15. Casanova's POV

2690 Words
Leonard “Leo” Janssens Leonard: “Sige, Sofia. Balik muna ako sa work. Text na lang tayo later after work. Is that okay with you?” Sofia: “No prob. Ikaw bahala. I need to go also dahil magdi-dinner na.” Leonard: “Okay. Save my number. Bye for now.” Sofia: “Bye.” Matapos kong makausap through text si Sofia ay saktong bumukas ang pinto ng locker room. Bumungad sa akin si Vince na mukhang pagod na pagod sa trabaho. Si Vincent, kasamahan ko siya sa trabaho rito sa Brew Haven at saka family friend ko rin. Meaning, ‘yong parents niya at parents ko ay magkaibigan, magkasosyo sa negosyo. “Huy! Bakit ka nandito?” iyon kaagad ang bungad na tanong niya sa akin nang makita niya ako. “Nagpapahinga lang,” dahilan ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at binuksan niya ang katabing locker ko. Kinuha niya roon ang tumbler niya at uminom ng tubig. Habang ako naman ay muling humarap sa hawak kong cell phone at binabasa ang convo namin ni Sofia. “Mukhang kanina ka pa rito, ah. Baka pagalitan ka ni Sir Paolo. Isumbong ka niyon sa Daddy mo,” concern na sabi pa sa akin ni Vince. Napailing ako sa sinabi niya. “The hell I care.” At saka ako muling napatingin sa IPhone na hawak ko. Basag ang screen nito dahil sa nangyari kanina. Luckily, it is still works. Ipapaayos ko na lang bukas. Hindi ko namalayan na sikretong nakatingin na pala si Vince sa cell phone ko. Mabilis ko namang in-off iyon at inilagay sa locker. “Babae na naman ba ‘yan?” he asked solemnly. “No. School project,” pagsisinungaling ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Nagmamaang-maangan pa ako na may hinahanap sa loob ng locker. Narinig ko kung paano siya tumawa ng mahina. “Bistado ka na, Leo. Alam kong nagsisinungaling ka.” Hininto ko naman ang ginagawa ko at tumingin kay Vince. “We’ve been friends since high school. Kilalang-kilala na kita lalo na kapag nagsisinungaling ka,” he said again. “Well, I expected it. You got me.” Sinara ko ang locker at tumingin sa kanya. “You know you always avoid your eyes on me when you are lying. Sino ang hindi makakahalata, ‘di ba?” aniya habang nakangiti ng nakakaloko sa akin. Muli akong napailing sa kanya at isinara ang locker. “Just don’t tell Dad about it,” seryoso kong sagot sa kanya. “And why would I do that?” “You know what kind of person he is,” naiinis kong sagot kay Vince. He just smirked at me at muling lumagok ng tubig bago nagsalita. “If that’s the case, okay. Basta wala na akong kinalaman kapag may kagaguhan ka na namang gagawin ngayon,” kibit-balikat niyang sabi at saka ako napangiti sa kanya. Ito ang gusto ko sa kaibigan kong ‘to. Loyal pagdating sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na ngumiti sa kanya. Dahil sa saya ko ay mabilis ko siyang inakbayan. “That’s my Bro! Halika ka nga dito!” At saka ko ginalaw ang kanyang buhok. Nagpupumilit naman siyang makawala sa pagkakaakbay ko. Vincent and I were high school friends. We’re 2nd year at that time noong nagkakilala kami. At siyempre, his Dad and my Dad were business partners. My Dad got big businesses here in the Philippines. Hotels, malls, real estate, and shipping vessels were his businesses, while Vincent’s Dad got their own mineral water company only. Ang company nila ang nagsu-supply ng mineral water sa hotel na pagmamay-ari ng daddy ko. Siguro dahil sa sobrang tagal na nilang ka-sosyo sa negosyo ay naging malapit na rin sila sa amin. Ang totoo niyan, I am from Belgium. Half Pinoy-Half Belgian ako to be exact. My Dad was a pure Filipino and my Mom was a pure Belgian. Iyon nga lang ay divorce sila. Nagkahiwalay sila noong four years old ako. I don’t