#LivingWithYou CHAPTER 45 “Anak, dito na muna tutuloy sa atin ang Tito Henry mo habang nag-aaral siya. Alam na rin ito ng Papa mo,” sabi ni Celine sa anak na si Eros. Napatango na lamang ang disi-sais anyos na si Eros. Wala namang kaso sa kanya kung titira dito sa bahay nila ang Tito Henry niya na lumipat dito sa Maynila para mag-aral kung kailan nasa ikatlong taon na ito sa kolehiyo sa kursong Fine arts. Napangiti naman si Henry. Hindi man ngumiti si Eros pero malaking bagay na ang pagpayag nito sa pagtira niya rito. “Naalala ko ate na dati binubuhat ko pa ‘yan si Eros pero tingnan mo ngayon, binatang-binata na,” sabi ni Henry. Napangiti naman si Celine. “Ang gwapo ng anak ko noh?” tanong nito. “Oo naman... lahi kaya natin ‘yan,” pabirong sabi ni H

