#LivingWithYou CHAPTER 84 Nasa kwarto sila Bryan at Eros. Nakatagilid ng higa si Eros sa kama, kunot ang noo habang nakatingin kay Bryan na naglalagay naman ng malaking hotdog pillow sa gitna ng kama. “Anong ginagawa mo?” tanong ni Eros. Napatingin si Bryan kay Eros. “Naglalagay ng harang,” sagot ni Bryan. Mas lalong nangunot ang noo ni Eros. “Bakit ka naglalagay niyan?” nagtatakang tanong ni Eros. Napangisi si Bryan. “Since na pumayag na akong tumabi sayo dito sa kama mo, dapat may kondisyon,” sabi nito. “Diyan ka lang sa pwesto mo at dito lang ako sa pwesto ko at hindi dapat tayo lumagpas sa hotdog pillow. Maliwanag?” tanong ni Bryan saka naupo sa ibabaw ng kama. “Kailangan ba talaga ‘yan?” tanong ni Eros. Halata ang pagkainis sa boses.

