#LivingWithYou CHAPTER 88 “Nailagay niyo na ba ang lahat ng gamit ninyo sa loob ng van?” tanong ni Celine. Nasa labas sila ngayon ng bahay kung saan nakaparada sa harapan ng bakuran ang isang puting van na inarkila nila. “Yes Tita nasa likod na po lahat,” si Marco ang sumagot. “Siguraduhin niyong wala kang nakalimutan,” paalala ni Celine. Napatango-tango naman ang apat. Lumapit naman si Celine sa kinalulugaran ng driver kung saan nakaupo na doon si Mang Alfonso. “Kayo ng bahala sa mga bata at incase na magkaproblema ay tawagan niyo lang ho ako kaagad,” magalang na sabi ni Celine. “Yes Ma’am,” sagot ni Mang Alfonso. Nilapitan ni Eros si Celine. “Sigurado ka ba Ma na hindi ka sasama?” tanong nito na ikinatingin ni Celine sa kanya. Napangiti i

