#LivingWithYou CHAPTER 54 Palabas ng department building sila Bryan, Gab, Marco at Eros. Nangunguna sa paglalakad si Marco na ngiting-ngiti. “SA WAKAS! TAPOS NA ANG MIDTERM EXAM!” malakas na sigaw ni Marco na huminto sa paglakad at tinaas pa ang magkabilang kamay. Napahinto rin sa paglalakad sila Bryan, Gab at Eros. Natatawa sa inaakto ni Marco. “Masayang-masaya ka diyan. Baka mamaya wala ka namang naisagot sa mga exam,” nang-aasar na sabi ni Gab. Tiningnan ni Marco si Gab. Malawak ang sumilay na ngiti sa labi nito. “May naisagot ako kaya huwag kang mag-alala,” sabi ni Marco. “Edi okay,” nangingiting sabi ni Gab. Napangiti naman si Bryan at ganun din si Eros. “Ano? May pupuntahan ba tayo? Dapat mag-celebrate tayo ngayon,” sabi ni Marco. Nap

