PROLOGUE
Author's Note: This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
***************************************************
Limang armadong mga lalaki ang patuloy na naghahanap sa amin. Kasalukuyan kaming nagtatago ni Cydenn sa isang madilim na sulok ng eskinita. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko ang panginginig ko sa takot, ang malalamig na butil ng pawis na pumapatak sa aking noo, at ang napakabilis na t***k ng puso ko. Pilit ko'ng pinipigilan ang paghikbi at paghagulhol dahil sa takot na kami'y marinig at mahanap. Alam ko na kahit si Cydenn, nakakaramdam rin ng kaba, takot, at pag-aalala tulad ko.
"Lumabas na kayo diyan... wala na kayong matatakasan."Sambit ng isa sa mga lalaking naghahanap sa amin, kasunod noon ang kanilang paghalakhak. Ramdam ko na rin ang mga yabag nila papalapit sa puwesto kung saan kami nagtatago. Dumodoble ang takot at kabang aking nararamdaman sa bawat tunog ng kanilang mga yabag. Lalong bumigat ang aking paghinga at napapikit na lamang ako habang wala pa ring tigil ang pag-agos ng aking mga luha. Taimtim rin akong nagdadasal na sana ay hindi kami mahanap at makauwi kami ng ligtas sa aming mga pamilya. Hindi ko na matiis pa ang hikbi at hagulhol na kanina pa'ng gustong kumawala kaya itinakip ko ang isa kong kamay habang ang kabilang kamay ay nanatiling nakakapit sa kamay ni Cydenn. Napamulat ako at napalingon sa kaniya nang maramdaman ko ang paghigpit ng kapit ng nanlalamig niyang kamay.
"Shhh... don't worry, Prinsesa ko. Hindi kita iiwan, okay? Makakaalis tayo rito." Mahinang bulong niya sapat na para marinig ko habang hinahaplos-haplos niya ang aking buhok. Tumango-tango lamang ako kahit na hindi pa rin ako mapalagay. No, I can't. Hindi ko kayang hindi matakot at mag-alala. Ang mga lalaking iyon.... gusto nila kaming patayin sa hindi ko maintindihang dahilan.
"Dito na kayo mamamatay. Makikita at makikita rin namin kayo. "Muli na namang nagsalita ang isa sa kanila. Nadagdagan pa ang takot at kabang nararamdaman ko dahil sa nakakatakot na tinig niya. Mas sumikip pa ang aking dibdib at nahihirapan na akong huminga.
*Plagg!
Isang malakas na tunog mula sa malayo ang nakakuha ng kanilang atensiyon. "Pre! Doon yata yun! Tara!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga kasamahan nila. Pareho kaming nakahinga ng maluwag nang marinig namin ang mga papalayong yabag nila.
"Prinsesa ko, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Cydenn. Tumango-tango lamang ulit ako dahil hindi pa rin ako makapagsalita hanggang ngayon. Pakiramdam ko ay umurong ang aking dila dahil sa mga pangyayari. Tumayo na siya at inalalayan rin niya ako. Sumilip-silip muna siya na para bang sinisigurado niyang wala na ang mga lalaki sa lugar. Nang masigurado niya ang lugar, kaagad siyang humarap muli sa akin at sinipat-sipat ang katawan ko. Bigla ko siyang niyakap ng napakahigpit dahilan para matigilan siya. Niyakap rin niya ako pabalik kalaunan. Pakiramdam ko, ligtas ako sa mga brasong ito, walang gulo, payapa, tahimik. Isinubsob ko ang ulo ko sa kaniyang balikat at doon umiyak. Mahal ko ang lalaking nasa harap ko ngayon. Sobra.
Bumitaw na kami sa pagkakayakap sa isa't isa. Ikinulong niya ang aking mukha sa kaniyang mga palad. Ramdam ko ang ginhawa at init na nagpagaan sa aking pakiramdam. Dahan-dahang hinaplos ni Cydenn ang aking mga pisngi at hindi ko namalayan na magkalapat na pala ang mga labi namin. Pareho naming iginagalaw ang aming mga labi kasabay ng musikang nagmumula sa aming mga puso.
