9. How They Meet (Part 1)

726 Words
Sofia Maraming nakahandang pagkain ang naka-serve sa malaking lamesa mula sa dining room ng aming bahay ngayon. Kahapon ay sinundo namin sina Tita Elena at CJ sa airport. Kaya naman kinabukasan ay napagplanuhan nila Mommy at Daddy na magkaroon ng welcome party sa bahay para sa kanilang dalawa, lalo na sa pagbabalik ni CJ sa aming pamilya. Kahapon ay nagkausap kaming lahat na permanent na ngang maninirahan si CJ sa amin. Dito na rin siya magpapatuloy sa pag-aaral bilang senior high school student. Iyon nga lang, dahil hindi pa tapos ang semester ay kailangan niyang maghintay next year para makapag-enroll ulit. Pinag-uusapan pa nila kung saan si CJ mag-aaral. Si Tita Elena naman ay napagdesisyunan niya rin na dito na manirahan sa Pilipinas ng permanente at magtatayo na lang ito ng negosyo na pinaplanuhan pa niya. Nalaman ko rin ang masamang balita na namatay na pala ang kanyang Australyanong asawa apat na buwan ang nakakaraan. Ang mga naiwang ari-arian ng asawa ang siyang magiging puhunan daw ni Tita Elena sa pagtatayo ng kanyang sariling business para sa namayapang asawa. Kahit hindi man sila nagkaanak nito, gusto pa rin daw makita ni Tita Elena na may naipundar naman din sila kahit papaano. Siyempre masaya naman ako sa mga balitang narinig ko. Masaya akong marinig na permanente nang dito maninirahan si CJ kasi araw-araw ko na siyang makikita. Makakasama ko na rin siya sa iisang bahay. Minsan ay hindi ko rin maiwasan na manibago sa nangyayari. Pero sa totoo lang, isang araw pa lang na nakakasama ko si CJ sa bahay ay parang ayoko na sa ugali niya. Totoo nga talaga ang sabi ni Tita Elena sa aming lahat: na masakit sa ulo si CJ. Kung gaano katigas ang bato ay ganoon din katigas ang ulo nito. Yesterday, I saw him talking to Tita Elena asking if when they will get back to Australia. Sa tono pa lang ng boses niya nang magtanong siya niyon ay alam kong ayaw niyang manirahan dito, which is kind of sad for me. Pero binale-wala ko na lang at baka naninibaguhan lang din siya. Siguro it will take time that he will finally adjust living here. Sa ngayon, nasa adjusting stage pa siya at alam ko na nami-miss niya ang buhay sa Australia. My dad and mom were also happy to see that their only son is finally living here in our house. They were both knew how stubborn CJ was, pero parang binabale-wala lang din nila iyon. Kasi nga teenager na. Wala naman daw iyon pinagkaiba sa akin kasi no’ng nasa ka-edaran pa raw ako ni CJ ay matigas din ang ulo ko. Hindi lang ako kundi kaming dalawa ni Jon. Kaya hindi na bago kay Mommy at Daddy ang ugaling pinapakita ni CJ kasi nako-control naman daw nila ang ugali nito. At saka gusto nilang bumawi kay CJ sa ilang taon na nawalay siya sa kanila. Kaya, they thought of having a welcome party para naman maging masaya ang kapatid ko, and also maging masaya rin si Tita Elena sa unang araw niya sa pagtira rito sa Pilipinas. It’s Sunday today. Maga-alas dose na ng tanghali nang bumaba ako galing sa kuwarto. Nagsuot ako ng casual t-shirt at short na maikli. Sa pagkakaalam ko ay mamayang hapon pa ang party na gaganapin sa malawak na space sa likod ng aming bahay. Napag-isipan ko na tumulong muna roon sa kusina at mamaya na lang din ako mag-aayos ng sarili ko. Pumunta ako sa kusina upang tingnan ang mga ginagawa ng mga kasambahay namin. Nakita ko rin doon si Mommy na sobrang busy sa pag-aasikaso ng mga niluluto niya para sa welcome party. Bukod kasi sa amin ay nag-imbita rin si Mommy ng mga kaibigan niya upang dumalo sa bahay. Kahit ang mga dating kaibigan ni Tita Elena ay inimbitahan din niya dahil gustong-gusto na rin niya itong makita. Sampung putahe ang niluluto ni Mommy. May menudo, kaldereta, chopsuey, adobo, salad, at kung ano-ano pa. Marami rin siyang spaghetti at cordon bleu na niluto dahil paborito raw ni CJ sabi ni Tita Elena. Bukod kasi sa pagiging abogado ni Mommy, marunong din siya sa gawaing bahay lalo na sa pagluluto. Kaya hindi ko siya masisisi ngayon kung bakit abala siya sa kusina kasama ang mga kasambahay. Tinulungan ko na lang sila roon dahil mukhang busy silang lahat. Para naman may magawa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD