#LivingWithYou CHAPTER 49 Maagang nagising si Bryan kahit na kulang pa siya sa tulog. Bumangon na lamang siya sa kama at nagluto ng almusal dahil hindi na rin naman siya makatulog pa. Naglalaro pa rin sa isipan ni Bryan ang mga hindi inaasahang narinig kagabi na naging dahilan para late na rin siya makatulog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Napabuntong-hininga si Bryan. Nilapag niya sa mesa ang isang bandehadong sinangag na niluto niya. Pumasok naman sa dining area si Celine. Napatingin si Bryan dito at tipid na napangiti. “Good morning Tita,” pagbati ni Bryan. Napangiti naman ng tipid si Celine. “Good morning din,” balik-pagbati nito. “Ang aga mong nagising,” sabi pa nito. Napatingin si Celine sa mga nakahain ng pagkain sa mesa. “