I know, there's a possibility na may isa sa amin o siguro kaming dalawa ay mamamatay na rito. Alam ko na posibleng ito na ang huling araw namin na magkasama. Maaaring hindi na kami makaalis rito ng buhay. Lalong dumami ang mga luha na naglalandasan sa aking pisngi dahil sa mga isiping iyon.
This man, the man who made me the happiest woman ever, the man who came here and ready to sacrifice his own life just to save me. The man who I'm kissing with. The man in front of me, he's the man who truly love me and the man I love the most. I love him so much that I can't afford to lose him.
Dahan-dahang nagbitaw ang aming mga labi. Pinagdikit niya ang aming mga noo at doon ko lang napagtanto na lumuluha na rin siya. Gaya ng ginawa niya sa akin, pinunasan ko rin ang kaniyang mga luha.
"I love you, I love you, Prinsesa ko... I love you until the sun loses its light and the moon goes down. You will remain the only princess of my heart." Mahinang saad niya sa akin kasunod ng muling pagpatak ng kaniyang mga luha.
" M-mahal rin k-kita, P-prinsipe ko....h-hanggang sa huling kabanata ng aking buhay, you will remain the only Prince of my heart." Sambit ko habang humihikbi at muli siyang niyakap. Mahal na mahal ko si Cydenn, sobra.
" Kailangan na nating umalis, Prinsesa ko. Ito, itatali ko ang mga kamay natin. Magkasama tayong tatakbo at tatakas sa lugar na ito, kaya walang bibitaw, okay? Kahit na anong mangyari, wag kang bibitaw." Bilin niya habang itinatali ang aming mga kamay sa isa't isa gamit ang isang... Red String. Tumango-tango lamang ako ng paulit-ulit sa kaniya habang hindi inaalis ang tingin sa pulang tali.
Nang matapos niyang maitali ang aming mga kamay, kaniya itong pinagsiklop at nagsalita. "Together we will escape this place, Prinsesa ko." Hinila na niya ako at sabay na kaming tumatakbo ngayon sa gitna ng eskinita.
Nakailang ikot at takbo na kami ngunit hindi pa rin namin makita ang daan palabas ng eskinitang ito. Pakiramdam ko ay naliligaw na kami. Patuloy lang kami sa pagtakbo kahit pareho na kaming hingal na hingal. Kailangan naming makaalis rito, baka mahanap kami at mapatay. Unti-unti na namang bumabalik muli ang matinding kaba, takot, at pag-aalalang nararamdaman ko.
Dahil sa pagmamadali, hindi ko napansin ang isang malaking bato na nakaharang sa daraanan ko. Bigla akong natisod at napaupo kaya bahagya ring nadala si Cydenn dahil nakatali ang aming mga kamay.
"Aray!" Inda ko habang kapit-kapit ang aking paa, ang sakit. Pakiramdam ko ay napilayan ako. Kaagad namang lumapit si Cydenn sa akin.
"Prinsesa ko! Okay ka lang ba?" Tanong niya na may halong pag-aalala habang tinitignan ang aking braso at paa. Bigla niyang hinawakan ang parte kung saan masakit kaya impit akong napahiyaw sa sakit.
"Ahh! Dahan-dahan, Cydenn. N-napilayan yata ako." Nakita ko ang pagkabigla sa kaniyang mga mata.
"Dalian na natin, Prinsesa ko. Bubuhatin na Lang kita" Mabilis akong tumanggi sa kaniya dahil mas mahihirapan lamang siya kung bubuhatin niya pa ako.
"W-wag na. Aww... K-kaya ko na" Sambit ko sabay pilit ng ngiti. Ilang beses kong sinubukang makatayo ngunit hindi ko talaga kaya.
"Prinsesa ko, bubuhatin na kita. Baka dumating na sila." Inalalayan niya akong makatayo at aambang magpapabuhat na sa kaniya nang isang tunog ng putok ng baril ang umalingawngaw sa eskinita.
" Prinsesa ko!"