CHAPTER 62

2096 Words

#LivingWithYou CHAPTER 62     Huminto sa paglalakad si Eros papasok ng restaurant. Huminto rin tuloy si Bryan at tiningnan si Eros na halatang kinakabahan.     “Okay ka lang ba?” tanong ni Bryan.     Dahan-dahang nilingon ni Eros si Bryan. Diretso niya itong tiningnan sa mata. Tumango-tango ito.    “Halatang kinakabahan ka,” sabi ni Bryan. Hindi niya mapigilang mag-alala.     Umiwas nang tingin si Eros. Napabuntong-hininga ito.    “Hindi ko lang maiwasan lalo na at ngayon lamang ulit kami magkakausap nang masinsinan pagkatapos ng ilang taon.”     Napangiti ng tipid si Bryan.    “Normal lang ‘yan pero dapat lakasan mo ang loob mo. Kaya ka nagpunta dito ay dahil kagustuhan mo na rin ang makausap siya di ba?”     Napatango-tango si Eros bilang sagot sa tanong ni Bryan.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD