#LivingWithYou CHAPTER 77 Malalim na ang gabi pero hindi pa rin natutulog sila Bryan at Eros. Magkatabi sila sa sofa at nagsisiksikan kaya naman medyo hindi rin sila komportable sa kinapwepwestuhan ngayon kahit na ilang gabi na rin silang dito natutulog dahil na rin kay Bryan na ayaw talagang mahiga sa kama at makatabi sa pagtulog doon si Eros. “Ilang gabi pa ba tayo matutulog sa sofa?” tanong ni Eros kay Bryan. Nasa kisame ang tingin nito. Tiningnan ni Bryan si Eros. “Pwede ka naman kasing matulog sa kama, pinagsisiksikan mo lang ang sarili mo dito eh,” sabi ni Bryan. Napatingin si Eros kay Bryan. Poker face. “Ikaw kasi! Pwede ka namang matulog sa kama katabi ko pero ang arte-arte mo,” naiinis na sabi ni Eros. Sumimangot si Bryan. Umiwas ito nang ti

