#LivingWithYou CHAPTER 97 “Hindi kita masusundo mamaya kasi may kailangan lang akong gawin,” ang nabasang text ni Bryan mula kay Eros. ‘Ano naman kayang gagawin niya?’ tanong sa isip ni Bryan. “Sir, pa-check naman nito.” Napatingin si Bryan kay Mika, ang isa sa mga estudyante niya. Napangiti siya saka itinago sa bulsa ng suot niyang pants ang kanyang cellphone saka kinuha naman ang questionaire nito. Binasa ni Bryan ang mga sagot ni Mika. Nakatingin naman si Mika kay Bryan habang naghihintay. “Yung number 8, subukan mo ulit i-solve at baka may nakaligtaan ka lang gawin sa formula,” sabi ni Bryan nang tingnan nito si Mika. “Okay po,” sagot ni Mika. Napangiti si Bryan saka muling ibinalik kay Mika ang questionaire nito. Nagsagot ulit si Mika.

