"Lord, alam ko po na sobrang dami ko nang hiniling sa inyo nitong nakaraang araw, kaya baka hindi na ninyo ako mapagbigyan ngayon. Pero..." Mabigat akong napabuntong hininga. "Nagbabakasakali lang ako na kung pwede pa, kung pwede niyo pa akong pakinggan. Kahit ito na 'yung last, pagbigyan niyo lang ako sa kahilingan ko na sana ay maging maayos ang lahat— sana ay maging matagumpay ang operasyon ni Melvin." Tumingala ako sa altar na nasa harapan ko, saka pa napatitig sa malaking krus na naroon kung saan din ay nakapako ang anak ng Diyos na si Jesus. Mapait akong napangiti, kasabay nang malayang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Samantala ay halos mangalay naman ako sa pagkakaluhod ko mula sa isa sa mga pahabang upuan ng chapel na siyang nasa loob lang din ng Monte Alba Hospital. Dito ako dumer

