#LivingWithYou CHAPTER 95 Madilim na ang kalangitan sa labas. Tumatagos ang sinag ng buwan sa bintana ng kwarto. Hindi mapakali sa pagkakahiga si Marco. Tagilid sa kanan, tagilid sa kaliwa, tihaya ng higa. Halata dito ang hindi pagiging kumportable sa pagkakahiga sa sofa. Napapakamot ng ulo si Marco. Nakatingin naman si Gab kay Marco habang nakahiga sa kama nito. Napapansin niya ang hindi pagiging kumportable nito sa pagkakahiga sa mahaba niyang sofa. “Umuwi ka na lang kasi sa bahay niyo at doon mahiga sa kama mo para hindi ka nahihirapan ng ganyan,” sabi ni Gab saka ngumisi. Nilingon ni Marco si Gab. “Kung diyan mo kasi ako pinahiga sa tabi mo hindi sana ako nahihirapang matulog ngayon,” sabi ni Marco. Natawa si Gab. “Masyado kang sines