know why. Basta na lang kami iniwan ni Daddy niyon isang araw; umuwi siya sa Pilipinas. I was born and raised in Belgium. When I turned to 14, my mother died of cancer. Leukemia, they said. Dahil naubos ang lahat ng pera ni mommy dahil sa pagpapagamot niya, natural na walang natira sa akin. Kahit ‘yong bahay ay naging collateral sa inutang niya sa bangko. Matapos mamatay ni mommy, nanirahan ako sa kapatid niyang lalaki na si Uncle Timothy, who were working as a college professor in some university in Belgium. Siguro isang taon matapos mamatay si mommy ay doon nagbago ang buhay ko. When I got home from school, my Uncle Timothy confessed to me that he can no longer afford my studies dahil may tatlong anak din siyang pinag-aaral. Iyon ang naging dahilan para ibigay niya ang custody ko sa aking biological father na nasa Pilipinas. Noong una ay tumutol ako dahil ayokong mapalayo sa kanila, at dahil na rin may bahid akong galit sa ama ko—sa pang-iwan niya sa amin at sa hindi niya pagbibigay ng tulong medical para kay mommy kahit na kami na ang lumapit dito upang humingi ng tulong. Pero kinausap ako ng seryoso ni Uncle Timothy. He asked me if I could do his favor dahil para na rin daw ito sa akin, sa kinabukasan ko. And if I graduate in college soon, I can go back to Belgium at puwede raw akong manirahan sa kanila at doon maghanap ng trabaho. That was my uncle’s compromise. Wala akong nagawa kundi pumayag na lang. At doon ko na nga muling nasilayan pa ang tunay kong ama na si Mr. Gerald Gabisan nang umuwi ako sa Pilipinas. Noong una ay medyo hindi ako naka-adjust sa lugar, lalo na’t Dutch ang lenggwaheng sinasalita ko at Filipino ang lenggwahe nila. Pero habang tumatagal ay mas lalo ko pang natutunang magsalita ng Filipino o kaya minsan ay nage-English ako sa kanila kung nahihirapan ako. For five years living here in the Philippines, masasabi kong fluent na akong mag-Filipino at minsanan na lang akong mag-Dutch sa kanila. Nakakausap ko pa naman si Uncle Timothy at ang kanyang pamilya sa Belgium through video chat, pero paminsan-minsan na lang. Sa limang taon ding iyon ay naging matalik kong kaibigan si Vincent. He’s been on my side kapag may kailangan ako sa kanya, and he always been my confidante. For me, I owe my life to him dahil siya lagi itong kumakausap sa daddy ko kapag may ginagawa akong gago na sobrang tutol sa kanila. You know, I am a bastard boy. Dahil nananalantay sa puso ko ang galit sa aking ama, sinubukan kong mag-rebelde sa kaniya at sa kanyang bagong asawa. Hindi ako nagseryoso sa pag-aaral ko. Luckily, I graduated in high school dahil sa tulong ni Vincent. Now I’m in college, mas lalo lang akong naging gago. I have been exploring things—wild things exactly—na sobrang kinaiinitan ng ulo ng ama ko. Going to gyms was my center of attention when I’ve got to college. Oo, nagpa-macho ako. Nagpalaki ako ng katawan. After several months, I saw some changes lalo na sa body build ko. Ibang-iba noong high school pa ako. Nag-boost ito ng appeal sa akin kaya I’ve been dating so many girls with this kind of body and looks that I have. And to tell you honestly, hanggang hook up or one night stand lang ang napapala ko sa pagiging babaero ko. Kung pagdating sa relationship, we ended up in a week or a month. One time, there was a random girl na na-meet ko sa isang dating app. Ano nga ba ang susunod na mangyayari after those exchanging chat? Siyempre we ended up in a motel. Mangyayari na sana ‘yong gusto naming mangyari nang biglang nagkaroon ng raid ang PDEA sa room na inokyupa namin. Hindi ko alam na ‘yong babae na kasama ko ang target ng taga-PDEA. Doon ko lang nalaman na