#LivingWithYou CHAPTER 51 Sa loob ng classroom... Napatingin si Marco kay Bryan na walang ekspresyon ngayon ang mukha at nakatingin lamang sa harapan. Nangunot tuloy ang noo niya dahil sa pagtataka. Hinarap ni Marco ang inuupuan kay Bryan. Hindi pa naman dumarating ang professor nila kaya malaya pa nilang magagawa ang mga hindi dapat ginagawa sa klase gaya ng pagdadaldalan. “Okay ka lang?” tanong ni Marco kay Bryan. Naputol naman ang pagkakatulala ni Bryan at napatingin kay Marco. Tumigil naman sa pagbabasa si Gab at napatingin sa dalawa. Si Eros na nakatingin kanina sa labas ng bintana habang nakaupo sa upuan nito ay napatingin kay Bryan nang marinig ang tanong ni Marco. “Ah... oo naman... okay lang ako,” sagot ni Bryan saka tipid na napangiti. “S

