#LivingWithYou CHAPTER 76 “Please submit your report next meeting. Class dismiss.” Kanya-kanyang tayo at pag-aayos ng gamit ang lahat. Lumabas na rin sa classroom ang professor nila. “Mauna na ako sa inyo. May kailangan pa akong puntahan,” pagpapaalam ni Marco na ikinatingin nila Bryan, Eros at Gab sa kanya. “Saan ka naman pupunta?” tanong ni Eros na kunot ang noo. “Basta, sige,” sabi ni Marco saka tinapik niya sa balikat si Eros at Bryan. Tiningnan naman niya si Gab at tinanguan ito bago tuluyang naglakad palabas. Nakasunod naman ang tingin ng tatlo kay Marco hanggang sa tuluyan na itong nakalabas ng classroom. “Napapansin niyo ba nitong mga nakaraang araw na parang lumalayo na siya sa atin,” sabi ni Bryan. Napatingin naman si Eros kay Bryan.

