~Erin~ "Uy, kanina ka pa nakatitig sa kanya, I think it’s time to go get your coffee before it’s gets cold," putol ni Sage sa kalituhang bumalot sa akin habang ang isip ko’y lumulutang at ang mga mata ko’y pagala-gala sa paligid ng pool. "Parang may mali eh," bulong ko sa sarili. "Ano 'yun?" Napakurap ako dahil hindi ko naman inaasahan na sasagot pala ang isang ito. "Galit ba si Minnie sa atin?" Tumawa siya. "Mabait 'yun. At bakit naman siya magagalit? Hindi naman natin siya inalipin na parang si Cinderella." "Well..." Tumigil ako. Iniisip ko pa rin kung tama bang i-mention ito sa kanya nang muli siyang nangulit. "Ano bang nangyayari sa'yo?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Kahit magpanggap siya ay hindi niya maitatago ang kanyang pag-alala. "Wala. Siguro, pagod lang ako.

