#LivingWithYou CHAPTER 55 Nasa bahay ngayon nila Yumi sila Bryan, Gab, Marco at Eros. Pagkatapos ng klase ay dito sila dumiretso dahil inaya sila ni Yumi. Kanya-kanya silang upo sa sofa na nasa sala. Nakahain sa mesa na nasa gitna ang iba’t-ibang pagkain na kanila namang nilalantakan. Karamihan sa mga iyon ay snacks. May isang pitsel din ng orange juice. “Sayang naman Yumi at iiwan niyo itong bahay ninyo. Ang ganda pa naman,” sabi ni Marco habang nililibot nang tingin ang kabuuan ng bahay nila Yumi. Napangiti si Yumi. “Oo nga eh,” ang nasabi lamang ni Yumi. “Ibebenta niyo ba ito?” tanong ni Marco. “Bakit? Bibilihin mo ba?” sabat naman ni Gab. Sinamaan nang tingin ni Marco si Gab. Natawa naman sila Yumi, Bryan at Eros. Napangisi si Gab.

