#LivingWithYou CHAPTER 86 SA CLASSROOM... “Anong nangyari sa pagsunod mo kahapon?” bulong na tanong ni Eros kay Marco. Magkatabi ang kanilang mga inuupuan dahil nagpalit si Marco at Bryan para mas maayos silang makapag-usap ni Eros. Napatingin si Marco kay Eros. Kumibit-balikat ito. “Okay lang,” sagot ni Marco. Nangunot ang noo ni Eros. “Anong ibig mong sabihin sa okay lang?” tanong ni Eros. Umiwas nang tingin si Marco. Napabuntong-hininga ito. “Si Gab ang nainis sa akin at hindi ‘yung Clifford,” bulong ni Marco. “Mukhang hindi yata marunong magaling ang taong iyon, panay pa rin ang ngiti kahit na halata naman siguro niyang pinagmamalakihan ko siya na mas kilala ko si Gab kumpara sa kanya.” Napangisi si Eros. “Palpak pala ang plano.”