dealer pala ang babaeng iyon ng dr*gs. Dahil sa nangyari, nadamay ako. Naging malaking issue ito sa akin at parang sinampal ako ng malakas sa mukha dahil sa nangyari. Ito ang naging dahilan para bulyawan ako ng ama ko araw-araw. He always compares me to my stepsister na anak nila ng bago niyang asawa na si Susan, which I didn’t prefer to call a “mom.” Kesyo raw matalino si Kate, that was my stepsister’s name na kasalukuyang nag-aaral sa high school. Marami itong achievements na nakukuha sa murang edad. Laging topnotcher sa school. Ako? Top lang! You know what I mean. Lagi niyang bulyaw sa akin kung kailan daw ako magbabago? Kung kailan daw ako mag-iisip ng maayos. As what he said, “My God, son, it's time for you to grow up and make something meaningful out of your life!” Pero labas-masok lang sa tenga ko ang mga iyon. Kasi nga… galit na galit ako sa ama ko dahil sa paga-abandona niya sa amin ni mommy. Isang araw, to my surprise, Vincent asked me if I can work as a part time in Brew Haven. Ayoko sana dahil ayokong magtrabaho. Pero sinabihan ako ni Vincent na sinabihan daw siya ni Daddy na tulungan ako dahil alam ng ama ko na sa kanya lang ako nakikinig. Sinabihan pa ako ni Vincent na kung magtatrabaho ako, makikita raw ng ama ko na gusto kong magbago. But I don’t want to change because I don’t care about my father how he sees me. Nagbago lang ang pananaw ko nang muli akong pagsabihan ni Vincent na hindi lahat ng oras ay magiging ganito akong gago at tarantado sa buhay. Kailangan ko raw magbago dahil para rin ito sa kapakanan ko. That hits me so badly. Matagal kong pinag-isipan ang sinabi ni Vince sa akin. In the end, sinubukan ko ang pagtatrabaho. After I broke up with my 2-weeks girlfriend na nakilala ko lang din sa dating app, nagtrabaho ako sa Brew Haven bilang barista. 7 months na ako rito at parang nagugustuhan ko ‘yong ginagawa ko. Did I really change? Not really. Pero hindi na ako nakikipag-hook sa mga babae. Siguro iyon ang biggest achievement ko for now. Pero paano ba talaga ako magbabago kung may nakilala na naman ako? Should I try hooking up with girls again? Lalo na kay Sofia? Yeah… Maybe. Habang patuloy na kumakawala si Vince sa pagkakaakbay ko ay napahinto kami nang bumukas ang pinto ng locker room. Bumungad doon si Yvonne, ang nag-iisang babaeng employee rito sa Brew Haven. “Hoy mga tukmol! Ang daming customer sa labas, tapos naglalandian lang kayo riyan! Labas!” nanggigigil na sigaw niya sa aming dalawa. “Susunod kami!” sigaw ni Vincent kay Yvonne at saka siya kumawala sa pagkaka-akbay ko. Umiiling na isinarado ni Yvonne ang pinto at muli kaming naiwan ni Vincent doon sa loob. Humarap siya sa akin at tinapik niya ako sa balikat. “Tara na. Baka bumalik pa ‘yon dito,” natatawa niyang sabi sa akin. Humarap siya sa locker at inilagay roon ang hawak-hawak niyang tumbler. “Bakit? Natatakot ka sa Yvonne na ‘yon?” nakangisi ko namang tanong kay Vince. “Hindi ‘no. Bakit naman ako matatakot sa babaeng ‘yon?” pagmamaang-maangan niya. “Sus! If I were you, liligawan ko siya. But I didn’t kasi naisip ko na para siya sa iyo. Balita ko ay wala pang boyfriend ‘yon since birth. That means she is also a virgin,” nakangisi kong pagbibiro sa kanya. “Huy! Bunganga mo. Marinig ka niyon,” pagsasaway niya sa akin na ikinatawa ko lang. “Nasisiraan ka na yata ng bait. How many times that I’ve told you na tigilan mo na ‘yang pagiging womanizer mo. Saka… ‘di mo ako katulad, ‘no. Hindi ako babaero.” Napasagitsit lang ako sa sinabi ni Vince. “It’s been 7 months since I don’t have any hook ups. So I am thinking if I can hook up another girl again?” pagbibiro ko pa sa kanya na mabilis