#LivingWithYou CHAPTER 85 Nasa loob ng ice cream parlor sila Gab at Clifford. Magkatapat ang kanilang inuupuan. Walang masyadong tao ngayon kaya medyo tahimik din ang lugar. Tumingin si Clifford kay Gab. Nangunot ang noo nito saka tumigil sa pagkain ng ice cream. Napansin niya kasing pinaglalaruan lang ni Gab gamit ng hawak na maliit na kutsara ang ice cream nito. “Gusto mo ibili kita ng ibang flavor?” tanong ni Clifford. Kaagad na napatingin si Gab kay Clifford na nakasilay ang ngiti sa labi. “Hindi na. Ayos na ako dito,” sabi ni Gab saka tiningnan ang ice cream niyang pistachio and cashew ang flavor at nakalagay sa isang styro foam bowl at nakapatong sa mesa. “Sigurado ka? Hindi mo pa kasi nasusubo kahit konti ‘yung ice cream mo. Malapit na siyang magi

