#LivingWithYou CHAPTER 60 Nasa dining room sila Bryan, Eros at Celine. Nasa kaliwa at magkatabi ang inuupuan nila Bryan at Eros habang nasa kanan at katapat naman nila si Celine na panay ang tingin sa kanila habang kumakain ng hapunan. Kanina pa sila tahimik, tanging ang tunog lamang ng mga kubyertos na bumabangga sa babasaging plato ang siyang lumilikha ng ingay. Tumigil sa pagkain si Celine at tiningnan ang dalawa. Napangiti ito. “Okay na ba kayong dalawa?” tanong ni Celine. Napatingin si Bryan kay Celine. Napangiti ito ng tipid. Si Eros naman ay napatingin kay Celine. “Kailan ba kami hindi naging okay, Ma?” tanong ni Eros. Mas lalong napangiti si Celine. “Mabuti naman at okay na kayong dalawa. Sa totoo lang nag-aalala rin ako para sa in

