#LivingWithYou CHAPTER 66 Natapos na ang school fair kaya naman balik na sa dati ang lahat. Nasa loob ngayon ng classroom sila Bryan, Eros, Marco at Gab at magkakatabing nakaupo sa kanilang mga upuan. Napatingin si Bryan kay Marco at Gab. “Saan kayo nagpunta kahapon at hindi niyo na kami binalikan?” tanong nito sa dalawa. Napatingin si Marco kay Bryan. Napangiti ito. “Diyan lang sa tabi-tabi,” sabi ni Marco. Si Gab naman ay nakatingin lamang kay Bryan. “Ganun? Hinanap namin kayo ni Eros kahapon pero hindi na namin kayo mahagilap,” sabi ni Bryan. “Dapat hindi niyo na kami hinanap at inenjoy na lang ang date niyong dalawa ni Eros,” sabi ni Marco saka ngumiti ng nakakaloko. Napakamot naman sa batok si Bryan saka tipid na ngumiti. Tiningnan ni