na ikinatingin niya sa akin ng masama; na para bang sinasaway niya ako. “Susuntukin talaga kita, Leonard! Isusumbong talaga kita kay Tito, tingnan mo,” pagbabanta niya sa akin. Muli akong napasagitsit sa sinabi niya but I didn’t reply to his threat. “You know what, having many hook ups or girlfriends doesn’t make you cool. It makes you look like an idiot!” Mahina akong natawa sa sinaad niya. Hindi ako naapektuhan sa sinabi niyang iyon. But I find it a way to tease him. “Is that so? Kaya pala hanggang ngayon ay wala ka pa ring girlfriend,” pang-aasar ko sa kanya. Nakita ko kung paano siya umirap sa akin nang isara niya ang locker niya. “Because it will make you look like an idiot,” dagdag ko at sinabayan ko pa iyon ng pagtawa sa huli. Nakita ko naman kung paano namula ang mukha ni Vince dahil sa pang-aasar ko sa kanya. Kilala ko ang kaibigan kong ito. Ayaw niya ng inaasar siya dahil mabilis siyang mapikon. Umismid lang siya akin at mayamaya ay tumigil na rin ako sa pagtawa nang makita kong nawala na siya sa mood niya. I don’t know what’s got on me this time. Bigla na lang akong nagtanong ng seryoso kay Vince para hindi siya magalit sa akin, thinking na parang below the belt ‘yong pang-aasar ko sa kanya. I told him, “Could you tell me why you don’t have any girlfriends?” Nang tinanong ko iyon sa kanya, napansin ko kaagad na bigla siyang natahimik at patuloy lang siya sa pagkakandado ng locker niya. Naisip ko na parang napikon pa siya sa akin lalo. On the other side, hindi ako sanay na ganun siya katahimik kapag tinatanong. I knew him for five years at ni minsan kapag nagtatanong ako ay mabilis siyang sumasagot. These past few months, I noticed how he changed a lot. Lalo na pagdating sa ikinikilos niya. If I didn’t mention, he has a twin brother who died last year due to drowning. Dahil sa nangyaring aksidente ay mukhang sinisisi yata niya ang sarili kung bakit namatay ang kakambal niya. Kahit hindi man niya sabihin sa akin iyon, alam kong iyon ang nararamdaman niya. “Hey, are you alright?” tanong ko kay Vincent nang mapansin ko na sobrang tahimik niya. Tumingin siya sa akin. “Sorry if I offended you.” “I’m okay,” he answered forcibly. Alam kong hindi talaga siya okay. “Is there something wrong?” Umiling si Vince bilang sagot. “Okay lang ako.” Sa pagkakataong ito ay napansin ko na hindi siya makatingin ng maayos sa akin. Mukhang napikon ko nga siya. “Hey, if there’s something wrong, tell me. Baka makatulong ako,” seryosong ani ko sa kanya. “’Wag kang mag-alala. Okay lang ako. Medyo pagod lang sa trabaho,” he said. Klarong-klaro ang pagdadahilan niya. Ni hindi pa rin siya makatingin ng maayos sa akin. Napatango naman ako ng ulo sa sinagot niya. Alam kong may tinatago siya na hindi niya kayang sabihin sa akin. At kung hindi niya talaga kayang i-share sa akin iyon, hindi ko siya pipilitin. I always respect his privacy. “Sige,” naisabi ko na lang. “S-So sino na naman ang pinopormahan mo?” he asked when we were going outside of the locker room. Ikinasalubong iyon ng dalawa kong kilay kasi hindi ko ini-expect na iyon ang itatanong niya. “Sofia,” tipid kong sagot sa kanya. “Sofia? ‘Yong girlfriend ni Jon?” gulat niyang tanong sa akin. “Let me correct you with that. Hindi girlfriend ni Jon si Sofia. And yes, she’s the one who I’m interested right now.” “Nasisiraan ka na ba talaga!? As far as I know, retired general ang tatay niya.” “I don’t care. I will make her to be mine, as usual,” sabi ko at saka ako naunang lumabas ng locker room na may ngiting nakakaloko sa labi. And yes, I meant it. I will make sure that she will be mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD