#LivingWithYou CHAPTER 69 Nasa ilalim ng puno ng acacia sila Bryan, Eros, Marco at Gab. Nakapatong sa mesa ang mga pagkaing binili nila kanina sa cafeteria bago pumunta dito na kanila namang nilalantakan. Tiningnan ni Eros si Marco na nasa kabilang side ng mesa at kaharap niya. Nangunot ang kanyang noo dahil nakatingin ito sa kanya at nakangisi na parang aso. “Bakit?” nagtatakang tanong ni Eros kay Marco. Napatingin din tuloy si Bryan at Gab kay Eros pati na rin kay Marco. Napangiti naman si Marco. “Wala naman. Natutuwa lang ako sayo.” Mas lalong nangunot ang noo ni Eros. “Natutuwa ka sa akin?” tanong ni Eros saka tinuro pa ang sarili. Napatango-tango si Marco. “Ang galing mo kasi kanina sa presentation. Akalain mo ‘yun.” Napang

