CHAPTER 96

3908 Words

#LivingWithYou CHAPTER 96    Sabay na naglalakad ngayon ng mabagal sa loob ng subdivision pauwi ng bahay sila Bryan at Eros. Panaka-nakang tinitingnan ni Bryan si Eros at bakas ang pagtataka sa mukha nito.     Kanina pa kasi tahimik si Eros at seryoso pa ang mukha. Nakatingin lamang sa dinadaanan at parang walang kasama. Kapag magsasalita siya at magtatanong, kundi tango ay maikling salita lamang ang isasagot nito.     “Okay ka lang ba?” hindi na nakatiis si Bryan kaya tinanong na niya si Eros na tumingin naman sa kanya.    “Oo,” seryosong sagot ni Eros.    “Sigurado ka?” tanong ni Bryan.    “Mukha ba akong hindi okay?” tanong ni Eros.    Tumango-tango si Bryan.    “Hindi kasi maipinta ang mukha mo dagdagan pa na sobrang tahimik mo. Hindi ka naman ganyan kaninang umaga.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD