Nang makalabas sa maid's quarter ay halos dahan-dahan ang paglalakad ko habang tinatahak din ang daan patungo sa second floor, iniiwasan na may makarinig sa akin, lalo at anong oras na ngayon. It's already four o'clock in the morning, masyado pang maaga para magising ang mga tao roon kung kaya ay kinuha ko na iyong pagkakataon para dalhin si Chloe sa kwarto nito na siyang buhat-buhat ko sa paraang bridal style. Hindi naman kasi pwedeng mag-stay kami sa maid's quarter hanggang umaga, hindi sa nakakahiya na malaman nilang may nangyari dahil alam ko namang iyon na ang iniisip nila. It just that, nirerespeto ko ang feelings ni Chloe. Mahimbing ang tulog nito sa bisig ko, rinig ko pa nga ang mahinang paghilik niya, maging ang payapa nitong paghinga. Nakabihis na siya ngayon kung ano iyong su

