#LivingWithYou CHAPTER 61 Nasa loob ng classroom sila Bryan, Gab at Marco. Kanya-kanya sila ng ginagawa. Si Bryan ay nagbabasa. Si Gab naman ay nagsusulat ng kung ano-ano sa likod ng notebook niya habang si Marco, palipat-lipat ang tingin sa dalawang kasama. “Nasaan si Eros? Nagbanyo lang siya pero ang tagal-tagal bumalik,” sabi ni Marco. Tumigil sa pagbabasa si Bryan at napatingin kay Marco. Napakibit-balikat ito. “Masyado mo naman yatang namimiss kaagad si Eros,” sabat ni Gab na patuloy lamang sa pagsusulat at hindi man lang tinapunan nang tingin si Marco na napatingin sa kanya. “Bakit ba? Nagtataka lang naman ako kung bakit wala pa siya,” depensa ni Marco. Napatingin ito kay Bryan. “Text mo kaya ang boyfriend mo, mamaya nag-cutting na iyon,” sabi pa nito.

