CHAPTER 46

1936 Words

#LivingWithYou CHAPTER 46     Kakatapos lamang maghain sa mesa ng almusal ni Bryan nang pumasok sa dining si Eros. Nakatingin lamang siya dito hanggang sa makaupo ito sa upuan at maglagay ng pagkain sa plato nito. Poker face at parang walang ibang nakikita kundi ang mga bagay na nasa mesa.     Nangunot ang noo ni Bryan. Umagang-umaga pa lang pero mukhang hindi na maganda ang mood ni Eros. Kahit sandaling tingin nga lang ay hindi pa siya nito tinapunan, bagay na lalong ikinataka niya.     ‘Anong problema nito?’ tanong ni Bryan sa isipan. Nagtataka siya sa mga kakaibang ikinikilos nito kagabi at lalo na ngayon.     Napakibit-balikat na lamang si Bryan. Mas mabuti nga ‘yung ganito na hindi siya pinapansin nito, ‘yung parang wala lang siya para hindi na rin siya masyadong mailang pa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD