Isang taon na pala at hindi ko napansin na makikipagkumpetensya ang aming swimming team sa Palarong Pambansa! Hindi ko talaga naisip ito hanggang natapos na namin ang lahat ng pre-competitions; doon ko lang na-realize na lalaban kami para sa national championships! Hindi naman ako ang makikipag-compete ngunit nanginginig pa ang aking katawan sa excitement. Halos mapudpod na rin ang aking mga kuko kakakagat ko. Nang ipakilala ni Uncle ang pansamantalang coach sa amin ay umayos ako ng upo. Natutuwa ako na mayroon kaming bagong kakampi, pero medyo kinakabahan ako sa kanyang malakas na aura. Titig pa lang ay parang sasaksakin ka na. Pati ang boses niya ay kasinglakas ng microphone habang inuutusan niya ang lahat na tumayo. Ang kanyang mga salita ay klaro at mapag-utos, at iniisip ko na ganit

