#LivingWithYou CHAPTER 58 Mag-isa lamang pumasok si Bryan sa eskwelahan. Hindi niya kasabay si Eros dahil mas nauna itong pumasok. Nasa b****a pa lamang ng pintuan ng classroom si Bryan ay abot-tanaw na niya sila Gab, Marco at Eros. Tahimik lamang sila. Si Gab at Marco ay nagkakatinginan tapos titingnan si Eros na hindi naman nakatingin sa kanila kundi ay sa labas ng bintana. Napabuntong-hininga si Bryan. ‘Alam na rin siguro nila ang nangyari,’ sabi nito sa kanyang isipan. May pagdadalawang-isip na tuloy si Bryan kung dapat pa ba siyang lumapit sa mga ito at tumabi sa pag-upo at higit sa lahat ay ang sumama sa mga ito. Wala pa naman siyang ibang kaibigan dito kaya hindi niya maiwasang malungkot kung sakaling mas pipiliin niya ang hindi na muna makisama sa mga

