"What's your problem? Bakit mo itinulak si Miss Kari sa pool?" Narinig ko ang galit na tinig sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ang kanyang kunot na noo habang nakasandal siya sa locker room at tinulak ko siya upang makalayo sa kanya. Napapailing ako dahil kahit ako hindi makapaniwalang nagawa ko iyon. “Wala akong ginawang masama! Ano bang pinagsasabi mo?” sagot ko sa kanya. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, Medyo na conscious ako sa aking suot na gray shirt at black jeans. Pagkatapos, muling nagtagpo ang aming mga mata, at galit siyang tumitig. "You think I'll believe your crap?" Ang boses niya ay puno ng galit. Umiwas ako ng tingin at naglakad palayo sa kanya, sabay pulot ng backpack ko sa sahig. "I'm going to my class. Huwag mo akong abalahin," sabi ko bago itulak an

