#LivingWithYou CHAPTER 101 Malalim na ang gabi pero gising pa rin sila Bryan at Eros. Nakalatag sa sahig ng kwarto ang malaking comforter kung saan sila naka-indian sit. Nakakalat naman sa paligid nila ang mga libro na kanilang ginagamit bilang references. Abala ang dalawa sa paggawa ng research project. Napaghatian na nila ang gawain at iyon ang kanilang tinututukan. Humikab si Eros, naitakip pa nito ang nakakuyom na kanang kamao sa kanyang bibig. Inaantok na siya pero kailangan niyang pilitin na manatiling gising. Ilang araw na lang din kasi at sasapit na ang pasahan ng project. Tumigil naman sa pagtatype sa laptop si Bryan at tiningnan si Eros. Napansin niyang inaantok na ito. Napangiti ito. Nakaramdam naman si Eros na nakatingin sa kanya si Bryan kaya itin

