sa pang-apatang vacant seat na katabi lang din sa ino-okyupa ni Sofia. Tatlong minuto kong ginawa ang kape nila bago ko ito i-serve sa kanilang apat. Mabilis ko namang nai-serve sa kanila iyon at habang ginagawa ko ito ay hindi pa rin mapigilan no’ng babaeng kulot ang buhok na tawagin akong ‘Pogi’. Ewan. Pero natatawa na lang ako at napapailing. At saka hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na mapatingin palagi kay Angela. Ang ganda niya talaga sa paningin ko. Ang sarap niyang mahalin. Siguro thirty minutes ang nakakalipas, habang balik na naman ako sa pagliligpit ng mga lamesa, ay napansin ko na kinakausap na ni Sofia si Angela. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. Pero sana naman hindi ako ‘yong pinag-uusapan nilang dalawa. Kaya mabilis akong bumalik sa kusina para pakalmahin ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD