#LivingWithYou CHAPTER 89 Kanya-kanya silang pwesto sa hapag-kainan. Nakapatong sa mesang gawa sa kawayan ang dalawang plato na naglalaman ng ilang stick ng banana cue na kanila namang nilalantakan. “Grabe Tita ang sarap po ng banana cue niyo,” sabi ni Marco na ikinangiti ni Milagros na nasa tapat niya. “Salamat at nagustuhan mo. Kumain lang kayo ng kumain at marami pa akong niluto,” sabi ni Milagros na tiningnan silang lahat. “Lahat naman po ng pagkain masarap para kay Marco,” birong sabi ni Gab na ikinatawa nilang lahat maliban lang kay Eros na napangisi lang. Sinamaan nang tingin ni Marco si Gab. “Hindi naman lahat. Bakit ba lagi mo akong kinokontra?” inis na sabi ni Marco na ikinangisi lang ni Gab. Nawala din kaagad ang inis ni Marco at tiningnan

