#LivingWithYou CHAPTER 50 Nasa cafeteria sila Gab, Marco at Eros. Magkatabi sa kaliwang bahagi ng mesa sila Gab at Marco habang nasa tapat nila si Eros at tinitingnan ito nang mataman. Kunot ang noo ng dalawang kaibigan ni Eros. Nagtataka sa pagiging tahimik na naman ni Eros ngayon. “Alam mo, kahapon pa ‘yan eh. Ano kayang nangyayari sa kanya?” bulong na tanong ni Marco. Napakibit-balikat si Gab. “Parang mas lumala pa nga ngayon,” sabi ni Gab. Napailing-iling ito. Mistula namang walang naririnig si Eros. Nakatingin lamang ito sa kung saan, hawak ng kanang kaliwang kamay ang tinidor at pinaglalaruan ang spaghetti na binili. “Tanungin na nga natin at baka mamaya mahipan ng hangin ‘yan at maging tuod na lang bigla,” bulong ni Marco. “Ikaw na ang ma

