#LivingWithYou CHAPTER 68 Nasa library sila Bryan at Eros. Hindi nila kasama sila Gab at Marco dahil nasa cafeteria pa rin ang mga ito at nilalantakan ang mga pagkaing binili habang walang tigil na nagkwekwento ang huli na matyaga namang pinakikinggan ng una. Abala si Bryan sa pagbabasa at pagsusulat. Nagte-take down note siya ng mga ilalagay niya sa kanyang report na tatapusin naman niya mamaya sa bahay. Tumigil sa ginagawa si Bryan at tiningnan si Eros na nasa kabilang side nakaupo at nasa harapan niya. Nakapangalumbaba ito habang nakatitig sa kanya. Tama ang pakiramdam niya na kanina pa siya nito tinitingnan. “Anong ginagawa mo? Bakit hindi mo pa inuumpisahang gawin ang report mo at nakapangalumbaba ka lang diyan?” tanong ni Bryan. Hindi sumagot si Eros. N

