#LivingWithYou CHAPTER 59 Natapos na ang klase kaya naman break time na. Sabay na naglalakad sila Bryan at Eros. Nauuna naman sa kanila sila Gab at Marco na walang tigil sa pag-aasaran sa harapan nila. Tiningnan ni Bryan si Eros. As usual, poker face at nakatingin lamang ang mga mata sa harapan habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Napasimangot si Bryan. Naiinis siya dahil sa nangyari kanina at ginawa nito. “Bakit ka nakatingin sa akin?” tanong ni Eros saka tiningnan si Bryan. Sa periphial vision niya kasi, nakita niya itong nakatingin sa kanya. ‘Paano nito nalaman na nakatingin ako sa kanya?’ sa isip ni Bryan. Napangisi si Eros. “Naiinlove ka na siguro sa akin kaya ka nakatingin.” Mas lalong napasimangot si Bryan. “Masyado ka ring

